PART 6 ❤️

10 1 0
                                    

Alvin.......

Huminto ako sa paglalakad nang saktong narating namin ang pintuan. Pinanuod ko lang si Xairine sa kaniyang pagpasok sa kwartong iyon.

"Hoy Hindi Ka ba papasok?" Biglang tanong ni Xairine na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan.

"Pwede ba?"

"Sinong nagsabing Hindi?" Kunot noo nitong tanong .

"Sige susunod ako" tugon ko

Sinigurado ko munang maayos ang kondisyon ko bago ako pumasok.

"Ohh you're with my best friend huh?" Bungad ni Russell na nanatiling naka upo sa may bandang gitna.

Hindi na ako sumagot pa.

"Maupo kayo." Dugtong nito na akala mo naman kung sa kaniya ang kompaniyang pinasok niya. Tigas ng mukha.

"What brings you here. Sinabi ko naman sayong huwag ka nang magpapakita Diba." Simula ni Xairine na mukhang kalmado.

Buti pa itong babaeng ito nagawang kumalma samantalang ako nag aalburuto na ang dugo ko dahil sa taong nasa harapan ko.

"Easy Xairine ... Baka matapos kaagad ang kwentuhan kapag sinabi ko kaagad. You know I'm enjoying the moment with you. And in fact I thought mag isa ka lang pero kasama mo Pala ang isang kumag na ito. " Tukoy nito sa akin

Ako kumag? Napaka hayop talaga.!.

"If you're enjoying it ..... For me it's a hell. Talking with the devil but there's nothing to be afraid of. Kasi ikaw ung demonyong hindi nakakatakot. " Ngisi nito.

"Really huh" sagot ni Russell.

"How about you bakit ka nandito ... Hindi naman kita kailangan dito ... better get out " dugtong nito nang nakatingin sa akin.

"Pinagbigyan na kita sa pag upo - upo mo jan. At ngayon papaalisin mo si Alvin? Huh! He will stay beside me and you don't have the right to send him out. " Pagtatanggol nito sa akin.

" Okay ... How's your vacation?" Tanong nito .

"You ruined it." Sagot ko.

"Am I talking to you?" Baling nito sa akin.

" Pareho lang din naman ang sagot namin ni Xairine.... At para din naman hindi mapanis ang laway ko kakatitig sa inyo... Mali ba yon?" Sarkastiko kong sagot.

"Well I don't even care kung mapanis yang laway mo jan. Pasalamat ka kasama mo si Xairine or else...."

"Or else what ? Gagawin mo rin sa kaniya ung ginawa mo kay Jake? Mag pasalamat ka dahil siya lang ang sumama. " Singit ni Xairine

"Huh! Are you two sharing one brain cells? Ang hilig niyong sumagot kahit hindi naman kayo ang kausap. "

" Dadaldal ka nalang ba Jan? I'll ask you again. What brings you here?"

" Okay . Here" abot nito sa isang itim na folder.

Nang buksan iyon ni Xairine ay nangunot ang kaniyang noo at halos magsalubong na ang kaniyang kilay.

Pagkatapos nitong basahin ay isinara niya kaagad ang folder at natatawang inilipag iyon sa Mesa. Ako naman ay tinitigan ko lang iyon. Na akala mo naman Kung kaya kong basahin yun sa isang titig lang.

"Talaga? Marriage contract? Ang tigas naman ng mukha mo" natatawa nitong sabi.

Marriage contract? Saan ba toh kumukuha ng kakapalan ng mukha ... Pagkatapos ng mga ginawa niya?

" Since next week ay makukuha mo na nang pormal ang mga papeles ng kompaniyang ito. Why don't we get married. "

" Daebak .... You're such a weird one. After all those crazy stuffs na ginawa mo ... You're asking me to marry you? " Sabi ni Xairine na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari. Habang si Russell naman ay nakatitig na ngingisi ngisi.

Absolutely Your's ( JFYiaCFM 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon