BELLE
"I'm Pregnant." Natahimik ang lahat sa sinabi ko. Napaawang ang kanilang mga bibig sa pagkagulat. They're just looking at me with the hint of confusion in their faces. Natuyo ang lalamunan ko at halos mag hyperventilate ako. Yung feeling na biglang tumahimik yung buong paligid pero may naririnig ka pa ring nakakabinging ingay na alam mong ikaw lang ang nakakarinig. Kasabay pa noon ang panlalamig mo at mainit naman na pakiramdam sa kaloob-looban mo, oo ganun. Ganun nga. Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ang emosyong bumabalot sa akin, takot, pangamba, confusion, fraustration at iba't-ibang pakiramdam na hindi ko alam kong paano i-dedescribe. Magulo ang isip ko ngayon, 'di gumagana, ngunit isa lang ang alam ko. Mali lahat ng ito. Maling-mali.
"Well much better!" binasag ni Tito Hayden ang katahimikang nababalot sa amin. "We're going to have a grandchild." Pilit siyang tumawa, para magpakita ng konting emosyon. Tumingin ako kay daddy, matalim ang titig niya sakin at halatang-halata ang disappointment sa kanyang maamong mukha. Umiling-iling ako sakanya, at sunod na ibinaling ang aking tingin sa taong nasa harapan ko.
Brayden was just staring at me with disbelief.
Alam kong ramdam na nila ang tension na nababalot sa aming lahat, nabaling ang tingin ko kay Tita Claire na nasa tabi ni Brayden across the dining table nang bigla siyang nag-salita. "Congratulation anak! 'Di ako makapaniwala, my baby will soon to have his own baby." Bakas kay Tita Claire ang kasiyahang nadarama, ngunit kitang-kita rin ang pag-aalangan sa bawat binitawang salita.
Bumaling muli ang tingin ko kay Brayden at umiling-iling, I saw confusion, disappointment, hatred, pandidiri, contentment or better yet hope in his eyes. Tumaas ang gilid ng kanyang itaas na labi kasabay ng pagkuyom ng kanyang perpektong panga habang nakatitig sakin.
"No!" bumuhos ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. "You don't get me!" mariin kong ipinikit ang aking mga mata, dahil 'di ko na alam kung kanino ako titingin. Tuloy-tuloy ang pagragasa ng luha, pilit ko itong pinipigilan ngunit bigo ako. Sumasakit lamang at naninikip lalo ang dibdib ko. Tumayo na ako nang biglang hawakan ni mommy ang aking kamay, tumigin ako sakanya sa huling pagkakataon at umiling. Basang-basa ko sa mga mata niya ang mga katagang 'don't do this please, don't do this to us'. Kumawala ako sa pagkakahawak niya at tuluyang tumakbo palabas ng hotel.
Nangangatog-ngatog ang tuhod ko at nanginginig-nginig ang aking kalamnan. Kasabay naman nito ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha at pangamba sa magiging resulta ng desisyon ko.
Higit sa lahat ay ang takot at pangambang nangingibabaw sa akin ngayon.
Alam ko, tama ako. Tama ang naging desisyon ko. Pero mali ito.
BRAYDEN
"I'm pregnant." Nabaling ang atensyon ko sakanya, kay Belle. My jaw clenched in disgust. Halos mapangiwi ako sa mga naring ko.
Seriously?! Andito ako ngayon with my mom and dad having a dinner with her family, in their own hotel, para pag-usapan ang magiging details ng kasal namin.
Yes! Our wedding.
We're here to formally arrange things between my family and her family. Everything was settled, then ngayon sasabihin niya she's pregnant? Shame on her, tsk!
"Well much better!" pambasag ni daddy sa katahimikang bumalot sa amin. Alam ko ang nasa isip nilang lahat ngayon. Na ako ang naka-buntis sa kanya, na ako ang ama, na nag-sex na kami bago pa man kami ikasal. But hell no, mali sila. Ano nalang sasabihin nila sakin, kung ang buong akala nila ay ako ang nakabuntis sa kanya? Tsk!
"Congratulation anak! 'Di ako makapaniwala, my baby will soon to have his own baby." Sabi ko na nga ba. Nalintikan na. Paanong magkakaroon ng baby, e never ko pa ngang napasukan yan. Tangina. I thought she's different from other girls. I thought she's very innocent, very pure, but what now?
BINABASA MO ANG
Bad Romance
RomanceTapos na po ang BAD ROMANCE hanggang chapter 63. Basahin nalang po ang latest version ng BAD ROMANCE na pinublished ko, ang version pong ito ay luma na at di ko na i-a-update. Check niyo nalang po sa list of works ko. Happy reading po!