Chapter 14: Meet Blake Santos :'>

127 8 2
                                    

Hello guys!Nakapag-update ulit ako.Nainspire kasi ako sa mga story ngayon eh, actually naghahanap pa ako ng mahihibangan ko para hindi sabog ang update.Pero parang may naiisip napo ako na gusto kong mangyari eh.Kailangan ko pong mapaiyak kayo,mapatawa,at ma-on mood lang.AHAHAHA so pa no bayan??Read na kayo.Ay wait lang pala!!Bago ko makalimutan,okay lang po ba yung special chapter ni Jason Smith?Ganyan po talaga ang buhay n gating pinaka1st na makulit sa storya na to!Kaya abangan niyo pa ang ilang special chapter.Dahil gagawa po ako ng special chapter pag may naisip napo akong mangyayari sa iba pang bida.So hintay-hintay lang po.

Tsaka dedicate po ang chappy na toh kay labilaaaab !!
=======================
Suzane POV,

Still my pov parin.BTW, nandito kami ngayon sa starbucks dahil pagplaplanohan naming ng maayos kung paano ba ganito,ganyan,dito,doon daw sabi ni Drakey kaya sumunod nalang ako.Hindi na ako magpapachossy dahil kailangan ko din ng trabaho.

“So for now kailangan natin maging sweet sa mata ng bahay at ng lolo ko.Especially don sa nakakakilala sa akin na may alam na mag-on tayo pero hindi naman talaga.gets mo??”-Drakey

Tumango lang ako bilang sagot tas sinisipsip ang laman ng shake na iniinom ko..

“Kailangan din walang makakaalam sa sitwasyon nating ito.Pwede mo lang pagsabihan ang mga taong may tiwala ka.Tas alam naman ng mga barkada ko na fake tayo so kailangan pagmeron sila.Layo-layo ng kunti,okay?”salita lang siya ng salita pero ako dito naman tango lang ng tango.Eh ano?Kumusta naman ngayon diba??

“Meron din dapat tayong rules drakey eh para naman magkaintindihan tayo”-ako

“Oh ano naman yun?”Take note yan guys ha?Nakataas ang kilay niya.

“Para naman may sapat na pagkaintindihan tayo.Alam mo na,kailangan nito para din sa paghahire mo.”-ako

“Osya sige,dali ano ang rule #1??”nakapalumbaba nalang siya ngayon sa table habang ako naglabas ng bondpaper para sulatan ko tas notebook para don ko ilalagay ang bondpaper sa taas nito ng hindi naman magkadiletche-letche ano.Tas ang mahiwaga kong ballpen AHAHAHA dijoke lang :D

“Okay!Rule #1….Dapat walang chessy tops paghindi kailangan sa harap ng mata ng lolo mo.Pwede naman ito kung kinakailangan lang.”tumango naman siya bilang sang-ayon.

“Rule #2 kailangan mo akong sunduin araw-araw para hindi naman magtaka ang lolo mo.HEHEHE alam mo na para naman iwas bayad sa jeep diba pagpupunta sa school dahil malapit na naman ang pasukan.”tumango ulit siya.

“Rule #3 dapat manlilibre ka sa akin”ngumiti pa ako niyan ha.

Tumango ulit siya..Ano ba naman toh puro nalang tango ng tango.Hindi ba siya nangangalay sa ganyan na sitwasyon??

“Mabuti pa Drakey umuwi na muna tayo dahil parang wala ka sa sarili mo eh.Baka mapano ka pa,ako pa ang makokonsensya niyan”-ako

Tumayo naman siya.

Okay?Akala ko gusto pa niyang ituloy eh.Tsk.mga lalaki talaga..

“Sige ha?SALAMAT sa pag-iwan sa akin sana magkasakit ka ha?Kita nalang tayo next time sa empyerno!!”take note the sarcasm tone of me guys.Kaasar hindi ba naman ako hinintay.Tssss..Okay ang weird ko makauwi na nga lang..

Ay teka!Gala kaya muna ako sa dalampasigan?Actually malapit naman dito eh so why not kung pupunta ako diba?Pampalipas oras lang..

Lakad lang ako ng lakad at nakarating naman ako agad sa dalampasigan.Parang lumungkot yung aura ko ng may makita akong isang pamilya na naghahabulan.Kainggit naman nila.Mabuti pa sila ang saya-saya kitang kita ng dalawa kong mga mata.

Sana hindi nalang kami pinagpalit ni papa sa iba.Para naman maranasan ko ang magkaroon ng isang buong pamilya.Ay teka!Nakaranas na pala ako pero yung batang kapatid ko ang hindi.Siguro siya rin nalulungkot dahil kahit siya hindi nakakapagbonding sa tatay kong abno.

Tsss.ano ba naman toh kaiyak,sinabi ko lang na gala-gala ang gusto ko tapos habang nandito ako panay tulo ng luha ko.HAAAAAYYY!!Sana papa bumalik ka na sa amin,Ayaw ko naman pong magtanim ng galit sa inyo eh dahil mahal na mahal ko kayo pero sa tuwing makikita ko kayo parang ang bigat ng dinadala ko dahil sa kagaguhan niyong pinakita sa amin.

Sana pa marealize niyo na kami ang pamilya mo..

Nagulat ako ng may tumabi sa akin at binigyan ako ng panyo.Pag tingala ko isang unknown stranger ang nagbigay sa akin.Isang lalaking gwapo,maputi,matangos ang ilong,at pala ngiti.Mabuti pa siya masaya ako hindi.Pero kahit ganun may kunting saya parin ang bumabalot sa katawan ko dahil hindi ako iniwan ng mama at kapatid ko.

“Nako wag na.Nakakahiya naman sayo.”tas binalik ko sa kanya ang panyo.

“Wag ka ng mag-inarte ms. Dahil kailangan mo niyang ngayon.”kinuha ko nalang sa kanya ang panyo baka kasi magalit.

“Thank you ha?”tumango lang ito sa akin.

“Ano bang problema mo?”tanong niya.

“Pagsinabi ko ba sayo eh gagaan na ang loob ko?”-ako

“Wala akong sinabing oo hindi din ako magsasabi ng hindi.Ang gusto ko lang na ilabas mo ang gusto mong ilabas.Kahit umiyak ka pa ng umiyak kailangan mo ito para naman mahimas-himasan ka sa kalungkutan mo”-siya

“Ano pala pangalan mo?”-ako

“Ako nga pala si Blake Santos.”tas inabot niya sa akin ang kamay niya.

“Ako din pala si Suzane Dela Cruz.”tas nagshake hands kami.
====================================
OKayyyyyy!!STOP muna dito at para naman may pabitin na nagaganap..Alam niyo na?Pero sa tingin niyo,ano ang magiging papel ni Blake Santos kay Suzane?

Isa ba siya sa hadlang sa storya o hindi?

-Imabbytheoneandonly

For Hire: GIRLFRIEND Wanna Be! (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon