Xairine.......
Unang araw namin ngayon dito SA Baguio. Supposedly ay lalabas kami kahapon pero hindi na Muna ako pumayag ....para magkaroon sila ng oras na makapag pahinga kaya hindi na sila kumontra pa.
Habang inaayos ko ang kumot ay biglang tumunog ang telepono ko hudyat na meron akong text message na natanggap mula sa Kung sino. Agad akong lumapit sa side table upang tignan Kung ano iyon. Text iyon mula kay mama.
"Anak dumaan dito kanina ung sekretarya ng daddy mo hinahanap Ka. Hindi niya nabanggit kung anong pakay niya. "
Dumaan? Baka namasyal lang...Pero hinahanap ako? Sa anong dahilan? .
"Ganun po ba ba ...sige po tawagan ko nalang. Thanks ma" itinipa ko iyon bago ko isend.
Gaya nga Ng Sabi ko ay idinial ko ang number ng sekretarya. Ring lang iyon ng ring.
Kung kailangan niya ako bakit Hindi niya ako tinawagan.
Hindi nito sinagot nung unang tawag. Kaya inulit ko nanaman at sa pangalawang pagkakataon ay wala parin. Kaya naman nakaramdam ako ng konting kaba.
Napaupo ako sa kama nung Hindi parin ako sinasagot sa pangatlong pagkakataon. Ano bang nangyayari?
Inulit ko nanaman iyon at sa wakas!! Nasagot na ang tawag ko.
"Hello miss?" Sagot nito.
"Dumaan ka daw sa bahay Sabi ni mama ...hinahanap mo ako ...at ngayong tinatawagan kita Hindi mo sinasagot . Ano bang nangyayari miss?"
"Pasensya na miss .. may naghahanap po Kasi sa inyo dito . Pero nagkataon naman na nasa bakasyon kayo . Eh ayoko Naman kayong abalahin"
"Importante ba Yan? Sino ba Yan?" Sunod sunod na tanong ko.
"Russell James Collins daw po miss. Kapag hindi niya daw po nakita ang presensiya niyo mamayang gabi ay baka hindi niyo daw po magustuhan ang gagawin niya." Dere deretso nitong sabi. Nangunot ang noo ko sa mga naririnig ko.
" Sige pupunta ako Jan" Yun lang at binabaan KO na Ito .
Lumabas ako ng kwarto na para bang pinag sakloban ako ng langit at lupa . Hindi ba pwedeng mag pahinga Muna. Kahit kailan Ka talaga Russell panira Ka ng araw.
Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa kusina . Alam kong naroon silang lahat at humihigop ng kape.
"Siz? Okay Ka Lang?" Tanong ni Mhay.
Hindi na ako umimik pa . Wala talaga ako sa mood. Pero kailangan parin nilang malaman na Hindi ako makakasama sa pupuntahan nila.
"Hindi na muna ako makakasama sa inyo sa pamamasyal" walang emosyon kong sabi dahilan upang magsitinginan sila sa kinaroroonan ko.
"What? Bakit Naman? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ni Joy.
"Hindi. Kailangan kong bumalik sa Manila may kailangan akong ayusin. " Sagot ko.
"Ehh paano ung trip natin?" Tanong niyang muli.
"Tuloy parin kayo . Kahit Hindi ako kasama . May mga tourist guides Naman siguro sa mga spots dito . "
" Ehh oo nga ...pero ganun ba Ka importante Yan para Hindi ka makakasama?" Si Mhay.
"Oo ..."
Sabi ko at muling bumalik sa kwarto upang makapag handa na. Nakakainis talaga.
Kung manakot Ka Naman Russell siguraduhin mong mapapaiyak mo ako. Dahil kung hindi Baka ikaw pa ang paluluhurin ko.
Habang nag aayos Ng gamit ay biglang may kumatok sa pinto .
BINABASA MO ANG
Absolutely Your's ( JFYiaCFM 2)
General FictionSo yeah! We already met miss Xairine Mayge Francia...... She already settled the problem that she wants to fix before. And now magkakaroon ba ng panibagong yugto ang kaniya ng buhay? Of course meron... But.... Magugustuhan niya Kaya ito or hindi? No...