ATE (Short Story)

1.4K 24 3
                                    

ATE (Short Story)

Written By: Writerwanname

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

1st Part =-

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

"Ate Lea!" sigaw ng kaibigan kong si Melai dahil nang-aasar na naman ang gaga! Kasumpa-sumpa talaga ang pesteng salitang yan! ATE.

"Ate mo your face!" at nag-lean on ako sa kanya upang hilahin ang ilang strand ng buhok niya. Umiwas naman ang bruhilda.

"Eh bakit ba kasi Ate ang tawag sayo ni Papa Edwin?! Samantalang isang araw lang naman ang tanda mo sa kanya hindi ba?" napapout nalang ako.

"Eh di tanungin mo siya" at isinubsob ko ulit ang mukha ko sa librong nasa harap ko. Tch. Wala namang kahit na anong pumapasok sa isip ko kahit pa mag-review ako. ATE. PESTENG ATE YAN.

"Excuse me?" napaangat ako ng ulo at pakiramdam ko'y namilog bigla ang mga mata ko. Guess what? Nakatayo lang naman sa gilid ko si Edwin. With a capital SMILE. Goodness! Parang naglued tuloy ako sa kinauupuan ko.

"Y-yes?" Tch. Nakakabobo talagang magsalita sa harap ng crush mo.

"Pwede ba kong magpatutor sayo sa physics mamaya,... Ate?" napalunok lang ako matapos niyang sabihin yun. Ok na sana Edwin eh! Bakit ba kasi palagi nalang may ate?!

"A-ah, eh, a-ahmm" naramdaman ko ang ilang pagsipa sa paa ko at nakita kong pulang pula na si Melai kakapigil sa pagngiti niya. Charuz. Mas kinikilig pa kaysa sakin ang bruha.

"A-ah, oo, sure, sure"

"Thank you,... Ate" ipinatong niya ang kamay niya sa braso ko at naramdaman ko nalang ang pag-init ng mga pisngi ko. Gosh. Nakaramdam ako ng spark! 99.9 kilometer per seconds square ang tindi ng impact! Malala pa sa gravity!

"Waaaaaa!!! Oh my god! Oh my god! I'm so kilig, Lea!" napasipa ako sa ilalim dahil ang ingay ni Melai. Mamaya makahalata pa tong si Edwin at umiwas pa. Mahirap na.

"Wala yun, di ka narin naman iba sa pamilya namin" napatango nalang siya pagkatapos ay umalis na. Kaibigan kasi siya ng nakababata kong kapatid na si Raymond kaya naman parati silang nasa bahay mapaaraw man o gabi. At anak na rin naman ang turing sa kanya ng mga magulang ko, except ako. Di ko siya ituturing na family dahil kami mismo ang gagawa ng family. Bwahaha!

"Escape na bruha! Alis na dito, chupi! Uwi ka na!" ipinagtulakan pa ko ni Melai palabas ng library dahil excited siyang itutor ko mamaya si Edwin. Napangiti nalang ako, mas kinikilig pa sakin tong bestfriend kong gaga. Pero kinakabahan talaga ko dahil first time siyang humingi sakin ng favor at tutorial pa.

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Pasado alas sais na rin ng makauwi ako ng bahay. Nagluto at gumawa na rin ako ng homeworks dahil nasa work pa sila mommy at daddy at madaling araw pa ang uwi nila. Ang ipinagtataka ko nga lang ay bakit wala parin si Raymond hanggang ngayon samantalang mas maaga naman ang uwian nila kaysa sakin.

"Knock, knock"

"Ay bulldog!" napasalampak ako sa sofa ng dahil sa gulat. Goodness! Si Edwin lang pala! "I-ikaw pala" at umayos ako ng upo dahil nga nakakahiya.

One Shot & Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon