Sa mapanlinlang na ngiti nagkukubli isang lihim
Ang lungkot at pighati na dinadanas niya ng taimtim
Anong balita? Hindi ka ba nanghihinala
Unti-unti silang nawawala dahil sa isang pagkakasalaWalang kamalayan kayo'y masaya
Samantalang siya'y nakakulong sa rehas na bakal, ngumingiti ng kay pakla
Kaibigan! Teka maituturing pa ba talaga?
Gayong tila kayo'y nakalimot na siya'y nandito pa.Mga hikbing kay lalim tulad ng gabi
Mga sugat ng pagkakaibigan hindi niya maitatanggi
Kayo? Hindi niyo ba talaga nakikita?
O nagbubulagbulagan pagkat kayo ay tumatawa?Kakatuwang marinig salitang kaibigan
Kay daling sabihin ngunit hindi mapanindigan
Kayo? Alam niyo ba talaga ang ibig sabihin ng kaibigan?
O ang alam niyo lamang ay ang taong malalapitan sa panahon ng pangangailangan?
