Ano Ba Talaga Kita?

2.5K 36 13
                                    

-Invincible-

------------------------------------------------

"Magbi-break din kayo gago!"

.........................................................

Yan.

Yan ang huling salitang binitiwan ko matapos kong suntukin sa mukha si Jad Cervañez. Napikon kasi ako dahil hindi ko sya matalo sa larong basketball. Lalo na sa larong pag-ibig

Ako nga pala si Rockie Lyn De Juan. Malamang nagtatanong kayo kung babae ba ko o ano. Obvious ba? Tomboy ako! Bakit?! Kasi nung bata ako iniwan ako ng first love kong si Prince at hindi ko na alam kung san sya nagpunta!

"Oy Rocky! Tama na yan! Sub na daw sabi ni coach!"

Umirap lang ako at napakamot ng ulo ng ilabas ako sa game. Kaasar. Tangena kasing Jad yan nambibiso kanina eh!

"Oy Rocky! Tignan mo oh! Nandyan na si Atina Calag!"

Napatakbo ako ng mabilis pababa ng bleacher para silipin si Atina. Sino si Atina? Siya lang naman ang babaeng kinababaliwan ko na girlfriend ng best enemy ko!
Napasinghap ako ng malalim ng maghalikan na naman sa harap ng publiko ang dalawa. Ang sakit kayang makita sila ng ganyan!

"*smile* Tss. Magbi-break din kayo" pagkatapos ay umalis na ko.

------------------------------------------------

"Oy Rocky! Yung papel ipasa mo na sa harap! Hayop na tong babaeng to lutang na naman sa impyerno!" tinignan ko ng masama ang pinsan kong si Rrian matapos nya kong tawaging babae. Tangena! Lalaki kaya ako!

"Ulol! Mas lalaki pa nga ako sayong tarantado ka!" pagkatapos ay inirapan ko sya at ipinasa na sa harap ang mga nakolekta kong papel.

"Hoy De Juan!"

Napalingon ako sa likod at nakitang nakatayo sa pinto si Jad Cervañez. Tangina! "Anong problema mo Cervañez?!"

"Pumunta ka sa court mamaya! Basketball tayo! Ipupusta ko girlfriend ko!"

Nagpanting yata ang dalawang tenga ko ng marinig ko yung huling sinabi nya. Ito na yata ang araw na pinakaaasam-asam ko. Sinisigurado kong ipapanalo ko ang game na to kahit never ko pa syang natalo!

"Sige! Kapag nanalo ka, aalis ako sa varsity. Pero pag natalo kita..."

------------------------------------------------

Tulad ng napag-usapan ay pumunta ko sa court pagkatapos ng klase. Suot ang paborito kong jersey na may pangalan ni Atina sa likod. At pagkapasok ko palang sa entrance ay nakita ko na syang nagpapractice. Tss.

"Kabahan kana talaga Cervañez! Ipapanalo ko ang game na to para sa girlfriend mo!"

Napalingon naman sya sakin at inikot ang bola sa daliri nya "May the true man win" pagkatapos ay ngumisi pa sya. Tangena! Oh eh di sya na ang totoong lalaki at ako na ang feelingerong lalaki!

------------------------------------------------

"Ugh! Akin to Cervañez!" sabay talon at.. Shoot!

One Shot & Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon