Part 4 ❤️

8 1 0
                                    

Xairine.....

Baguio city!

Naging maayos ang aming byahe.... Karamihan ay tulog pero a dun parin ung sigla dahil sa walang humpay na pag iingay nila Joy at Crista.

Uhmmmmm......

Nalalanghap ko na ang fresh air. Gusto ko rin talagang matulog pero ako driver eh. Hihi.

"ohhh baguio! We're here!" biglang bungad ni Joy na kitang kita naman sa mata niya ang tuwa. Dahil din sa sigaw ni Joy ay nagising ang tatlong kalalakihan at si Mhay. Dapat nga gising siya ngayon kasi napag usapan namin kahapon na magsasalitan kami pero wala ehh tulog.... Pero okay narin....

"ohh M! Yooohooo!" biglang sigaw ni Mhay na dahilan para mapa preno ako. Dahilan rin para mauntog ang tatlong lalaki dahil sa biglaang pag preno.... Lahat sila ay nagulat sa nagawa ko.

"ugghhh!" naiusal ni Jake.

"I-I'm sorry.... Sorry" nakangiwing sambit ni Mhay.

"ano ka ba mhay! Kahit kailan ka talaga! Napag usapan na nga natin kahapon na Huwag sisigaw ng biglaan dahil delikado!" sigaw ko sa kaniya pero hindi na siya umimik.

"pano Kung nakadisgrasya tayo!? Pano Kung may nangyari satin!? . Pitong buhay ang magiging alanganin Kung nangyari Yun.!" sigaw ko pa bago ako nagtuloy sa pagmamaneho. Wala ni Isa sa kanila ang umimik dahil sa naging asal ko. Kahit ako rin ay nabigla... Hindi ko gawaing manigaw ng Tao.... Pero ung nangyari kanina sobra akong natakot dun.

Nang makarating na kami sa bahay ay dahan dahan Kong ipinarada ang sasakyan at bumaba ng sasakyan.... Nag sibabaan din sila at ganun nalang ka awkward sa amin.

"hay!!! We're here!" pagbasag ni Jayzer sa katahimikan.

Ibinaba narin namin ung ibang gamit bago tumuloy sa loob.

"pitong kwarto ang Meron sa bahay na ito. Pero lima lang ang gagamitin. Isa sa akin of course... Isa rin kay M-Mhay..... Isang kwarto naman Para Kay crista at Joy... Sa boys naman ay maybe Isa sa inyo ang magsosolo or if you want magsama sama kayong tatlo sa iisang kwarto. " sabi ko bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko...at agad naman silang sumunod.

" Crista and Joy jan kayo" turo ko sa isang kwarto na katabi ng tutuluyang kwarto ni Mhay.

"Mhay Jan ka" turo ko pa na tinanguan niya agad pero mukhang naiilang.

"ahh Jake. Sinong magsosolo sa inyo?" baling ko sa kanila.

"sama sama na kami sa iisang kwarto." sagot niya naman kaagad.

"sige... Magsipasok na kayo sa mga kwarto niyo Para makapag pahinga na kayo. Dito Lang ang kwarto ko katukin niyo nalang if ever na may gusto kayo." dere deretsong usal ko bago pumasok.

.................

Knock knock........

Napa baling ako sa pintuan nang narinig kong may kumakatok.

Agad ko naman iyong binuksan at lumantad ang isang Mhay na mukha pang naiilang.

" pasok"usal ko bago umupo sa kama at ipinag patuloy ang ginagawa.

" l-look.... Mayge... I-I'm sorry. " nauutal pang usal niya habang nakatayo sa may bandang tagiliran ko.

" mmm" pagtango ko.

"ugh..... I know nakalimot nanaman ako sa mga napag kasunduan natin bago tayo bumyahe... I'm really sorry. Sorry Mayge."

"no it's okay.... Sorry rin dahil napasigaw ako kanina." baling ko sa kaniya na ikina takha ko.

Absolutely Your's ( JFYiaCFM 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon