CHAPTER 5

2.4K 68 42
                                    

Dedicated to LadyEly_630 :))

Chapter 5

Nang maalimpungatan ako ay kaagad kong hinanap ang aking phone upang tingnan kung anong oras na.

It's just 4:30 am in morning.

Tumingin ako sa aking mga kasamahan at tanging ako pa lang ang gising. It's too early but I immediately decided to take a bath first. Doon ko na din napiling magbihis. Buti na lang at maayos ang comfort room nila dito sa loob ng classroom kaya naging komportable ako sa aking pagligo.

After I combed my long wavy hair, I decided to go to the vacant room beside our room to recall the sequence for our performance later. Baka kasi makalimutan ko ang pagkakasunod-sunod ng kanta kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan. Sa aking command pa naman nakasalalay ang lahat at baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkatalo namin kapag hindi ko inayos at inalala ng mabuti.

I locked the door first before I sat on the chair behind the closed door. I brought my phone and my earphones with me so that I'll be able to concentrate.

I closed my eyes after I put my earphones in my ears. I was just listening to our performance using my phone that Ate Gracielle recorded last night.

Ganoon lang ang aking ginawa. Madaming beses kong pinakinggan ang pagkasunod-sunod sa magiging performance namin hanggang sa maalala ko na talaga ng mabuti, na halos hindi ko na din namalayan ang paglipas ng oras.

Ala-sais na pala ng umaga.

Bago ko pa pihitin ang door knob ay may mga naririnig na akong mga yabag at mga sigawan mula sa labas at ng tuluyan ko itong mabuksan ay bumungad sa akin ang mga kasamahan kong hindi na magkaintindihan sa pagtakbo at paglalakad na para bang may hinahanap. Even our teachers are also panicking.

Nang marinig nila ang pagsara ko sa pintuan ay sabay-sabay silang napalingon sa aking direksyon at sabay-sabay ding napahinga ng malalim na animo'y nakahinga na ng maluwag na muli ko pa ding ipinagtaka.

I was about to walk towards them when someone grabbed me by my hand.

"Saan ka ba kasi nagsususuot na babae ka ha?! Yung jowa mo dun kanina pa nagwawala dahil hindi ka makita! Bilisin mo! Naputol tuloy ang beauty rest ko!" Panenermon sa akin ni Jay-R na may kasama pang pagbibiro habang hila-hila pa din ako.

Bakit naman magwawala 'yun? Tanong ko sa aking isipan.

Hala! I forgot to text him! Medyo praning pa naman ang isang 'yun!

Dali-dali kaming nagtungo ni Jay-R sa CCTV room at ng malapit na kami ay rinig na rinig ko mula sa labas ang galit na galit na boses ni Gab.

"What the?! So you're saying that the CCTV's in our area are not functioning?!"

Mas binilisan ko pa ang aking paglakad na halos mahila ko na din si Jay-R at pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko si Ate Gracielle na pilit pinapakalma at pinapaupo si Gab.

"Honey!" Pagtawag ko sa kanyang pansin at pagkalingon na pagkalingon niya sa aking direksyon ay mabilis siyang lumapit at sinugod ako ng isang mahigpit na yakap.

"Hon, where have you been huh?! I was worried about you! I thought something bad happened to you when I woke up and I didn't saw you in your quarter!" Ani Gab matapos akong yakapin ng napakahigpit. Kitang-kita ko nga ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha kaya bigla akong nakaramdam ng guilt, lalo na at marami pa siyang naistorbo dahil sa paghahanap lang sa akin.

WITH YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon