Chapter 7

2.8K 41 18
                                    

BELLE

Pinosasan nila ako, piniringan at nilagyan ng takip ang bunganga bago ilabas sa tinutuluyan kong silid. Kinaladkad nila ako hanggang sa tumigil kami, dahil siguro'y narating na namin ang sinasabing bidding room. Ramdam ko ang kaba sa bawat hakbang na tinahak papunta dito. Lalong umiigting kada may naririnig akong kaluskos o ingay, tuloy-tuloy ang pagragasa ng luha sa aking mga mata at labis-labis na takot at pangamba ang aking nadarama.

Rinig ko ang pagbukas ng isang malaking pintuan, alam kong malaki iyon kahit hindi ko nakikita sapagkat malaki ang tunog nang binuksan ito. Itinulak ako papasok na halos matumba ako dahil sa hindi ko makita ang daan. Paghakbang ko'y inalalayan ako papasok. Bahagya kaming tumigil at, halos magulantang ako ng naramdaman ko ang pagdampi ng isang napaka talim na bagay sa aking tagiliran. Kasabay noon ang pagbulong sa akin, "Impress them darling." Tumango lang ako bilang tugon.

Tinanggal ang piring sa mga mata ko at bumungad sa akin ang nakasaradong pintuan sa harap ko. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang pintuang pinanggalingan namin, medyo malaki nga ito.

Isinuot nila sa akin ang isang maskara, kapalit ng tinanggal nilang piring sa aking mga mata.

Tumungo sakin ang apat na babae at kinaladkad ako papunta sa nakasaradong pintuan at binuksan ito. Pilit akong pumipiglas at kumakawala. "Entertain them or I'll kill you?!" Sigaw ng babae kasabay ng pagtutok ng baril sa akin. Wala akong nagawa, tanging ang luha ko lang ang tumutugon sa bawat kilos o salita na ipinapataw nila.

Hanggat sa nakatapak ako sa loob ng silid, malaki ito at puro kulay puti. Puro kulay puti kung saan sa angulo ng pagpasok ko'y nakaharap ang walong lalaki na naka-upo sa tigiisa silang malalaking itim na upuan, ang iba'y umiinom at ang iba nama'y naninigarilyo. Binaling ko ang paningin ko sa kanang bahagi ng silid at nakita ang walong kahon din ng pera na may digital counter. Tumingala ako at natanaw ang mataas na kisame na may nakasabit na mamahaling chandelier.

Bumalik ako sa aking wisyo ng itulak ako papasok sa silid kasabay ng pagtanggal ng posas sa aking mga kamay. Pumasok din ang babaeng na manager at umupo sa harapan sa kaliwang bahagi ng silid at harap ng maliit na stage kung saan nakaharap ang walong lalaki.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna. Rinig ko ang salita ng babae sa earphone na kinabit sa kanang tainga ko kanina. "Dance" sabi niya ng paulit-ulit galing sa earphone ngunit nakatayo lang ako sa gitna. Para akong tanga na tinititigan ng walong makikisig na lalake sa aking harapan. Matatalim ang titig nila sa akin na pawa bang hinuhubaran ako gamit ang kanilang mga mata.

Lalong umigting ang kaba ko nang

maagaw ng lalakeng naka-upo sa ika-apat ang atensyon ko.

Kilala ko siya.

Ngunit hindi ko alam kung anong pangalan niya, hindi ko matandaan kung kelan o paano. Pero ang alam ko'y kilala ko siya, dahil namumukaan ko siya.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking nasa pangalawa nang magsalita ito. "C'mon! Show us what you've got babe!" Sabi niya habang pumapalakpak. Kasabay rin naman nun ang boses na naririnig ko sa earphones.

Nakakatakot sila. Para silang naka droga. Umabante ang lalakeng nasa pangalawang upuan at hinawakan ang parang joystick sa harapan ng upuan niya, na sa palagay ko'y controller ng digital counter. Mariin ang pagkatitig niya sakin, kasabay ng paghithit niya sa kanyang sigarilyo.

Bumaling ang tingin ko sa pangatlo, mas muka siyang adik sa iba. Naka blazer lang siya at kitang-kita ang siksik niyang mga bisig at agaw pansin ang 8packs abs niya. Andaming nakasabit sa kanyang ginto, at may hikaw sa kanang tainga. Nakakatakot, ayoko na. Ayokong mapunta sa kanila, baka anong gawin nila sa akin.

Bumaling naman muli ang tingin ko sa lalaking nasa gitna, ang pang-apat. Alam ko, kilala ko ang mga matang iyon. Simple lang siya, naka tuxedo lang na pawa bang makikipag business meeting. Napaka pormal niya, may hawak lang siyang wine glass at napaka elegante ng kanyang mga galaw. Para bang no extra unnecessary movements at nakatitig lang siya sa akin.

Sinimulan kong igalaw ang aking balakang, sumabay doon ang mga tunog ng mga batong naguumpugan sa aking palda. Nabasag ang katahimikan sa buong puting silid sa tunog na nanggagaling sa akin. Itinaas ko ang aking kamay habang gumigiling, hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa bawat galaw ko. Nakatitig lang ako sa kanya, sa kanyang mga mata at ganun rin siya sa akin.

Nanlalamig ang buong katawan ko, sobrang kinakabahan, sobrang natatakot at sobrang nangangamba.

"Take off your mask darling." Sabi ng boses galing sa linya. Kaya't dahan-dahan ko itong tinanggal habang nakaderetso ng tingin at tinitigan sila isa't-isa. Nang tuluyan ko itong matanggal ay nagtama ang aming mga mata. Laking gulat ko ng malaglag ang perpektong strakturang panga niya.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanya. Maaari kayang kilala rin niya ako?

Sumeryosong muli ang kanyang muka, uminom siya sa iniinom niya. Nabaling ang mga mata ko sa kanang bahagi ng silid at nagulat ako sa mga nakita kong halaga sa bawat kahon. Ang pangalawang kahon ang may pinakamataas na bet.

Kahalahating milyong dolyar. Lalo akong natakot, walang pagdududa na malalaking tao ang mga nasa harap ko ngayon. Paano kung ang iba dito'y business partner ng daddy ko? Patay na.

"Take off those lil piece of shit honey!" Sigaw ulit ng nasa pangalawang upuan. Sumunod muli ang boses galing sa kabilang linya na nagsasabing hubarin ko raw ang aking damit.

Dinapo ko ang kamay ko sa strap ng bra na pinasuot nila sa akin, itoy kumikinang-kinang dahil sa mga nakasabit na bato. Dahan-dahan ko iyong ginawa ng may luha sa mga mata, nagaalangan sa bawat kilos.

Bago pa man matanggal ng tuluyan ay....

Nagulat ako ng may nagalarm. Nabaling ang atensyon ko sa pinanggagalingan ng buzzer at nakita ang kulay red na ilaw sa digital counter ng box number 4.

Natigilan ako sa pag-alis ng saplot ko at binaling ang paningin sa lalakeng misteryoso na nagmamay-ari ng kahong iyon. Umilaw rin ang controller ng upuan niya. Nakita ko ang pag-sapu niya sa kanyang noo at paghinga ng malalim, kasabay ng pagtungga sa kanyang inumin.

"What the heck was wrong with ya?! She haven't...!" Sigaw nung lalakeng pangalawa sa pang-apat, ngunit para itong wala lang narinig. Hinila palabas ng bidding room ang lalakeng pangalawa ng mga bouncer dahil nagsimula na itong magskandalo. Nagsitawanan naman ang iba. Tumayo ang babaeng nasa harapan at nagsimulang tumungo sa lalakeng misteryoso.

"Buzzer beater huh?" Sabi niya sa lalaking pang-apat habang natatawa-tawa. Nagsimula ng magsialisan ang iba, at isa-isang nilabas ang mga kahon at isinunod sa bawat isa. Naiwan ang lalakeng pang-apat pati ang kahon niya, at tumayo siya para salubungin ang babae.

"How many months of contract Ms. Styles?" Tanong niya sa manager, parang walang emosyon.

"A total of six months Mr...." Binaling niya ang tingin sa akin bago siya magpatuloy. Tumingin rin sa akin ang lalake. Matalim ang titig niya sa akin, parang may laman.

Parang may nilalaman ngunit hindi ko matukoy kung ano ito.

May laman, ngunit walang emosyon.

Bago pa man ako lumapit sa kanila'y umitim na ang buong paningin ko't kapaligiran.
______________________________________________________________
A/N: Humayghad mga bebelabs! Dito na ang simula, inaasahan ko na sana'y tumuloy-tuloy kayo sa pagbabasa. Aaminin ko, sobrang napre-pressure ang lola niyo! Kasi gusto ko talaga na maging flawless at maisulat ko at mashare sa inyo ng maayos ang mismong nasa utak ko. Kaso ang hirap mga beh... Parang ang ganda ganda pag nasa utak, pero feeling ko di na siya ganun pag naisulat ko na hahaha.

Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE!
Follow me @ladymisss
Try also to read my Chained in Paris!

Your ever magandang author,
ladymisss.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon