Kinabukasan maaga akong gumising,Ginawa ko muna ang aking morning routine at saka lumabas.Paglabas ko naabutan ko c mama na nagwawalis na ng bakuran.Naisip ko na malapit na pala naming iwan ang bahay na ito kung sakali mang matanggap na ako sa trabaho,hindi ko lubos maisip na sa loob ng 25 years na pamamalagi namin dito ay kakailanganin din namin itong lisanin.
Ma, kain na po tayo tsaka ako na lang din po ang magpapatuloy sa paglilinis jan mamaya pagkatapos nating kumain para naman makapagpahinga po kayo,Wala pa naman po akong gagawin ngayong araw kaya ako po muna ang gagawa sa mga gawain ..
Naku ang bait talaga ng anak ko pero huwag na anak ako na lang ang gagawa dito sa bahay, Alam mo namang hindi sanay ang katawan ko ng walang ginagawa.Maigi pa ikaw na ang magpahinga at alam kong pagod na pagod ka dahil sa dami mong mga hinabol na gawain bago ang graduation mo , kaya sige na kumain kana doon at magpahinga.
Kagaya ng sinabi ni mama pumasok na ako sa loob ng bahay para kumain, Naisip ko rin na tama nga si mama nakakastress din talaga ang maghabol ng requirements bago ang graduation halos hindi na nga makakain at makatulog sa dami ng mga proyektong sabay sabay kung ipagawa.. Nakaka isang subo palang ako ng naisipan kong magbukas ng isa sa mga social media account ko medyo matagal tagal na din akong hindi nakapag update ng mga kaganapan sa online world dahil sobrang daming gawa.pagbukas ko puro mga pagbati ng mga kaibigan ko ang naroon syempre hindi mawawala ang mga stolen shot kasama sila pati na rin ang mga wacky post ko.pinagtitripan yata talaga nila ako kase parang hindi naman sincere ang pagbati nila.Syempre meron din si Zacky binati nya ako, may kasama pang picture namin dalawa. Kuha ito noong mga bata pa kami ng nagtapos kami sa pre school.Ang cute ni Zacky dito .hindi ko nga alam na may ganitong larawan pala kami. Sino kaya ang nagpicture nito ? Tapos na ang ceremony, nakasakay na kami sa backseat ng sasakyan nila At nagtatawanan kami.Naalala ko that time nagpapadamihan kami ng medals and awards na natanggap pero dahil mas matalino ako ako yung mas madami.Tawa sya ng tawa tapos sabi nya kaya lang naman daw mas marami ang sa akin dahil iyakin daw ako at naaawa lang daw ang teacher namin sa akin kaya daw ako ang mas maraming binigay na award kase baka daw umiyak pa ako pagnatalo ko sya .
Nak bakit hindi mo parin halos nagagalaw ang pagkain mo,lalamig na yan. Ano ba kaseng pinagkaka abalahan mo at tutok na tutok ka jan?
Tinitignan ko lang po itong larawan namin ni Zacky ma nung nagtapos kami sa pre school Tignan mo ma ? Ang cute namin ni Zacky no.
Akalain mong nasa kanya pa rin yang picture na yan. Alam mo ba nak ako ang kumuha sa larawan na yan noong pauwi na tayo. Pano ba naman nag aasaran kayo tapos parang iiyak kana kaya naisipan kong kuhaan kayong dalawa kaso pagpindot ko ayan parehas na kayong tumatawa . Saktong sakto nga ang kuha ko eh.Ang ganda nyong tignan jan habang kita lahat ng ngipin niyo. Haha
Ang ganda nga po ma ng picture na to,ito yung nagpapa alala ng kamusmusan namin..
Tara na ma, sabayan mo na po akong kumain.Umupo na po kayo jan at ipaghahanda ko kayo ng makakain .
Sabay na kming kumain ni mama,ako na din ang naghugas ng pinagkainan namin.Pagkatapos nagpaalam muna ako kay mama na magpapahinga. Nakahiga ako sa kama habang nakikinig ng music, maya maya lang naramdaman ko na hinihila na ako ng antok.
Nagising ako sa sigaw ni mama galing sa labas.
Jayda Anne may sulat ka. Bumaba kana rito.
Dali dali akong bumangon tsaka naghilamos para lumabas,*
Ano ba yun mama ?? Bakit ka po ba sigaw ng sigaw natutulog ako eh..
Kase nak may sulat ka galing sa Lagdameo Int. Hospital . Ito basahin mo na
Pagkabasa ko ng sulat sobrang saya ko dahil na approved na ang application request ko and pinapa attend nila ako by monday sa office nila for final assessment and demo . Dahil sobrang na overwhelmed ako niyakap ko si mama ng mahigpit.. naisip ko na this is it malapit ko ng masuklian lahat ng paghihirap ni mama sa akin.
BINABASA MO ANG
ENDLESS LOVE
RandomMasama bang magmahal at masaktan ng paulit ulit ?? Kase kung mali ayos lang kahit ilang beses pa akong masaktan at umasa sa mga pangakong walang katiyakan kung maisasakatuparan mo pa .--- 😣😣😣