CHAPTER 4

6 4 0
                                    

Aquilecia POV

Hating gabi na ngunit di parin ako makatulog, iniisip ko talaga yung sinabi sakin ng Kaleigv na yun. Anong akala niya matatakot niya ako.

Napabangon ako sa higaan ko at nakaramdam ng uhaw, lumabas ako ng kwarto at kumuha ng tubig sa ref.

"I told you, wag mo akong subukan" nabigla ako sa lalaking nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?! Bat ka nakapasok?" Tanong ko habang umaatras habang siya ay papalapit ng papalapit saakin.

Habang paatras ay nakita kong ngumisi siya at inalabas niya ang kutsilyo mula sa kanyang likuran.

"You're dead!" Sigaw niya habang papalakad sakin. Sumugod siya dala ang kutsilyo at sinaksak ako sa leeg.

"Ahhhhh" sigaw ko at napabalikwas ng bangon, panaginip. Panaginip yun, grabe namang panaginip ko brutal.
Habang habol ang hininga ay napatingin ako sa alarm clock ko.

It's still 5:00 am. Kaya bumangon ako at nagbasa ng book sa first subject namin mamaya. Ilang minuto akong nagbasa at nagdesisyon na maligo, baka sigawan na naman ako ni mama. Pagalitan na naman ako kesyo late daw at worst baka punish pa ako sa room kung mala-late pa ako.

Kinuha ko ang twalya at tumungong cr, pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform ko, sinuklay ang mahaba kong buhok at nag ayos. Hindi naman ako nag mi-make up, powder lang at tint. Natapos ako sa pagaayos at napagdesisyunan nang bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko si Gael na kumakain ng pancake, while dad is reading newspaper at si mom naman ay nasa kusina. Bumaba ako at umupo sa upuan ko, kumuha ng pancake at milk.

"Morning dear, maaga ka yata ngayon?" Sabi ni mom habang dala dala ang fried egg.

"Yes Mom, di maayos tulog ko" sabi ko at kumain ng pancake.

"And why is that?" Takang tanong ni Mommy habang nakatingin sakin gayon din si Daddy na natigil sa pagbabasa. I wonder kung bat hindi naging police si mama, ang hilig mang imbestiga eh.

" Nabagsak daw po ako"  matipid kong sabi habang tinuloy ang pagkain. Syempre di ko sasabihin na nanaginip ako tungkol sa lalaking rason ng pagka minus 5 ko sa quiz.

"Bad dream talaga yan anak" sabi ni dad at pinagpatuloy ang pagbabasa. Ngumiti lang ako bilang pagtugon.

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa wall clock, binilisan ko ang pagkain ng makitang malapit na naman akong malate sa first subject ko. Ininom ko ang gatas ko at kiniss lang si Mommy and daddy at saka dali daling lumabas.

Pagkalabas ko ay di ko nakita si manong o ang sasakyan namin, napatigil ako at babalik na sana sa loob ng nakita kong lumabas si Daddy.

"Anak, hindi pala naayos ni manong Hulyo yung sasakyan, may sira daw yun kahapon kaya mag commute ka nalang" sabi ni daddy at alanganing ngumiti

" But dad, di mo po ba ako maihahatid?"  Tanong ko. sanay naman akong mag commute pero ngayon pa talaga? Kung kailan ma la-late na ako.

" I'm sorry honey pero ihahatid ko din si Gael" sabi ni dad at pumasok na. Naiwan akong tulala, wala akong magagawa kundi ang mag commute. Isang sakayan lang naman eh. Kaya yan.

After 30 mins ay narating ko rin ang Notre Damean. Patakbo kong tinahak ang room ko.  Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa ang prof namin sa Biochemistry. Pumasok ako habang hingal na hingal, umupo sa upuan at nagbasa habang may earphones.

Habang nagbabasa ay pumasok ang prof kasama si Kaleigv, pa VIP.

"Okay students, may nag perfect sa quiz natin last meeting." Napangiti ako sa sinabi ni prof, baka tama ang sagot ko dun sa quiz, hindi sayang ang pagod ko pag aaral ng subject niya buong gabi.

"And that is Kaleigv V. Fuentabyero, congratulations" pagkasabi ni sir ay biglang nagpalakpakan ang mga studyante, tulala akong pinanood siyang kinukuha ang test paper niya.

"Second highest is Aquilecia Avestrato" sabi ni sir sabay ang palakpakan ng nga kaklase ko. Natapos ang kuhaan ng papel ng magsalita si prof.

"Mr. Fuentabyero and Ms. Avestrato, you two are good in class. I want you two to participate in our quiz show in our incoming Intramurals" sabi ni sir habang nakangiti sa buong klase, bigla na lamang tumayo si Kaleigv at nagsalita.

"I would gladly do so sir" sabi ni Kaleigv habang nakatayo, tumingin sakin ang buong klase ganun na rin si Prof na nagaantay ng sagot ko.

"Uhhh, I'm sorry. Intramurals is so tiring especially when you are part of-" hindi pa man ako natapos sa pagsasalita ng biglang nagsalita si Kaleigv.

"Why? Are you afraid to try?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko na para bang hinahamon ako.

Ilang segundo akong di nakapagsalita, puno ng tensyon ang buong klase habang tumitingin sa titigan namin ni Kaleigv.

" Okay, I will participate Prof" sabi ko at tumingin sa Prof namin. Naupo si Kaleigv ganun din ang pag iwas ng tingin ng mga kaklase ko.

"Okay, it's settled then. Alam ko naman na you'll do better and will win the competition, Goodluck to the both of you" sabi ni Prof habang nililigpit ang gamit niya at bahagyang aalis na.

" That's all for today, Bye students." Prof said then walk out the door.

Inayos ko ang gamit ko at pumuntang student Council office. Matagal pa naman ang Intramurals, makakapag aral pa ako. Sa ngayon ang dami ko pang kailangang gawin, doble ang gagawin ko, bukod sa pagiging normal na studyante ay VP din ako ng buong campus.

Pagkarating ko sa office ng Student's Council wala ni isang tao. So I guess walang meeting and such, maybe their busy and preparing also for their school activities.

Nagdecide ako na pumunta nalang pabalik sa room, doon ko nalang aantayin ang next Teacher namin, tutal di pa naman ako gutom. When I arrived nakita ko si nerdy classmate na tumakbo palabas ng room habang umiiyak but I continue walk inside, nakita ako ni Kaleigv but i just don't mind him. Hmm another confession I guess, and also another rejection.

I sat down on my chair and read book, habang si Kaleigv naman ay lumabas. After 15 mins narinig kong tumunog ang bell, sign na mag start na ang klase. Ilang segundo lamang ay nagsipasukan na ang mga studyante sa loob ng room kasama ang next Teacher namin.

Mabilis at nakakapagod na lumipas ang araw, at ito na naman ako pauwi sa bahay, buti nalang at masusundo na ako ni manong Hulyo. Sa pagod kong toh, I can't take the bus anymore.

Habang papalakad pababang 2nd Floor, nakita ko ang magandang ulap na medyo didilim na at ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko, napapikit ako habang dinadama ito, I hope life could be this easy.





Keen Protagonist (Euphoria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon