This is really it. Maaga akong nagising dahil monday ngayon at ito na ang araw na pinakahihintay ko. Sobrang kinakabahan ako, Actually kanina pa nga ako paikot-ikot sa kwarto ko. Iniisip ko na kung anong mga possible questions sa akin mamaya at kung paano ko ito sasagutin ng maayos.
Jayda ano ka ba? Kayang kaya mo to. Ang tagal mong pinangarap ang araw na ito tapos ngayon pinanghihinaan ka ng loob! Para to sainyo ng mama mo, remember? Nakaharap ako sa ngayon sa salamin habang kinakausap ang sarili.
On my way to the office tinawagan ko si kyline ..
Hello ky ?? Ready kana ba ??
Papunta na ako jayda . Kinakabahan nga ako eh. Baka wala akong maisagot mamaya. Wala pa kase akong tulog.
Ha? Bakit wala kang tulog kinakabahan ka siguro no?
Si mama kase nagwawala na naman kagabi, umuwing lasing na lasing tapos kung ano anong pinagsasabi, Pati nga mga kapitbahay namin nagalit na dahil hindi daw sila makatulog gawa ng ingay. Tapos yun nagkainitan. Alam mo naman si mama hindi nagpapatalo..Kung hindi pa umawat ang baranggay ayaw pa parehong tumigil. Biruin mo yun alas kwatro ng madaling araw nakikipag areglo kami sa baranggay. Nakakainis nga eh sa lahat ba naman ng araw ngayon pa talaga !
Ha ? Eh di nasaan na c tita ? Hindi ba sya pinaiwan sa baranggay ??
Buti na lang at napakiusapan ko si kapitan na iuwi ko na si nanay . Maigi nga at pumayag basta ba daw huwag ng mauulit. Pagdating sa bahay nakatulog din agad pero anong oras na din yun, inisip ko kung matutulog pa ako baka hindi ako magising agad. Kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo. Hindi ko na rin nagawang kumain ng agahan dahil baka mahuli na kaya kape lang ang almusal ko ..
Kawawa naman si tita, sana tigilan niya na ang ganyang bisyo mamaya kung mapano pa sya tsaka hindi din maganda sa katawan ang alak. Basta ky galingan mo mamaya alam ko naman na kayang-kaya mo yan,Madali lang naman yata ang interview. Kain na lang tayo sa labas pagkatapos para naman gumaan ang pakiramdam mo para pag uwi mo diretso pahinga na lang gagawin mo .
Salamat Jayda, ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa akin,Pangako gagalingan ko para naman hindi mo ko mapag iwanan kase paniguradong tanggap na tanggap ka na ..Sige na nandito na ako .. bye hihintayin na lang kita sa lobby para naman sabay na tayong umakyat ..
Cge ky. Malapit na din naman ako.. bye see yah .
Pagpasok ko sa lobby hinanap ko agad si ky.
Jayda tara na at baka malate pa tayo ..
Hindi ko mapigilang hindi mamahangha sa bawat sulok na madaanan ko.. iniisip ko na ano kayang feeling magtrabaho sa ganito kagandang lugar.. bawat detalye at sulok alam mong pinag aralan at mamahalin .
Pagdating namin, meron ng mga tao. Grabe ang ganda talaga ng building na to.. umupo na kami upang hintayin na lamang na tawagi,n ang aming pangalan ..
Ah, miss pwedi magtanong??
Ano yun ??
Ah tatanong ko lang sana kung nag uumpisa na ??
Hindi pa eh, wala pa daw kase ang mag iinterview. Sabi noong secretary..
Ah ganun ba! Thank you ha. Btw ako nga pala si Jayda at ito naman ang bestfriend ko si kyline ..
Hello bati ni kyline..
Lorraine Sandoval nga pala.. Nice meeting you guys .
Nag umpisa ng magtawag ng pangalan kaya naman grabe ang kabang nararamdaman ko. Mas lalo akong kinabahan ng lumabas ang secretary at tinawag na mismo ang pangalan ko...
BINABASA MO ANG
ENDLESS LOVE
RandomMasama bang magmahal at masaktan ng paulit ulit ?? Kase kung mali ayos lang kahit ilang beses pa akong masaktan at umasa sa mga pangakong walang katiyakan kung maisasakatuparan mo pa .--- 😣😣😣