Let's Talk About Love (Girls' Generation)

116 4 3
                                    

Sis, alam mo ba na-solve na problem naming dalawa ni boyfii. We’re so happy being together again. Sobrang thank you talaga kay lovelight.

Sino naman ‘tong lovelight na ‘to?

Hay nako Bunny dear, kahit kalian never kang nakarelate sa online life ko at sa kahit na sinong taong nag-sosocial media. Bakit kasi sobra mong dinidibdib ang pagtratrabaho?

Kara, alam mo naman na kailangan kong kumayod para mairaos ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo ‘di ba? Hindi na kailangan pang isama sa list of priorities ang bagay na tulad niyan.

Hindi na kailangan pang isama sa list of priorities ang bagay na tulad niyan. Ayan ka na naman eh. Ilang beses ko na ba narinig yan sa’yo? Oh sige, palagpasin natin yan … Paano naman ang lovelife mo? UUSBONG PA BA YAN?

IT’S A BIG DISTRACTION. END OF THIS SENSELESS TALK. By the way, need to go now. Oras na para magbanat ng buto. Bye~

Tsk tsk. Ingat ka.”

Haba ng pag-uusap naming ‘no? I think wasted my time talking to my best friend. Wala namang pinatutunguhan ang conversation naming eh. Babalik at babalik lang lahat sa social networking life ko pati na din sa buhay pag-ibig. Kung nag-aagree kayo sa mga bagay na yon, let me reveal this big secret of mine. >=))

Ma, nandito na po ako!

Buti naman at nakauwi ka na. Tingnan mo ang mga ‘to.” Nakaturo siya sa mga regalo at mga sulat na nakatambak sa tapat ng kwarto ko. “Kailan ka pa nagkaroon ng madaming fans ha? Wala ka namang ibang ginawa kundi humarap sa laptop at magtype.

Alam kong nahihiwagaan kayo sa laptop at sa kung anu-ano pang mga nasaad sa taas. Wag kayong masyadong atat. We’re almost there…

Secret na yun madir. Sige po, off to work!

Pumasok ako sa aking pinakamamahal na “office” habang dala-dala ang mga natanggap ko. Nagmamadali akong nag-on ng laptop at nag-login sa aking blog. Wala palang online life ha? AKALA LANG NG NAKARARAMI YUN. Scroll … Click … Scroll … Uy! Ang daming nagcocomment.

@lovelight Patulong naman po … I’ve been having a lot of problems concerning this heart of mine recently

Madami kayo sa mundong ito actually … ‘Di lang yan ang kailangang problemahin okay?

@lovelight hElLo ph0w. mAih nAhniAriEH ph0w xHaA aMin nI cRuxH!

Nagpalitan kayo ng ka-jejemon-an no? O kaya naman isinumpa ka ng “cRuxH” mo kaya ganyan na lang ang pagkakaspell mo. Sakit sa ulo.

@lovelight Love guru! Maraming salamat ha. Kung hindi dahil sa’yo, sobrang lungkot ko pa din hanggang ngayon. Your words were the cure to my bleeding heart. Nagkabalikan na kami! Sabi niya sa akin, magical daw lahat ng nasabi mo. Again, thank you! Sana makita kita in person. –Kara

For a few minutes, nakakatitig lang ako sa comment niya. Pasensya na kung mag-eexaggerate ako for this moment pero ‘di ko talaga ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko na halos masira na ang desk ko kakahampas dito. Siya ang naging aking inspirasyon sa pagiging @lovelight ko. Now you know.

Ako si Vanessa Hernandez a.k.a Bunny a.k.a lovelight at isa akong blogger. Kaya nga ako nag-login sa blog ‘di ba? Try kong maging isang cook sa blog. Nako, ang corny ko. Tama naman na subsob ako sa pagtratrabaho. Every minute chinecheck ko ang mga pinopost ng mga tao dito at nag-iisip ng mga solusyon sa mga problema nila. Trabaho ko ang problemahin ang problema ng ibang tao. Alam ko burdensome ‘to, pero ayos lang. Malaki naman ang kinikita ko dito at madami pang bonus. Biyaya naman ng isang aking masugid na tagahanga ang laptop ko. Dati kasi, sa computer shop lang ako nag-oonline.

Melodies of My Heart (COLLECTION OF SONGFICS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon