Say Yes (Girls Generation)

65 3 21
                                    

Gonna dedicate this to another reader. I hope that you'll continue supporting my works. :D

Songfic collab namin ng high school friend ko na kapwa SONE. Actually, 2011 pa namin nagawa 'to eh. :)) Enjoy reading :D

-------------------------------------------------

Boy, I see you walking by everyday...

Papunta kami ni Mr. J sa paboriong tambayan namin... ang park. Nagtataka ka siguro kung sino si Mr. J. Well, siya lang naman ang bisikletang regalo sa akin ni Papa the day bago siya mamatay. Mr. J stands for Mr. Jacinto. Naniniwala kasi ako na whenever I'm with this bike, my father's guiding soul is with me also. Weird na kung weird.

Narating na namin ni Mr. J ang aming destination. Agad akong umupo sa swing. Ewan ko ba kung bakit dito ko napiling tumambay araw-araw. Pwede naman sa mga bench, kung saan pwede akong makisalamuha sa ibang tao. Siguro gusto ko lang mapanood maglaro ang maraming bata. Siguro, I just found my own little world in this swing.

So just stop ...

Eto na nga. Literal nang tumigil ang mundo ko. Pati ang walang-sawang pagswing ko dito, tumigil din. He's standing right there... walking slowly... making my heart skip a beat. He's the prince charming on my own little dimension.

Matagal ko na siyang napapansin. Matagal ko nang hinahanap ang profile niya sa FB. Matagal ko na siyang pinagpapantasiyahan. Stalker na kung stalker. Ganito yata talaga 'pag tinamaan ka ng sobra-sobra. Kung pwede lang ligawan siya, matagal ko ng ginawa. Kahit ilang oras, araw, linggo, taon o dekada pa, handa akong maghintay mapa-oo ko lang siya. Kung hindi lang awkward aminin sa kanya... Pero wala. We're just mere strangers to each other.

In the name of love...

Here he comes. He's staring at my direction. 

Oh my!

Sa akin ba talaga siya nakatingin?

Ayos ba hitsura ko?

Hala!

Hindi ata ako nagsuklay.

Masyado bang maputi ang mukha ko dahil sa powder?

Grabe! Mamamatay na ata ako!

Pero fail. Sa kabilang dulo ng swing pala siya nakatingin. Grabe naman akong mag-assume. Sino nga ba naman ako? Bakit niya ako titingnan? 

Ako, lagi ko siyang pinapansin. napansin niya kaya ako for once?

That's a one big hell of a NO.

I resumed to my swinging. Wala ng sense kung titingnan ko siya.

At bakit naman sense ang hinahanap ko?

 Dapat tapang, 'cause I can't find the courage to look at him.

Wala na. Unti-unti na atang gumugujo ang mga pangarap ko. Mga pangarap na binuo ko... para sa akin ... para sa kanya... para sa aming dalawa...

And...

After a few minutes ng pagpity ko sa sarili ko, napatingin ako kay Mr. J. 

"Mr. J, tulungan mo naman ako."

Bigla kong napansin ang embroidered na pangalan ko sa basket ni Mr. J. Naalala ko yung favorite motto ni Papa. 

Try and try until you succeed.

Korni man, pero useful at times. Ika nga, there's no harm in trying.

Nilunok ko na ang lahat ng hiya ko. Tumungin ako sa kanya. This maybe my last time to stare at him. My jaw dropped. Gusto ko man pulutin, hindi ko magawa. I feel like melting 'cause he's staring at me.

Sinampal ko ang sarili ko para magising ako. Baka naman naiwan pa ang diwa ko sa pag-illusyon ko. But no... This is for real!

"Say..."

"Yes?!"

Melodies of My Heart (COLLECTION OF SONGFICS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon