ATE (Short Story)

728 26 7
                                    

ATE (Short Story)

Written By: Writerwanname

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

2nd Part =-

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

"Hwag na hwag kang magpapaligaw sa lalaking yon... O sa kahit na kanino" ~

"Uy ate! Parang shunga naman tong babaeng to oh!" napaangat ako ng ulo at nakitang nagkakamot na ng batok si Raymond.

"Ha? Bakit ba?" iritado kong tanong.

"Kanina ka pa kaya tinatawag nila mama! Babad na babad na sa dagat yung mga yun oh, tapos ikaw nakatulala lang dito!" sermon niya at napahalumbaba lang naman ako. Eh ang lalim po kaya ng iniisip ko! Tch. Si Edwin kasi pa-mysterious pa ang peg!

"Ok lang ako dito. Magsaya lang kayo hangga't gusto niyo" tapos ay inilabas ko ang cell phone ko sa bag at humilata nalang sa cottage. Wala naman kasing magawa dito bukod sa magtirik sa init ng araw. Di ko pinangarap maging negra no!

"Ate Melai!" napaupo ako ng marinig ko yun. Tinanaw ko naman si Melai at nakitang--- OMG! Eh di sila na ang magkasama ni Edwin! Putris na nakakainis!

"Taray nito oh! Patwo-piece two-piece ka nalang Ate Melai ah!" rinig kong sigaw ni Raymond kaya naman napilitan akong isalpak ang earphone sa tenga ko. Matutulog nalang ako. Kunwari wala akong nakita na kahit na ano!

~

Palubog na ang araw ng maalimpungatan ako. Tinanaw ko sila at nakitang nagkakainan sila sa di kalayuan. Ayos! Sakto dahil gutom na gutom na ko!

"Oh Lea?! Wala ka bang balak na maligo?" tanong ni papa habang papalapit ako sa kinaroroonan nila.

"Mamaya nalang po. Kakain muna---" napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa mga taong naliligo sa dagat. At doon ay nakita ko si Edwin at Melai na magkahawak ang kamay habang naliligo silang dalawa. Tch. Letsugas naman oh! Ang sakit sakit nila sa mata! Masakit pa sa violet rays!

"Ate mamaya ka na kumain! Tara sali tayo sa kanila!" hinigit ni Raymond ang paper plate na hawak ko at iniabot ito kay papa. Pagkatapos ay binuhat niya ko at parang asong itinapon sa dagat.

"Yey! Naligo na si Ate! Di na siya baho kili kili!" pagkatapos ay humagakhak siya ng tawa pati narin ang dalawang sweet na sweet sa tabi ko. Tch. Malunod sana kayo!

"Lagot ka sakin Raymond!" tangkang aahon na sana ko ng dagat ngunit bigla akong sinabuyan ng tubig at itinulak ni Raymond. Dahilan para ma-out of balance ako at buti nalang ay may sumalo sa likod ko.

"Tama na pre, nasasaktan na si Ate!" napalingon ako sa likod at nakitang ang lapit na ng mukha namin ni Edwin sa isa't isa. Ramdam ko rin ang magaan niyang pagyakap sa bewang ko sa ilalim ng tubig. Ayan na naman ang horse racing sa puso ko! Bakit ba hindi ko maiwasang kiligin kahit pa alam kong hindi ako ang gusto mo, Edwin?!

"Uuuuyyyyy! Ayyyiiiieeee! Si Ate oh, nakatitig kay Edwin! Papa si Ate---" bago pa man matapos ang sasabihin ni Raymond ay sinabuyan ko na siya sa mukha ng tubig. Kumalas ang kamay ni Edwin sa bewang ko kaya naman nagpasya na kong umahon. Nakakainis. Kapatid ko pa talaga ang nakahuli sakin!

~

"Ayyiiiee! Uy Ate ikaw ah! Hwag naman si Edwin, baka nakakalimutan mong magkakapatid na ang turingan natin!" kantyaw ni Raymond habang inaayos ko ang mga gamit sa bag ko. Nanginginig ako, sa takot na baka makarating kila papa at mama ang kadaldalan nitong kapatid ko!

One Shot & Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon