"You promised that you wouldn't leave me. You promised that you wouldn't hurt me. You promised that you and me forever. You promised you wouldn't but you did, you still left me and you gave up on me."
********...
Katatapos lang akong ayusan ni Ate Gracielle at nandito na kami ngayon sa backstage, naghihintay na magsimula na ang pagrampa naming mga majorettes.
I'm wearing a korean outfit. A black crop top with an x shaped rope, blackleg loop high waist shorts, plaid pleated skirt, black belt with chain, and black korean combat boots with heels.
Number one ko talagang hinahangaan si Ate Gracielle pagdating sa mga ganitong uri ng fashion kaya naman na-inspired ako sa kanya simula nang makilala ko siya. Isama pa ang galing niya rin sa pag-ma-makeup.
Kanina nang makarating kami sa backstage ay kinakabahan ako dahil first time ko nga rumampa ng ganito sa harapan pa ng madaming tao at sa ibang lugar pa mismo ngunit mabilis lang rin iyong nawala ng sumunod sa amin si Gab at nagsimulang maglambing sa aking tabi.
"Don't be nervous, hon. You can do it! We're just here for you. Just enjoy and be yourself, okay?" malambing niyang pagpapakalma sa akin sabay abot ng kanan kong kamay upang mahalikan ito dahilan kung bakit unti-unting nawala ang nararamdaman kong kaba.
Siya lang talaga ang bukod tanging lalaking nakakapagpakalma sa akin ng ganito at nakakapagparamdaman ng iba't-ibang emosyong hindi ko alam na kaya ko palang maramdaman nang wala pa siya sa buhay ko. Saka ko lang naranasan at naramdaman ang mga ganito nang dumating siya sa buhay ko.
Habang hawak ng kanang kamay niya ang kanan ko ring kamay ay nakahawak naman sa aking baywang ang kaliwa niyang kamay na umaabot na mismo sa aking tiyan dahil ginagawa niya iyong pantakip sa medyo exposed kong tiyan.
Ramdam na ramdam ko mula doon ang init na dulot ng kanyang kamay na humahaplos-haplos pa minsan.
Ipinikit ko naman muna ang aking mga mata sabay hinga ng malalim at pagkatapos ay muli akong tumingin sa kanya at binigyan siya ng isang pagkatamis-tamis na ngiti na may kasama pang pagtango.
Napakaswerte ko talaga sa lalaking 'to.
"Thank you so much hon for always being there for me," malambing ko ring tugon sa kaniya sabay pisil sa kanyang kamay na nakahawak pa din sa akin.
"No problem, hon. Anything just for you." Tugon niya sabay halik sa aking leeg at sabay dating namang muli ni Ate Gracielle.
Habang nag-uusap kami ni Ate Gracielle upang ipaliwanag niya sa akin ang mga mangyayari ay ganun lang ang position ni Gab. Nakaharap siya sa aking tagiliran habang nakayakap sa akin ng mahigpit at habang nakasiksik sa aking leeg. Hinayaan ko na lang siya dahil bukod sa palagi naman niyang ginagawa ito ay alam ko rin na napagod siya sa pag-da-drive kanina kaya gusto ko siyang makapagpahinga kahit mga ilang minuto lang.
Madali lang siyang nakakatulog once na nakasiksik siya sa leeg ko, katabi at kayakap niya ako or kapag wala naman ako ay yayakapin lang niya yung mga bigay ko sa kanya katulad ng binigay ko sa kanya noong first anniversary namin na human size teddy bear na mickey mouse na napanalunan ko sa mall. Iyon yung naisipan at pinaghirapan kong ibigay sa kanya kahit kapareho rin iyon ng ibinigay niya sa akin noong mga panahong nililigawan pa lang niya ako, dahil madalas siyang magmaktol sa akin na wala daw siyang katabi at kayakap sa tuwing matutulog siya kaya naman yun na lang talaga ang naisipan kong ibigay sa kanya.
But Gabriel being Gabriel, ipinakausap muna niya sa akin na one week ko muna iyong itatabi sa aking pagtulog at one week ko din daw munang yayakapin para daw maging kaamoy ko na rin dahil nakakaadik daw ang mabango kong amoy at para daw tuwing gigising at matutulog siya ay parang kasama na din daw niya ako. Di ba ang corny? Pero kahit ganun ay kinilig pa din ako. Pinagbigyan ko na lamang siya dahil ubod sa kulit ang isang ito. Hinding-hindi titigil hangga't hindi ka pumapayag sa gusto niya.
Nagbunutan na pala sina Ate Gracielle kanina ng mga numbers at pang number eight daw ako.
Ang mangyayari mamaya ay isa-isa kaming sampung majorettes na papasok. Rarampa ng ilang minuto, didiretso sa gitna ng gym upang magpakilala at pagkatapos ay muling rarampa at lilibutin ang gymnasium. Buti na lang talaga at kalahati lang ng gym ang occupied ng sampung schools na kasali sa Brass band Competition kaya naman hindi kami masyadong hihingalin dahil kung nagkataong napuno ng mga participants ang buong gym ay sa buong gym din kami rarampa, haggard na din panigurado kapag natapos ang pagrampa sa ganitong kalaking gymnasium.
Bago pa kami sumalang ngayon ay pinatawag ulit kami kanina para sa Question and Answer portion na ginawa na lang nilang Essay Competition dahil nga kukulangin kami sa oras kasi may mga school na gustong pang magpraktis mamaya kahit gabi na para sa competition na gaganapin bukas. Maging kami ay paniguradong magpapraktis din mamaya para sa aming magiging blockings dahil mas malaki raw yung lugar na pagpeperforman namin sabi ng Trainor namin kanina.
Ang napagkasunduan na lang ng mga heads ay tanging talent portion na lang ang gagawin mamaya kaya ng malaman namin iyon ay kaagad nagdecide si Ate Gracielle na ang sasayawin ko na lang ay 'Dynamite' kasama sina Jay-R, Rica, Mich and Eunice upang hindi na ako mahirapan dahil pagkarelease na pagkarelease ng kantang Dynamite ay kaagad namin itong ginawan ng dance cover at inupload sa facebook at matapos lang ang tatlong oras matapos naming iupload iyon ay kaagad iyong nagviral kaya naman tuwang-tuwa kami nang mangyari iyon.
Naramdaman ko ang mabagal na paghinga ni Gab mula sa aking leeg, senyales na natutulog na siya kaya naman dahan-dahan akong napalingon sa kanya at nasilayan ko naman ang mahimbing niyang pagkakatulog habang nakaharap pa rin sa aking tagiliran at mahigpit pa ding nakayakap ang dalawang kamay sa akin. Napakabilis talagang makatulog ng isang 'to!
Dahan-dahan kong ibinalik ang aking paningin sa kanina kong kausap na si Ate Gracielle na may malaking ngiti na ngayon sa kanyang labi habang kanina pa ata kami pinagmamasdang dalawa ni Gab. Number 1 fan din namin 'to eh!
"Bagay na bagay talaga kayong dalawa!" Masaya niyang pahayag na kaagad nakapagpangiti sa akin.
"You know Haven, our family especially sina Mommy and Daddy are very thankful sayo dahil simula ng dumating ka sa buhay ni Gabe ay nagbago siya, nagtino lalo na sa studies niya at naging responsible na din siya. He's so very lucky to have you!" Ate Gracielle genuinely said then squeezed both of my hands while still giving me a beautiful smile.
I just smiled at her and glanced at the man of my life who's sleeping beside me.
Everybody's always telling me that Gab is so lucky to have me because I'm gorgeous, intelligent, kind and an ideal girlfriend that every man could ask and die for but they didn't know that I'm also lucky to have Gab in my life because I found both love and friendship in one person and every day before I went to sleep and when I woke up in the morning, I always thank God for giving him to me.
******
Haven's outfit
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
****** ALadyWriter Please don't forget to vote, comment, share and follow me! Thank you so much, loves! :))