CHAPTER 3

26 7 1
                                    

Pagbalik ko ng kwarto hindi na rin ko nakatulog dahil sa nangyaring sagutan namin ni mama..Alam kong mali ang mga nabitawan kung salita kanina tungkol sa tatay ko pero hindi ko kase mapigilang hindi magalit sa kanya sa twing naiisip ko kung paano nya kaming iniwan at pinabayaan. 

Napakaduwag niya, Anong klaseng lalaki sya? Pagkatapos niyang magpakasarap sa isang bagay itatapon niya lang ang lahat na parang basura!! sobrang sakit lang sa part ko yung ginawa niya kase hindi ko lubos maisip na sa lahat ng tao na dapat nandyan para sayo eh hindi ka man lang nagawang ipaglaban, and worst kinasuklaman at tinakwil ka pa ?

Noong time na nakapagtapos na sya at nakamit niya na yung pangarap niya sa sarili niya at sa magulang niya, Dapat doon pa lang gumawa na sya ng paraan para mabuo kami para sana makompleto na ang pamilyang ang tagal tagal ko ng pinapangarap. Pamilyang ako na lang pala ang umaasa na mabubuo pa.

Kase isang araw habang masaya akong nanunuod  ng balita sa telebisyon dahil may pinapagawang takdang aralin  ang guro namin .. Hindi ko inaasahang doon din guguho ang nag iisang pangarap ng buhay ko. Ang pamilyang matagal ko ng pinapangarap na makompleto ay hindi na mangyayari pa dahil ang magaling kong tatay ay nalalapit ng ikasal sa anak din ng kilalang politiko na kaalyado niya sa politika... Sobrang nasaktan ako sa nalaman ko nung time na yun hanggang sa hindi ko na namamalayan na lumalaki na ako at nagkakaisip na dala dala ang galit sa puso ko.. May mga pagkakataon na niloloko ko ang sarili ko na napatawad ko na sya pero kapag napapanood ko sya sa telebisyon hindi ko mapigilang maiyak at parang di ko na namamalayan na isinusumpa ko na sya ng paulit ulit .

Noong panahong iyon ramdam na ramdam ko ang sakit dahil wala na rin naman akong kakampi,kakaalis lng din kase nila Zacky that time .. ilang gabi akong umiiyak sa silid ko at lagi din kong matamlay sa paaralan..

Isang gabi habang umiiyak ako naabutan ako ni mama, sobrang nag alala sa akin si mama,tinanong niya ako kung anong nangyari sa akin at umiiyak daw ako, Pero ang sabi ko lang sa kanya na natatakot ako.. kaya sabi ko na tabi na lang kaming matulog ng gabing iyon para makatulog ako at yun din nga ang ginawa ni mama., Alam kong hindi naniwala si mama sa dahilan  ko kase alam niya naman talaga kong bakit ako nalulungkot .. !!

Nagising ako ng madaling araw ng wala c mama sa tabi ko. Kya naman bumangon ako upang hanapin sya... Kahit medyo natatakot ako ay nilakasan ko ang loob  ko na hanapin noon c mama.. Naghanap ako sa Kusina,cr pati sa sala..pero wala c mama .. pabalik na sana ako noon sa kwarto ko ng may marinig akong parang umiiyak kaya ang ginawa ko hinanap ko kung nasaan ang tunog .. pagbukas ko ng pinto sa sala doon tumambad sa akin c mama na umiiyak habang may kausap sa telepono..hindi ako nakakilos agad dahil sa sinabi ni mama sa kausap niya at doon alam kong ang kausap ni mama ay ang tatay ko ..

Mama-* maawa ka sa amin anak mo Antonio. Kahit hindi na para sa akin, para na lang kay Jayda hindi ka ba naaawa sa bata ? Kahit ayaw ko heto ako at nagmamakaawa sayo alang alang sa kapakanan ng anak ko.  

Tatay-* alam mo kung anong klaseng tao ako Annaly, kailangan kong gawin ito kung hindi wala ng matitira sa akin.. hindi dapat madungisan ang pangalan namin alam mo ang kalakaran sa larangang ito .. kapag nalaman ng mga kalaban namin sa politika na ang butihing Congressman ng lalawigan nila ay may anak sa pagkabinata mawawala lahat ng pinaghirapan ng magulang ko upang makilala ng mga taong sumuporta sa amin ngayon na syang tumulong upang magtuloy tuloy ang pagkapanalo ko ..

Mama-* kaya pababayaan mo ang anak mo ? Dahil lang sa putang inang pagiging politiko mo ?? Antonio mag isip isip ka nga kailangan ka  ng anak mo .. ! Sana maintindihan mo yun, at yang mga taong sinasabi mong nagmamahal at sumusuporta sa iyo kung talagang tapat yan sa pamilya niyo kahit ano pang malaman nila tungkol sa yo ay susuportahan ka pa rin nila hanggang dulo .

ENDLESS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon