Espesyal na Pahina

90 10 4
                                    

Sino nga ba ang nagkulang
Tanong saking isipan di na mabilang
Ako ba na lumaban o ikaw na naguguluhan?
Ako ba na nasa kasalukuyan o ikaw na may masakit na nakaraan?

Sino nga bang mali
Ako na minahal ka ng walang atubili o ikaw na sa nakaraan nanatili?
Ginawa ko lahat, sinubukang maging sapat
Ngunit sa nakaraan mo tila wala akong binatbat

Sinayasat ko naman magiging kalagayan
Ngunit tila bakit di ko napaghandaan
Nagningning akong tala sa iyong kalangitan
O akala ko lang dahil di ko nakita ang liwanang ng ninanais mong buwan?

Nais ko lamang kumpirmahin
Nagsisisi ka bang sa buhay mo'y ako ay tanggapin?
Sa pagkakataong ito nais lamang malaman
Mga panahong kausap mo ako, ako ba o siya ang nasa iyong isipan?

Hindi ba ako sapat o di ka lang handa?
Masakit ba sayo o ako lang itong lumuluha?
Mahal, nagkulang ba talaga ako?
O marahil di ko napantayan ang nakaraan mo

--------

Ito ay hiling ng isa sa aking masasabing kaibigan.

Gaano nga ba kahirap ang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal sa kanyang nakaraan?

Gaano mo nga ba dapat ipakitang kaya mong lumaban?

Sa mga taong nagmamahal ng taong mahal pa ang nakaraan nila nawa ay magkaroon kayo ng matatag na isipan at ipakita sa minamahal nyo na ikaw yung nandyan....

Dapat ka rin na mahalin at pahalagahan!

11:11Where stories live. Discover now