"Happy birthday Mimir!!!" Napatalon ako sa gulat ng bigla nalang bumungad sa akin sila mom, ate, Grizzy at Drown na may mga hawak na banner at cake
Kinagat ko ang ibaba kong labi bago sila nilapitan.
"Happy birthday pangit kong kapatid" ate said
Tumingin muna ako kay Drown bago pumikit upang humiling, sana mas lalo pa akong gumuwapo para naman hindi na maghanap pa ng iba si Drown, lord alam kong masama akong lalaki....laging nambubully pero sana naman huwag mo na kaming pahiwalayin ni Drown, hindi na namin kailangan pa ng ibang taong hahawak sa puso namin, we love each other...cherish each other, hindi man kami mag kaanak ni Drown basta kasama naming dalawa ang isa't isa masaya na ako.
Dumilat ako at hinipan ang kandila, they clap and hug me, ginulo ni Grizzy ang aking buhok bago kinuha ang cake at tumakbo patungong kusina....
"Happy birthday anak---" hindi pa natatapos ni mom ang sasabihin ng hilahin na siya papalayo ni ate sa aming dalawa ni Drown
"Usap kayong dalawa" ngiting sabi ni Ate
Alam na nila ang tungkol sa aming dalawa ni Drown sa una hindi makapaniwala si mom akala niya ay babae ang makakatuluyan ko pero hindi din nagtagal unti unti na niyang naiintindihan ang relasyon naming dalawa ni Drown, lalo na ang aking magaling na ate na talagang bumait sa akin matapos malaman na kaming dalawa na ni Drown, may ginawa pa itong fans club na kinainit talaga ng ulo ko dahil pati ang mga kaibigan niya ay lagi nang bumibisita dito sa bahay para matignan kaming dalawa ni Drown
Niyakap ko ang braso ni Drown at sabay kaming umupo sa sofa, inayos nito ang suot na salamin bago hinawakan ang aking kamay at nilaro ang aking palasingsingan na may singsing na.
Yeah, he proposed to me, last week lang.....nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harapan ko at alayan ako ng singsing, hindi ako makapaniwalang sakin na talaga siya.....balak naming magpakasal sa ibang bansa tuwang tuwa ang mga kaibigan niya sa balita, i feel so content.
"Wala kang regalo sa akin?" Taas kilay kong sabi
"I have one...."
"Bakit hindi mo pa binibigay sa akin?" Ngumuso ako at nilapag ang aking ulo sa kaniyang balikat
"Hahaha silly....so you want me to strip dance infront of you right now?" Nagliwanag ang aking paningin sa narinig
Agad akong tumayo at ngiting ngiting nakatingin sa kaniya.
"Gagawin mo talaga yun?!" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya
"Why not? It's you're birthday today" kibit balikat niyang sabi
"Uhmmm.....Drown, kung hindi ka ba sumingit sa gitna nang pag aaway namin ni Gordon hindi ba tayo aabot sa ganito?" Dahan dahan akong bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang tabi
"Yeah" inis kong pinalo ang kaniyang balikat
"So ibig sabihin kapag hindi nangyari ang paniningit mo babae sana ang may suot na singsing na galing sayo!?" Simula ng maging kami nakikita ko nalang ang aking sariling nagiging pabebe at babae, i don't care if i am a gay right now as long Drown is mine.
"You love girls right? Flirt with girls? Baka ikaw ang mauunang makasal sa atin" malamig nitong sabi
"Takot kaya akong matali!!"
"But now?"
"Takot akong mawala ka" hinila nito ang braso ko kaya bumagsak ang aking kalahating katawan sa kaniya
"If you try to flirt with some girls i will going to punish you hard and rough until you can't walk, happy birthday Mimir Evaz Gillivo" he said that makes me closed my eyes
"I love you----"
"Gutom na ako matagal pa ba kayo diyan?!" Sigaw ni Grizzy saka kami sinilip
Nang makita ako nitong masama na ang tingin sa kaniya ay agad siyang tumalikod
"GRIZZY!!!" malakas kong sigaw bago tumayo at hinabol siya
THE END.
(Hala ang pangit ng ending but yeah....hahaha patawad po, kailangan nang matapos ang story ni Drown since marami pang susunod at talagang ang utak ko ang daming ideyang pumapasok kaya hindi ko na mapigilan pang gumawa ulit ng bagong story, sa lahat ng hnaghintay sa kwentong ito at talagang sumuporta maraming salamat.)