Chapter 5- Part 1 of 3

2.8K 32 0
                                    

A/N: IMPORTANT! You can skip this chapter and proceed to Chapter 6, if nagmamadali kayo. But if sakaling you found something na hindi niyo maintindihan since naglaktaw kayo, please go back and read it. I hope you guys be more patience kasi I'm doing my best. I know medyo boring sa mga unang chapters, but I assure you. Magiging worth it yung pasensya nyo.

___________________________________________________________________________________________________________________________________

BELLE

It's been a week since I left my life in the Philippines. Wala akong nagawa within the 7days of stay here in London. I'm just here inside my hotel's room, actually malaki itong binooked ni Mom. It was a suite that usually used by couples or family.

Speaking of my Mom, she was the one who booked my flight and my accommodation for two weeks. There's one more week to go, and I still don't know what am I gonna do after that week. Saan ako pupunta after nun?

Hindi ako pwedeng pumunta kila Grandma dahil for sure malalaman ni Dad na naandito ako sa London. Tsaka hindi naman kami ganoon kaclose nung lola kong yun. Bata pa ako noong last time ko siyang nakita, funeral pa yun ni Grandpa. Hindi naman kasi siya dumadalaw sa Pilipinas dahil ayaw niya kay Mommy.

So what now? Puro nalang ako kain-tulog, kain-tulog and kain-tulog.

I deactivated all my social media accounts. Para 'di ako matrace ni Dad, patay si Mommy pag nalaman ni Dad na tinulungan niya ako.

Kailangan mo ng humanap ng trabaho tanga! Mamatay ka sa gutom dito.

Nagligo na ako at nag-ayus ng sarili. I wore my skinny jeans and my Aero shirt plus my blazer, it's a bit cold kasi. Then nag sneakers lang ako as usual.

Well this is my usual style.

I went in front of my dresser. I brushed my damp hair and put it into a bun, it's a little messy kasi my mga bagong silang na buhok sa paligid ng muka ko. My Mom always teased me na para raw akong araw, kung 'di naman araw ay sea urchins daw. I glide some lip balm on my lips and there you go, I'm set!

I'm ready to go na, so I grabbed my sling bag. Andoon na lahat my phone, my wallet together with my cards and ung lip balm ko. I really love to wear lip balm, ewan ko ba ang sarap kasi. Lasang strawberries.

"Hello Mom? Oh yes mom, I'm still here in London. Why?"

"Kumusta ka jan anak? Kumakain kaba ng tama? Nagpapacheck-up kaba sa ob?" napakagat ako sa kuko ko. Napabuntong hininga ng malalim.

"Mom I'm fine and yes, kumakain ako ng tama. Actually more than sa tama pa kaya don't you worry. Tsaka regarding sa ob, hindi pa ako nakakahanap ng magiging ob ko." Parang may kumurot sa dibdib ko. "Mom ikaw, kumusta kayo jan ni Dad? Okay na ba kayo?"

"We're fine anak. Ok na kami ng Dad mo." I heard her sighed.

"What's wrong mom? Hindi niyo ba ako napaguusapan?" Huminga ako ng malalim. "Did he just talk about me when you eat or just remember me? Did he just say he missed me?" Pinipigilan ko ang pagiyak ko at pinipilit ng wag ipahalata sa boses ko. Narinig ko ang hikbk ni Mommy, kaya't hindi ko na rin napigilan at bumuhos ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Mommy please stop crying. Tell me mom, did he just say my name since I left the house or he totally forget everything about me? Mom tell me please." Garalgal na ang pagkaksabi ko non, tinatakpan ko kasi ang bunganga ko nakakahiya kasi sa mga nakakakita. Nasa coffee shop ako ngayon malapit sa hotel na tinutuluyan ko.

"Of course anak, kahit 'di niya yun sabihin I know he misses you so much as much as I misses you." Rinig ko ang impit ng iyak ni mommy. "I know he misses her princess as much I misses my princes too, anak wag kang magagalit sa daddy mo ha. Promise me anak."
"Promise me.."
"Yes mom, I know. I know..."

"We love you anak, we'll always love our princess lagi mo yang tatandaan. And even if the world is all against you, always remember anak that I'm always here. Natitirang kakampi mo, I'll love you no matter what happen anak. You'll always be my lovely princess." Lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Mom.

Ang drama naman ng mudrakels ko! Medyo napawi ung lungkot sa sinabi ng utak kong baliw.

I can't even talk anymore, parang gripo ang mata ko sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha.

Dahil Masaya ako, I'm so lucky that I got the best Mom throughout the world.

"I love you Mom, always take care. Pati po si Dad."

"I love you baby, ok bye na anak. Ingatan mo sarili mo jan ha. Don't stress yourself kasi wala ako jan pag sinumpong ka." I heard her cry even more. "Yung baby mo. Alagaan mong mabuti kalusugan mo para sa kanya at para samin ng Daddy mo." Napatango-tango ako na parang tanga kahit alam ko namang hindi niya yoon makikita.

"Yes mom, thank you. Bye." I ended the call, ako na nagbaba dahil may kumukurot sa puso ko.

Pinunasan ko ang luha ko at pinilit ibalik yung ngiting kayang magtago ng lungkot at puot na siyang totoo kong nararamdaman.

Napagpasyahan kong bumalik na lang sa hotel, kasi 'di ko rin alam paano ako magsisimula maghanap ng trabaho.

"Ay excuse me miss! Miss!" napalingon ako sa likuran ko, assuming na kung assuming pero feeling ko naman ako yung tinatawag e.

"Miss naiwan mo oh!" nagbaba ako ng tingin sa inaabot niya sakin at agad na kinapa ang bulsa ng pantaloon ko. Oh my god, juice colored muntik ko na mawala phone ko. Hay naku Belle ang tanga tanga mo talaga!

Agad ko itong tinanggap. "Thank you ah." Nginitian ko siya. Buti na lang mabait ang nakakuha, pano kung hindi edi sana wala na akong pangcontact kay Mommy. Tsaka sapat na lang natitirang pera ko para sa mga expenses ko araw-araw, kulang na nga kung cash ang pagbabasehan.

"Ay ano ka ba! Ok lang yun. Ako nga pala si Alexa." Sabay lahad niya ng kanyang kamay. Agad ko namang tinanggap iyon.

"Belle po, uhmm paano niyo po nalaman na--"

"Ah pasensya ka na, nasa tabing table mo lang kasi ako kanina. Narinig ko kasing nagtatagalog ka nung may kausap ka sa phone kaya nalaman kong Filipina ka, half siguro noh?"

"Ah haha opo, half po. Ikaw po? 'Di ko rin po napansing Filipina ka kanina."

"Ikaw naman haha syempre maganda ang lola mo!" napatango-tango na lang ako upang sumang-ayon. Dahil maganda naman talaga siya, makinis, maputi at blonde ang buhok. Deep brown pa ang mata kaya 'di mo talaga mapaghahaataang Filipina. "Pure ako Belle, muka lang may lahi kasi lagging nalalahian ng may lahi haha." Wait lang, ano daw?

"Ikaw naman, joke lang! Sabi kasi nung mama ko ung lolo daw ng lolo niya na lola ng lolo ah basta ewan, batsa ung ninuno daw nila ay mga espanol haha.

Alam mo na... yung mga sumakop dun sa bansa natin, eh siguro malandi ung mga ninuno ko kaya ayun! Nagpatira siguro haha." Pagdadaldal niya habang naglalakad kami. Ang saya niya kasama, nakakatawa or nakakatuwa haha whatever. Tawa lang ako ng tawa habang salita naman siya ng salita.

"Libre kita tara kain muna tayo, wala kasi akong friend dito na totoong friend talaga. Umaasang makakahanap haha." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako na para bang close kami.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon