Kasalanan Na Ba Ang Hindi Maging Masaya?

32 4 0
                                    

Maaari ba kitang tanungin kaibigan?
Kung ang kalungkutan ay kasalanan, ako bay dapat husgahan?
Maaari ba kitang tanungin kaibigan?
Mapapawi ba ang problema kung lagi na lamang panandaliang kasiyahan?

Mayroong taong nagtanong?
Sambit nya "Bakit kay lungkot mo ngayon?"
Ngunit nanatiling tahimik at hindi tumugon
Pagkat bibig koy napipi sa biglaang pagtatanong nuon

Kasalanan na ba ang hindi maging masaya?
Kasiyahan na lang ba palagi ang dapat ipakita?
Itatawa na lang ba palagi lahat ng problema?
Kung kasalanan naaging malungkot, sa pagiging masaya malaya ka ba talaga?

11:11Where stories live. Discover now