Parehas kaming naglalakad ni Grizzy papasok sa parking lot at sabay ding pinaiikot ang dala naming susi sa daliri namin....pumito ako at pinatunog na ang aking sasakyan papasok na sana ako ng sipain ni Grizzy ang paa ko hindi pa ito nakakapasok sa loob ng kotse niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at sinipa din pabalik, hindi ba niya alam na mahal tong sapatos na sinisipa niya lang ng basta basta? Mas mahal pa to sa laman loob niya, sa pagpasok ko muli sa loob ay hinila na niya ang uniform ko kaya binagsak ko ang bag ko sa passenger seat at hinaklit ang kwelyo ni Grizzy aambahan na sana siya ng suntok ng makarinig ako ng tunog sapatos na papalapit sa amin
Dinidilaan ko ang ibaba kong labing nilingon kung sino man ang tinutukoy ni Grizzy and there i saw Gordon all alone without his baseball bat and his minions nakapamulsa itong naglalakad tumigil lang din ng nasa harapan na namin siya, well hindi siya malapit sa amin may space pa sa gitna, takot atang malamog ko ang mukha niya kapag nahuli ko siya hindi sapat ang ginawa ko sa kaniya noon ng suntukin niya bigla ang mukha ko, kulang pa iyon!!
Lumayo ako kay Grizzy, saka pinagdikit ang aking dalawang braso saka maangas na tinaasan siya ng kilay....
"Mukhang nag iisa ka ata Gordon" pang aasar ko
He seems annoyed to what i've said kaya natawa ako ng bahagya
"Kahit naman mag isa ako ay kaya kitang pahigain sa sahig" he tap his shoes at the ground kaya nagkakaroon iyon ng echo sa buong parking lot
"Sinasabi mo bang talo agad ako kapag kalaban ka? Hindi ba pwedeng ikaw muna ang maunang bumagsak sa sahig? Mahiya ka naman, me? The great Mimir pahihigain mo kaagad sa sahig? You gotta be kidding me" nag fist bomb kami ni Grizzy
"Umalis ka na sa harapan namin ngayon Gordon, ayaw naming maubos ang oras namin sa pakikipag usap sayo" sabi ni Grizzy at bumehlat pa kay Gordon
"Mukhang minamaliit niyo ako" nagsilabasan ang tatlong lalaki na kasamahan niya
Sinasabi ko na nga bang mangyayari ang ganito ngayon ehh, hindi si Gordon ang tipo ng kaaway na mag isa lang susugod, mahina siya kapag isa niya lang, kapag may kasama mayabang at astang malakas may kasama ehhh..humikab ako saka tumayo na nang maayos sa pagkakasandal sa gilid ng aking kotse naalaman naman ni Grizzy ang kinilos ko kaya humakbang kaming pareho papalapit sa apat
"Nakaa excite talaga kapag may kaaway ka dito sa university mas nakakaganang pumasok" humihikab kong ani
"Umunti ata kayo?" Grizzy asked
"Baka kasi matalo kayo" sabat ng isang kasamahan ni Gordon
"Nagsalita ang payatot at mukhang hindi kumakain" nainis ito sa sinabi ni Grizzy susugod na sana ng pigilan siya ni Gordon gamit ang kamay
Nang makalapit na kami sa kanila ay binigyan ko ng malakas na sipa ang kasama ni Gordon sa gilid dahilan ng pagkakaupo nito hawak ang nasaktang alaga serves him right!!
Magsasalita pa sana si Gordon ng ipalipad ko na ang kamao ko sa kaniyang pisngi napatagilid ang mukha nito, kitang kita ko ang bakas ng kamao ko sa pisngi niya while Grizzy is just watching walang ginagawa parang tamad na tamad sa buhay, sinipa ko ito kaya sinamaan niya ako ng tingin saka sinipa din ang lalaking lalapitan na sana siya"Mas magandang mauna kana lang Grizzy kung panonoorin mo lang ako dito!!" Inis kong sabi
"Come on, i know you can do it"
"Ah fuck!!" Nasapo ko ang tiyan kong nasipa ni Gordon
Binigyan ko ito ng upper cut kaya napaatras ito at napaluhod, bwahahaha tignan mo umaatras ang putek, naglakad ako papalapit sa kanila pero tumakbo na ang ang mga minions niya kaya natira si Gordon na nanlalaki ang mga mata at pinunasan ang labing pumutok mukhang nakagat ata niya ng bigyan ko siya ng uppercut, kinuha ko ang paa niya at malakas siyang hinila at kinaladkad sa buong parking lot
"Bwahahahahaha!!" I devilishly laughed
"Ahhh itigil muna ito, kapag nakawala ako dito ay talagang hindi kana makakawala pa sa akin" pilit nitong tumatayo pero mas binibilisan ko ang paghila sa kaniya
"Ipagpatuloy mo lang iyan Mimir vinivideohan kita" nag thumbs up ako kay Grizzy na may hawak nang phone
"Magandang angle ahh? Make sure na gwapo ako diyan" sigaw ko sa kaniya
Napatigil ako ng masulyapan ko si Gordon na wala ng malay nilapitan ako ni Grizzy at ginalaw ang hintuturo sinasabing lagot ako....
"May paparating, kapag nakita nila iyang si Gordon na walang malay plus tayong dalawa dito ang nasa harap niya malalagot tayo!!" sigaw nito sa akin
"Tangina wag ka ngang sigaw ng sigaw!! Tulungan mo akong itayo to"
Binuhat namin ni Grizzy si Gordon the walang malay, kinuha ko ang susi ng kaniyang sasakyan at pinatunig ang BMW niya saka siya mabilisang pinapasok sa loob, ang nakabukas kong polo ay pinabayaan ko muna mukha akong na rape sa itsura ko....hinihingal kong sinipa papasok ang paa ni Gordon at isasarado na sana ng may umubo sa likuran ko, Grizzy is not here with me nasa kotse na niya ito mukhang tinakbuhan ako ng loko!!
"Uhmm what are you doing there, kitty?" Maangas kong sinuklayan ang buhok ko at tsaka hinarap si Nerdy
Pinasadahan ako nito ng tingin at tumagal pa sa nakabukas kong uniform kaya kitang kita ang tan kong kutis lalo na ang nipples ko.....i cleared my throat and slowly fixing the buttons of my uniform, sisilipin na sana nito ang nasa loob ng iharang ko ang katawan ko doon at tinuluyan ko ng sinarado ang sasakyan ni Gordon
"Umalis ka nga, tsismoso ka din eh no?" Naasar kong sabi
"It looks like your having fun there with your bitch" he said while glaring me
Eh? Akala ba niya eh babae nasa loob ng sasakyan na ito? Ngumiwi ako at napailing ng palihim
"O...Oo, nagkakatuwaan kami ng babae ko dito kaya wag ka ng makulit, go home and read some of your boring books" tinulak ko ito gamit ang hintuturo ko saka tatalikod na sana ng pahampas niyang nilagay ang kaniyang hawak na libro sa hood ng kotse ni Gordon
"Hindi ko na ito palalagpasin pa" he whispered
Malalagot na talaga sa akin si Grizzy!!!
"L...Lumayo ka nga sa akin!!" Bulyaw ko sa kaniya
"What if i don't want to?" He asked
"Nakakainis ka din eh no?"
(Yay why naman ganiyan ka, Drown?!!😂✌)