1, 2, 3 [f(x)]

92 2 3
                                    

Dedicated to my first ever dongsaeng in wattpad. :)) Sorry pero baka matagalan pa update ko ng Love Odds eh. Kaya naman eto na muna ang idededicate ko sa'yo.

Christmas songfic for everyone! Merry Christmas! :D

____________________________________________________

Gaano ba kahirap ang magkagusto sa taong ni minsan ay hindi ka binigyang pansin? Palagi na lang ba dapat yung taong nagmamahal ang nagpapakatanga at nasasaktan? Kaya ba yung unang nafafall ang natatalo?

Lecheng buhay ‘to oh. Bakit kasi ‘di na lang gawing simple ang lahat? Badtrip.

Echos ng unang paragraph no? Peg yan ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magpaka-emo. Hello? Magpapasko na. ‘Tis the season to be jolly! Ano naman ngayon kung SMP ka? Siya din naman eh. At least, there’s something in common. :P

Sounds bitter daw? Hindi din. Sadyang ganito lang si Dione Nicole Beltran.  Sexy, Free & Single. Oh yes, you’ve heard it right. Lahat ng kaklase ko inuupakan ako dahil sa intro kong yan. Paano ba naman, naiinggit sila. >:))

O sige, seryoso na ‘to. Masaya naman ang mabuhay ng malaya eh. I can do whatever I want. Ma-attract man ako sa sandamakmak na lalaki, walang magseselos. I can fantasize all I want. Tsaka, hindi naman masama yun. Hindi ko naman sila nilalandi, kinokolekta and then itatapon pag nagsawa na. Nangangarap na nga lang eh.

Napakaligaya ko pa nung wala pa akong interes sa tinatawag nilang love… Not until I realized that I’m starting to develop these feelings for him.

3rd week of November 2012. Nagplaplano na ang buong klase ng IV-A para sa Christmas party. Lahat busy sa pagcocontribute ng ideas, except sa lalaking walang pakialam sa kung anong nangyayari sa room. Hindi ko na sana siya papansin kaso nahihirapan ako sa pagtatally ng votes dahil most of the time, almost 50-50 yung nagiging resulta at kailangan ng tiebreaker. Malamang yung desisyon ay nakabatay sa kung anong magiging choice niya. Kaya nang sobrang nairita na ako, binato ko siya ng chalk habang siya’y naghihikab.

YES! 3 points.

Ano bang problema mo ha?

Ikaw. Try mo kayang magparticipate Luke?

Nag-sneer lang siya and laid his head on the table. Sarap pabagsakan ng meteor eh.

Natapos ang araw na yun na tuwang-tuwa ang lahat ng tao, except siguro si Luke. After kasi ng bunutan para sa Secret Santa, para nang pinagsakluban ng langit at lupa.

While we are on our way home, tinatry kong kausapin si mokong. Nagtataka siguro kayo kung bakit kami magkasama no? Pakialis nga muna yung malisya. Kapitbahay ko lang siya. Ang format pa nga eh, katapat ng kwarto ko yung kwarto niya. Mala-“You Belong With Me” MV ba? LOL na lang.

Sige, back dun sa tinatry kong kausapin si mokong. Actually, mukha nga akong baliw dito dahil kinakausap ko lang yung sarili ko. Palagi naman ganun yung nangyayari eh. Kikibuin niya lang ako ‘pag binubwisit ko siya. At ang nakakaasar, ako yung mas nabubwisit dahil nagsasawa na ako sa pang-iinis para lang pansinin niya ako. Peste.

A week after, first day na ng Secret Santa. Something hard. Lahat kami sa room excited na malaman kung ano yung natanggap namin. Kung sila excited, ako naatat. Ang laki kasi ng binigay sa akin ng Secret Santa ko. Nung sinabi na ng adviser namin na pwede na namin buksan yung gift sa amin, agad kong sinara yung gift wrapper. Aaaaand … Nakakadepress yung laman ng box.

OO NGA NAMAN. SOMETHING HARD NGA ANG BATONG PANGHILOD. =____=

The following week, second day ng Secret Santa. Something sweet. Iniisip ko na baka naman trip lang ng Secret Santa ko na magbigay ng bato last week. Pero mukhang mali yung hinala ko. Kalahating kilong asukal ba naman ang ibinigay, tapos brown sugar pa para siguro maiba naman. Wala ata sa tamang katinuan ‘tong taong ‘to eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Melodies of My Heart (COLLECTION OF SONGFICS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon