Tinaas ko ang gitna kong daliri kay Grizzy na hindi agad naabit ang bola na pinasa ko sa kaniya, napakamot na lamang ito ng batok saka umalis na sa gitna ng court, muling nagpatuloy ang laro...iwas iwas ang ginagawa ko hanggang maabit ko ang ring at nag slamdunk napa oww naman ang lahat ng nanonood, ngumisi ako sa kalaban well actually nagpustahan lang naman kami dito wala kasi kaming magawa kaya eto nalang ang naisip naming paraan para iwala ang boredom na bumabalot sa paligid, hindi din naman kami pumayag na makipaglaro ng volleyball sa girls dahil hindi naman namin iyon gusto
Matapos ang ilang minuto natapos na din ang laban at sa kamalasan hindi kami ang nanalo kaya naglabas ako ng tatlong libo sa wallet ko at binigay iyon sa nanalo, nakipag kamayan kami bago sila umalis ng court, kinuha ko sa bag ko ang maliit na tuwalya saka iyon pinunas sa pawisan kong katawan
"Huy par hindi kamusta naman kayong dalawa ni Drown?" Nakangiting tanong ni Grizzy na kinahinto ko sa pagpupunas
Inabot ko ang gatorade saka iyon nilagok, ilang linggo na ang nakakalipas simula ng gabing iyon at hindi na din ako nagtangka pang pumasok sa loob ng library para kausapin pa siya....ano pa ba ang sasabihin ko? Wala na akong pakialam pa, mukhang wala na din naman siyang pakialam dahil last week lang bali balita na girlfriend na daw nito si Samantha hindi na ako nagbigay pa ng komento kay Grizzy at binuhat nalang ang aking bag sa balikat
Sabay kaming lumabas ng court at naglakad papunta sa hallway
"Mauna ka na, mag babanyo lang ako" sabi ko kay Grizzy
"Sama" pinangsingkitan ko siya ng mata
"Bakit iihi ka ba?" Ngumiti ito saka umiling at tumakbo na papalayo sa akin
Binuksan ko ang pintuan ng banyo at napatigil nang makita si Drown na kahalikan si Sam, napahigpit ang kapit ko sa doorknob at walang pagdadalawang isip na pumasok sa loob, natigil ang dalawa at napatingin sa akin pumasok ako sa cubicle na nasa dulo at binuksan ang zipper ng pants ko....
Lumakas ang ungol ni Sam (Samantha), para siyang baboy na kinakatay, dumiretso ako sa sink at pinabayaan ang dalawa na naghahalikan pa din hanggang ngayon.....inayos ko ang buhok ko bago mapaglarong ngumiti at humarap sa dalawa
"Wow....." nakangiti kong ani
Tumigil muli ang dalawa sa paghahalikan at tinignan ako, malanding pinunasan ni Sam ang lipstick na gumulo....Drown stared at me with his emotionless eyes
"Sorry na istorbo ko kayo" tinaas ko ang isa kong kamay at kumaway, nang makalapit ako sa kanila ay tinapik ko si Drown "gusto mo bang bigyan kita ng condom? Para naman alam mo na....safe"
Kumindat ako at lumabas na sa banyo, biglang nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ko ng maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko....para bang may mabigat na nakadagan sa akin ngayon, napasandal ako sa wall ng makarating ako sa parking lot pipikit na sana ako ng biglang may sumuntok sa akin sa tiyan dahilan ng pagkatumba ko
"Tignan mo nga naman" Gordon and his two minions kick me and punch me
Hinayaan ko lang sila dahil ayaw gumalaw ng kamay ko upang lumaban, tumawa si Gordon ng malakas at binigyan pa ako ng sipa sa tuhod bago umalis kasama ang dalawa niyang minions....himala at wala silang sinabi sa akin, mukhang hindi sila natuwa sa pagbubogbog sa akin kung ako ang nasa katayuan ni Gordon baka nagsisigaw na ako sa saya dahil nakabawi na din ako sa lahat lahat, hindi pa nila binali buto ko ang hihina naman nila
Umupo ako at pinunasan ang nagdudugong labi at pisngi, dahan dahan akong tumayo at iika ikang dumiretso sa loob ng kotse ko upang magpahinga....
If mom saw me at this state she will definately put whoever did this to me inside the cell, tinatamad na din akong pumunta ng clinic dahil ayoko namang maglakad sa hallway ng iika ika at puno ng dugo ang damit, i don't want them to pity me....
Kinagat ko ang ibabang kong labi at agad na pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi, damn me, bakit ba ako umiiyak? Bakit pa ba ako aasa na dadating siya at ihahatid ako sa clinic? Tangina mo Mimir umayos ka nga.
Natigil ako sa ginagawa ng makita si Drown na kakapasok palang sa parking lot, napatingin ito sa spot kung saan ako binugbog nila Gordon kaya napatingin din ako doon at nakita ko ang dugo ko sa sahig, mas lalo kong kinagat ang ibaba kong labi ng sa gawi ko naman ito tumingin lucky me dahil tinted ang sasakyan ko at hindi ko pa pinapaandar ang makina kaya hindi niya maaalaman na nandito ako sa loob.
Pumasok na ito sa loob ng kotse saka umalis nalang din, kaya simulan ko na din ang makina ng kotse konat nagsimula ng magmaneho....mabagal ang pagmamaneho ko dahil sumasakit ang braso kong paulit ulit na sinipa ni Gordon kanina, humanda siya sa akin....
Hindi ako dumiretso sa bahay dahil ayokong masermonan, pumunta nalang ako sa condo unit ko na matagal ko na ding hindi tinutulugan, pumasok ako sa elevator.
I look awful, may black eye ang kaliwa kong mata, putok ang mata, may hiwa sa pisngi at dumudugo ang ilong ko, bakit ba hindi tumigil pagdurugo ilong ko? Buysit naman....inis akong pumasok sa loob ng condo ko at dumiretso sa kwarto, naghilamos lang ako at nagpalit ng damit bago humiga sa kama....since hindi ko naman alam kung paano gumamot ng sarili kong sugat, itutulog ko nalang mas maganda pa.
Grizzy called me, kaya tinapat ko ang phone sa tenga at pinakinggan ang sinasabi nito
"Tumawag sa akin si Tita Miracle pinapatanong kung nasaan ka daw at hindi ka pa umuuwi, asan ka ba?" Bumuntong hininga ako sa tanong niya
"Nowhere" maiksi kong sagot
"Anong nowhere?! Sige na....nasa bar ka ba ngayon?"
"Wala akong gana pang makipag usap, sabihin mo nalang kay mom na hindi ako uuwi sa bahay at hindi ako papasok bukas" napangiwi ako ng humapdi ang ibaba kong labi
"May kasama kang babae no?" He said
Ngumisi ako
"Oo" binaba ko ang phone ko at tumingin sa kisame
I really need to find a girl to distract myself from my growing feelings towards Drown, im not gay!!
(Naantok na me so susunod ulit!!)