Espesyal na Pahina

46 6 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo
Tatlong daan animnapu't anim na araw kay daming kwento
Apat, lima, anim
Ang taon ay magpapalit ng muli sa gitna ng dilim

Sa pagsapit ng kinabukasan
Bagong katotohanan
Bagong storya na sisimulan
Bagong pahina ang susulatan

Mag uumpisa muli sa una
Gagawa muli ng mga bagong ala-ala
Pagpatak ng alas dose halina ngumiti ka na
Sasapit na ang bagong kabanata ng ating karera

Inyong lingkod, bumabati ng masayang bagong taon
Huwag kalimutan ang kahapon gawin nating inspirasyon sa pagbangon
Sa pagsikat ng umaga, halika yakapin ang liwanag na kay ganda
Bagong simula para sating manunulat ng sarili nating mga nobela

-----
Happy New Year🎉❤

11:11Where stories live. Discover now