Dedicated to yewreynyem :))
Prologue
"Tita, ano po ang ginagawa ninyo dito sa bahay ng ganito kaaga?" nagtatakang tanong ko kay Tita Gie ng madatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang kaharap at kausap si nanay.
Nakasuot siya ng isang floral dress na pinapatungan ng kanyang puting lab coat. Mukhang didiretso siya ng kanyang clinic pagkatapos niya dito. Pero tungkol saan ang pinag-uusapan nilang dalawa at ganito pa talaga kaaga?
Alas-kwatro pa lang ng umaga at mag-jo-jogging pa lang sana ako kaya nagulat talaga ako nang makababa ako at madatnan ko sila dito.
Naglakad na ako papalapit sa kanila at hindi nakalampas sa aking paningin ang mabilis na pagtago ni nanay ng isang papel sa kanyang likuran na mabilis nakapagpangunot ng aking noo.
Kunot-noo pa rin ako nang makalapit ako sa kanila.
"What's that, nay?" pagtingin ko sa kanya sabay lipat ng tingin sa kanyang kamay na nasa kanyang likuran.
"W-wala 'to, anak," she stuttered at mas itinago pang maigi ang kanyang kamay sa kanyang likuran kaya naman mas lalo pa akong naging curious kung ano nga ang laman ng papel na iyon.
"Sige na anak, mag-jogging ka na. May p-pag-uusapan lang kaming importante ng tita mo," hilaw na ngiti sa akin ni nanay.
Napansin kong parang kinakabahan na rin si Tita na nasa tabi lang ni nanay at bilang isang makulit na anak at pamangkin, I pretended to walk slowly towards the direction of the door for my early jogging routine but they didn't know that I have a plan in my mind to trick them.
Mas napili kong sa likuran nila dumaan habang pinipigilan ang aking pagtawa dahil sa aking binabalak, at nang mapapantay ako sa direksyon ni nanay ay mabilis kong hinablot mula sa kanyang kamay ang papel at dali-dali akong tumakbo palabas patungo sa garahe namin.
Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit natatawang nagdire-diretso pa rin ako palabas. Buong akala ko ay hahabulin nila akong dalawa ngunit hindi. Humihingal-hingal pa ako nang tuluyan akong nakapagtago sa loob ng garahe.
Nakatupi pa ang papel ng dalawang beses nang tuluyan ko na itong tingnan at isa pala 'yong envelope at nang ibuka ko iyon ay mabilis kong nakita at nabasa ang nakasulat sa ibabaw nito.
LETTER OF ACADEMIC CONCERN
Mabilis akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ko iyon kaya naman dali-dali kong binuksan ang sobre at inilabas ang papel na laman nito upang basahin kung ano ang nilalaman.
Dear Mr. and Mrs. Benitez,
At this time in the school year, it becomes necessary to notify parents/guardians of the implications of their child's school performance. This letter is to inform you that your children, Harvey Benitez and Harvyn Benitez's academic performance thus far in one subject has been unsatisfactory. Continued poor performance may result in failing that subject.
Hindi ko na tinapos pa ang aking pagbabasa at pumasok na akong muli upang makausap sina nanay. Kung kanina ay tumatawa-tawa pa ako, ngayon ay halos hindi na ako makangiti. Tumatak lang sa aking isipan na maaaring bumagsak sina kambal sa isang subject at hindi iyon pwede dahil graduating at running sila for Cum Laude, at napakaimposible rin na magpabaya sila sa pag-aaral dahil kulang na lang ay pakasalan nila ang mga libro sa tindi ng pag-aaral na kanilang ginagawa araw-araw kaya I think, something is off here.
BINABASA MO ANG
WITH YOU [COMPLETED]
Jugendliteratur"You promised that you wouldn't leave me. You promised that you wouldn't hurt me. You promised that you and me forever. You promised you wouldn't but you did, you still left me and you gave up on me." ********...