"Walang tulog?" Tanong ni Grizzy ng makaupo ako sa harapan nito
Kinuha ko ang chips nitong hindi pa nabubuksan, hindi ako nakatulog ng maayos minuto minuto akong nagigising at dahil iyon sa pesteng halik na binigay sa akin ni Drown kagabi, ano bang problema ng utak ko sa halik na iyon? Paulit ulit na pinaplay.....
Kapag pipikit ang mata ko makikita ko mukha niya, ang masama pa makikita ko nalang ang sarili ko na nakangiti na ako habang iniisip siya, nababaliw na ata ako, may sakit ba ako? Hindi na ata tama pa itong nararamdaman ko, tinignan ko si Grizzy na nanonood ng anime sa phone.Kapag ba tinitigan ko ng matagal si Grizzy mapapangiti ako at kapag pumikit ako ay siya ang makikita ko? Nag angat ng tingin si Grizzy at kinunotan ako ng noo......
"Huy, umayos ka nga Mimir, nakakatakot tingin mo!!" Hinampas nito ang braso ko kaya nag iwas na ako ng tingin at pumikit pero walang Grizzy ang nagpakita.
"Grizzy.....may tanong ako!!"
Tumango ito at tinigil muna ang pagkain ng chichirya, itatanong ko ba? Damn it Mimir.....
"K...Kapag hindi ka makatulog ng maayos dahil sa isang tao at lagi mo itong nakikita kahit nakapikit ka, what is the meaning of that?" Pilit kong sabi
"Hmmm..." nilagay nito ang hintuturo sa baba, ang loko kala mo matalino sa ganiyang postura
"Sagutin mo na kasi!!" Inis kong sabi
"Maghintay ka!!" Inis din nitong sabi sa akin
Napahilamos ako sa mukha saka tumayo dahil mukhang wala akong maaasahan kay Grizzy, ilang hakbang palang ang ginagawa ko ng makita ko si Drown na kakapasok palang sa pintuan ng canteen at may kausap na isang lalaki na nakasalamin at may hawak na tatlong libro kaya agad akong bumalik sa pagkakaupo sa harapan ni Grizzy
"Akala ko ba hindi ka na makikinig pa sa sasabihin ko?" Ani ni Grizzy
"Sabihin mo na!!" Inayos ko ang upo ko
Nakatalikod ako sa gawi nila Drown kaya hindi niya agad ako makikita at mukhang busy siya sa pakikipag usap sa kapwa nita nerd mag aaral ba sila habang kumakain? Well.....once in the blue moon lang naman pumunta ng canteen si Drown dahil laging nasa library, tsk bakit ba siya nalang inisiip mo Mimir?! Pabayaan mo na nga siya sa kung anong balak niyang gawin sa buhay niya o kung sino ang kasama niya basta ikaw mag stay kalang sa kung saan ka, tandaan mo walang kayo ni Drown at hindi magiging kayo in the future dahil lalaki ka at hindi dapat masira ang plano mo.
"You love that person"
Natigil ako sa kinauupuan at awang ang bibig na napatingin kay Grizzy
"Ano?" Nilinis ko ang aking tenga at muli siyang pinakinggan
"Kwento sa akin ni lola kapag may tao ka daw na laging iniisip na sanhi nang hindi mo pagkakatulog ng maayos at palaging nagpapakita kahit na nakapikit ang mata mo ay mahal mo daw ang taong iyon o may pagkahanga ka sa kaniya"
I gritted my teeth at mahigpit na hinawakan ang kamay nito
"Hindi ko siya mahal!!" I said in my firm voice
Dahan dahang lumabas ang mapang asar nitong ngiti kaya mas nainis ako
"Sino ang hindi mo mahal?" Tanong niya at nagtaas baba ng kilay
Lumayo ako sa kaniya at hindi siya pinansin, relax and stay calm Drown mali lang si lola....
Kapag may oras talaga ako bibisitahin ko si lola at itatama siya, hindi ko mahal si Drown, masama ang tinging binigay ko sa gawi nila Drown, nakaupo na ang dalawa at nag uusap, tumango tango ang nakasalaming lalaki at may sinusulat sa papel."Wag mong sabihing si Drown-----" hindi na natapos pa ni Grizzy ang pagsasalita ng pasakan ko ng chichirya ang bunganga niya
"Hindi si Drown iyon at hindi lang si Drown ang maaari kong makita kapag tinignan ko ang likodan ko, naiintindihan mo?!!"
"Alam mo Mimir hindi mo naman kailangan pang ma guilty, pinahahalata mo lalo ang halatang halata na" bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na ito ng mabilis
Tumayo ako at dabog na lumapit kala Drown, natigil sila sa pag uusap ng nasa gilid na ako, tinignan ko ang ginagawa nila and I think Drown teaching this nerd how to solve....damn ang laki laki na hindi pa marunobg mag solve, may pa salamin salamin pang nalalaman bobo naman pala, ginawa pang library ang canteen, tama ba iyon? Bakit si Drown lang ba ang malalapitan niya? Sabagay pareho silang nerd!!
"Do you need anything?" Marahang tanong ni Drown sa akin
"Tsk......" tumalikod ako at masama ang mood na lumabas na ng canteen
Hindi ako gusto si Drown!!
(Yeah Mimir hindi mo na gusto si Drown kaya huminahon ka, hahahaha hi.....ang tagal ko nanaman nag update baka mas matagalan pa ako dahil sa modules na sangkatutak at sa isa kong fantasy story about elves nag se-search ako tungkol sa kanila, sana wait wait parin kayo)