Wizards 5- Attacked

51 0 0
                                    

Reisha's POV

Nakakahiya ako lalo na pag magkatabi kami ni Ayumi

"Ayumi Sanchez is the name. What's yours?" nakangiting tanong nya sakin

"Err.. Reisha Alvarez nga pala."

"Wow ang ganda naman ng pangalan mo Rei!"

Huh? Paano nya nalaman yung nickname ko?

"Oh ano Rei tara?"

"Ah.. oo sige"

Hinila nya ulit ako para makapasok sa kwarto. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng amoy ng lavender sa loob. Sa loob, mapapansin mo agad ang mga disenyo na katulad sa mga napapanood ko sa tv. Sa sahig naman, may design ng embled ng school.

Pero kahit na naaaliw ako sa mga nakikita ko sa mundong to, hindi pa rin mawawala sa'kin ang pagkabahala, hindi lang sa paligid ko kung hindi pati na rin sa sarili ko. Para sa ordinaryong tao na tulad ko na naniniwalang walang magical world, nahihirapan akong itatak sa kukote ko na kailangan kong makibagay dito para mabuhay.

"Rei, ayos ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan yung kwarto natin?" nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Ayumi, ngumiti lang ako sa kanya ng pilit habang umiiling.

"Hindi, nagustuhan ko. Ang ganda." pag-amin ko.

"Masyado kang pre-occupied, may problema ba? Tara pag-usapan natin." ngiti niya sa'kin sabay upo sa kama, tinapik niya pa ang kama, senyales na umupo ako sa tabi niya. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Uhm.." hindi ko masabi sa kanya, medyo nahihiya pa rin kasi ako sa kanya.

"Alam kong hindi ka pa sanay ma mundong kinabibilangan namin kaya humihingi ako ng pasensya. Mahirap tanggapin sa una pero habang tumatagal, hindi mo alam napapamahal na sa'yo ang Lanforta. Nanggaling din ako mula sa lugar kung saan ka galing pero hindi ganun katagal. Mas matagal akong namalagi dito. Ay sorry ang daldal ko! Pasensya na ah, nakakahiya tuloy!" nakadaop pa ang palad niya kaya naging mas cute siya tignan.

"Ayos lang, ang cute mo kaya!" sabay kurot ko sa pisngi niya.

"Ay! Grabe, wag naman yung pretty rosy cheeks ko, Rei!" sabay tawa ni Ayumi.

"Sorry kung kailangan ko pa ng kaunting panahon para makapag-adjust dito. Pati tuloy kayo napeperwisyo."

"Sus! Hindi ka perwisyo sa Wizards Academy. Tandaan mo yan, Rei, lalo na sa'kin!"

"Salamat." sagot ko

"Ay oo nga pala, anong magical power mo?" nakatagilid pa ang ulo niya habang nakangiti. Ahhh! She looks so adorable! Nakakalimutan ko tuloy yung pangangamba ko.

"Water element user, ako." sabay pakita sa kanya ng maliit na sapphire stone na nakatarak sa braso ko.

"Water user?! Napaka-rare naman! Never pa ko nakakita ng water element crystal na taglay ng mga nasa higher rank. You're special!" sigaw ni Ayumi sabay yakap sa'kin pero saglit lang iyon dahil nilingon niya ko ng may nag-aalalang itsura.

"Natawag mo na ba ang keeper of power mo? You can't control your water spells unless you don't have your own Water Keeper. May sabi sabi na namamatay ang mga witch o wizard na hindi karapat-dapat sa paninilbihan nila." paalala nya.

" Hindi ko pa nasa-summon and yeah, I know already." sagot ko sabay higa sa kama. Nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko.

"You should rest now, I know you're tired. Good night, Rei." hinaplos niya ang buhok ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng antok. Dahan dahang lumalabo ang paningin ko hanggang sa wala na akong matandaan....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wizards Academy (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon