Alvin....
Tahimik kaming lumabas sa meeting room. Pinagmasdan ko Lang siya sa kaniyang paglalakad. Hindi man niya sabihin pero alam kong may kumakalikot nanaman sa utak niya. Ganun naman siya eh. Parang problema niya na ung problema sa buong Pilipinas.
" Ang tahimik mo ah." Simula ko.
"Huh? Dati pa naman... Kailangan ba na minu minuto nag sasalita o ano bang gusto mo? Mag rap ako?" Naka ngising sagot nito at binilisan ang paglalakad.
Ewan ko ba sa babaeng to .
"Ang ganda lagi Ng mga sagot mo .. pinapahanga mo ako. Matulog ka na muna Jan.. mahaba pa nag byahe "
Ani ko na agad niya namang sinunod.Kailan ba magkakaroon ng pahinga itong babaeng to. Magmula nung nagtapos tayo sa college di ka na nagkaroon ng oras para makapag pahinga. Ngayong naka bakasyon naman tayo biglang may susulpot na Russell. Sana naman sa mga susunod na araw wala nang magiging aberya.
***************
Ring.....
[Hello?] Sagot ko.
[Alvin... Kamusta ? Tapos na ba? Pabalik na ba kayo?] Si Mhay.
[Teka lang naman . Ang dami mong tanong. Oo pabalik na kami. Medyo naiipit lang sa traffic. Bigla ka naman atang napatawag. ]
[Ahh ano eh ] nauutal nitong sagot.
[Ohh anong meron? May problema ba diyan?]
[Hindi naman sa sobrang laking problema pero parang ganun na nga...tsaka isa pa parang may nakamasid sa amin dito. ]
[Ha?! Sige bibilisan namin. Huwag kayong lalabas. Please be safe]
[Sige kayo din mag ingat kayo]
............
Hindi malaking problema pero may problema .... May nakamasid sa kanila. Ano ba tong nangyayari.
Mahimbing ang tulog niya .... Sasabihin ko ba sa kaniya? Pero kailangan niyang malaman eh.
"Gigisingin na ba Kita? Pero mahimbing ang tulog mo ayokong mangistorbo." Bulong ko.
"Naririnig kita Alvin .... Hindi mahimbing tulog ko.... Makakatulog ba ako ng mahimbing sa dinami dami ng nasa isip ko. Sino ung tumawag at para kang natataranta jan. " Ani nito habang nakapikit ang mga mata...
So all this time hindi siya tulog? Haa iba ka talaga Xairine.
"Si Mhay..... Sabi niya bilisan natin kasi may problema daw sa bahay at isa pa may nakamasid daw sa kanila. " Sabi ko na ikina ayos ng pag upo niya.
"Ano?! Letcheng buhay to ... Ano bang nangyayari?!" Sigaw nito na may bahid ng pagka taranta.
"May alam ka bang pwedeng daanan para makauwi tayo ng mas mabilis ?"
"Di ko maalala....."
"Hayop na taga Baguio to .. pikit pikit ka muna jan baka maalala mo!" Sigaw ko.
"Hoy huwag mo nga akong inaaway jan. Kasalanan ko ba na hindi ako ung tumira dito. Huwag mo akong inaano jan ha!" Bawi niya.
"Oo na ... Awat na.. ito naman di mabiro" ngisi ko.
"Kung mag bibiro ka ... I timing mo ha!. Ulitin mo pa yan babatukan talaga Kita!" Sigaw ulit nito.
Di ko na kasalanan kapag naputol ung vocal cord nito ha.
Hindi na ako sumagot pa . Baka ako nanaman matatalo neto. Minsan kailangan ding pababahin ung pride to avoid embarrassment.
BINABASA MO ANG
Absolutely Your's ( JFYiaCFM 2)
General FictionSo yeah! We already met miss Xairine Mayge Francia...... She already settled the problem that she wants to fix before. And now magkakaroon ba ng panibagong yugto ang kaniya ng buhay? Of course meron... But.... Magugustuhan niya Kaya ito or hindi? No...