Tinitignan ko ang repleksyon ko ngayon sa salamin kakatapos ko lang magbihis at mag ayos para sa lakad namin mamaya, I really loved my outfit today which is black maxi skirt with draped white tank,strappy black 4inches heels partner with my favorite black round sling bag. Perfect!!!
Pagdating ko sa meeting place namin nandoon na lahat ng mga kaibigan ko kaya naman dumiretso na ako sa table namin. Konting pagbati at pagcongratulate sa amin ni kyline dahil sa wakas nakapagtapos na kami. Sila kase may mga stable jobs na and lately lang ng mapromote si Audrey bilang head executive ng pinapasukang kompanya kaya naman afford na namin ang ang mga ganitong bagay,Since kami na lang ni kyline ang hindi pa nagtatrabaho dahil mas mahaba ang pag aaral ng medisina lagi kaming libre nila Melissa. Pero ngayon ako naman ang manlilibre sa kanila dahil yung perang gagastusin ko sana noong kumain kami pagkatapos ng graduation eh hindi ko nagastos dahil diba nilibre naman na kami ni Zacky sa mamahaling restaurant. Para naman makabawi ako kahit papano sa kanila nakakahiya kaya na laging sila na lang ang gumagastos. Hinayaan ko na sila ang mag order ng pagkain namin dahil sila naman ang may mas alam sa mga masasarap na pagkain dito.
Habang nag aantay na dumating ang order namin kinausap ko si ky.
Ah ky may natanggap ka rin bang sulat galing sa LAGDAMEO INTERNATIONAL HISPITALS??
Yun nga sana ang good news ko sainyo eh .. Guys listen, may good news kami saenyo. natanggap na ang application request namin ni Jayda sa isang internasyonal at kilalang ospital dito sa atin syempre pati sa ibang bansa .. Excited na ako for our final enterview gagalingan ko talaga tsaka balita ko madaming gwapong doktors doon. .
Masaya ako para sa atin ky, Sana matanggap tayo pareho mas maganda at mas masaya kaya pag lagi lang tayong magkasama.
Naku sigurado naman kaming matatanggap kayong dalawa no.. kayo kaya ang pinakamagaling sa batch niyo .. Pero syempre mas magaling si Jayda . Mapapasana all ka na lang sa dami ng alam nyan eh..
Sus baka lumaki lalo ang ulo ko nyan melissa. Lagi mo na lang akong pinupuri eh..
The celebration goes on. Tama nga ang kasabihan na kapag masaya ka at nag eenjoy sa ginagawa mo ay hindi mo na mamamalayan ang oras, Pasado alas onse na ng gabi ng tignan ko ang oras sa aking wrist watch. Yung mga kasama namin hindi na namin mahagilap sa dance floor sanay na kase sila sa mga ganitong lugar, kame lang talaga ni ky ang hindi mahilig sa mga ganitong bagay dahil first of all hindi naman kami mayaman at hindi rin namin ugaling makipag landian kung kani kanino.. Yun naman kase talaga ang main reason kung bakit sila pumupunta sa mga ganitong lugar, Naghahanap lang ng mga kachukchakan tapos pagkatapos magpakaligaya ayun hindi kana ulit kilala .. Yun bang naghahanap lang sila ng panandaliang aliw .. hays boys will be boys ika nga .. Ganto lagi ang ganap namin ni kyline sa tuwing may lakad ang barkada .. lagi kaming naiiwan sa table namin . Tapos sila nagpapakasawa sa mga lalaki sa dance floor babalik lng dito kapag iinom ulit ng panibagong shot nila .. Sobrang alcoholic person kase ni melissa at audrey buti na lang pinapayagan sila ng mga boyfriend nila na pumunta sa mga ganitong lugar kahit di sila kasama .. Sabagay mabait naman si Frank, 8 years boyfriend ni Melissa, madalas na namin makasama sa gala si Frank before, Ngayon kase bc sya dahil may malaking project syang ginagawa sa probinsya. Sobrang galante at mabait din kaya siguro sila nagtagal ni Melai. Si Audrey naman bago pa lang sila ni Michael dahil yung magaling nyang ex naghanap ng sugar mommy and worst yun pa ang pinili kesa sa kanya, siguro dahil na din sa hirap ng buhay kaya kapit sa patalim na lang ang naging solusyon nya .Hay ewan kaya ayaw kung makipagrelasyon dahil ayaw kong magkaroon ng madaming problema tsaka isa pa malaking obligasyon din ang pumasok sa isang bagay na in the first place wala ka naman interest .
Hello ladies, can i join you by the way if you dont mind ??
Saka lang bumalik ang diwa ko sa realidad ng marinig ko ang baritonong boses na iyon .
BINABASA MO ANG
ENDLESS LOVE
De TodoMasama bang magmahal at masaktan ng paulit ulit ?? Kase kung mali ayos lang kahit ilang beses pa akong masaktan at umasa sa mga pangakong walang katiyakan kung maisasakatuparan mo pa .--- 😣😣😣