Gotta Be You (One Direction)

117 8 3
                                    

Can we try one more time to make it all better?

Sa tanong na ito nakafocus ang utak ko ngayon. 'Di lang ata yun, pati na din ang puso ko. Wala na kasi akong nagawang matino sa mga relasyon na pinapasok ko. Matatapos ko na ata ang alphabet sa listahan ng mga babaeng napaiyak ko. Ang kulang na lang ... letter Z. At kung kailan nasa huli na, dun pa ako natutong magseryoso. Sira ang record ko ...

Nagsimula lahat ng 'to nang magkaroon ng pustahan between me and my bestfriend or should I say beast fiend na si Ian. Kung hindi lang siya gago nung time na yun, eh 'di sana 'di niya nakuha ang title na yun.

"Xander! Congrats nga pala sa break-up mo with your 25th ex." Sinabayan pa ng isang malakas na hampas sa balikat.

"Salamat."

Alam kong nakapagtataka ang pagpapasalamat sa isang bagay na dapat ay nakakaasar. Pero dito kami nagkakasundo ni Ian eh. Ang paglaruan ang puso ng mga girls sa campus. Hobby na namin yun ever since Grade 6. Nakakabagot na kasing tingnan ang koleksyon ... Kaya dapat gamitin paminsan-minsan at 'pag napagswaan, ibabalik sa kinalalagyan at maghahanap ng ibang mapaglilibangan.

"Xander, Xander ..."

"Ano?"

"See that girl?"

Nakaturo siya sa isang plain-looking student. Long, straight black hair, tall, slim ... Perfect na sana kaso panira ang bangs na halos matakpan na ang mata niya at ang useless round eyeglasses.

"What's with her? Don't tell me trip mo siya?"

"Hindi." Accompanying his answer with a poker face.

"Ano'ng meron sa kanya?"

"Top 2 of the batch, most of the people in here call her 'freaky nerd' because of the spooky aura she gives."

"Ano'ng gagawin ko sa info na 'yan?"

Then he gave out an evil smile. And I think I know what he's trying to tell me.

"And there you have Ysa Concepcion, your 26th would-be girlfriend and soon-to-be ex."

Silence. Then it broke when I started laughing my ass off. Isang malaking joke ang nagyayari ngayon.

"Ysa Concepcion? Sigurado ka ba o namamalik-mata ka lang? Bakit mo naman napili ang isang 'freaky nerd' para sa akin?"

Tapos siya naman ang  tumawa. Ang galing niya ha. Trying to pull off some corny prank on me.

"It's a challenge. You never had one of her type right? Try and see it for yourself. Kapag 'di  nahulog ang loob niya sa'yo, I'll call a gay and send it to your house to let it stay in your room the whole night. and if she falls, apply the punishment to me. Deal?"

Kahit lahat ng lamang-loob ko tumatanggi ... Wala akong magawa, puri at pagkalalaki ko ang nakasalalay dito. It's now or never ...

"Deal."

_____________________________________________

Bakit ba kasi sa lahat ng babae sa campus, si Ysa pa? It's been two weeks since I've made the deal with Ian and yet nothing has been done. 'Di ko kinakaya ang aura niya ... Parang anytime kasi, masisira ang image ko as the Cool Prince dahil mahahawa ako sa ka-nerdihan niya.

I'm just stalking this plain girl for some stupid game with a hateful guy. Wala naman akong ibang napapansin kundi palagi siyang nagbabasa sa library ng advaced topics.

Melodies of My Heart (COLLECTION OF SONGFICS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon