Chapter 5.1

397 7 0
                                    

Clhoes’ POV

Nag-iintay ako ngayon sa cafe kung saan ime-meet ko ang isa sa mga taong hindi ko mapag-kakailang kinaiinggitan ko ng sobra-sobra. Grabe hindi niyo naman kasi ako masisisi. Feel ko talaga kasing gusto siya ni Meg eh. Sabagay ano nga bang hindi niya magugustuhan kay Keira? Maganda, mabait, matalino, sexy at higit sa lahat may common sense.

Eh ako?

Simple lang, average student, hindi naman ganung kaganda, hindi rin naman ganong kadamot. Hayy, sana ako na lang siya. Nakakainggit, ano nga rin ba ang hindi niya pedeng magustuhan kay Meg? Varsity, pogi, mabait, mayaman at higit sa lahat laging nasa tabi niya. Akala lang nila hindi halata pero mukha silang dream couple kung titignan.

Meg, ang nag-iisang inspirasyon ko kung bakit ako nasa cheering squad, ang taong gusto ko at ang taong patuloy na nag-bibigay sa’kin nang rason na humawak lang at wag mawalan ng pag-asa.

Nagulat na lang ako ng biglang may babaeng pawis na pawis at mukhang 30 miles ang tinakbo pero maganda pa din :|. Keira? Ow anjan nap ala siya. Sinalubong ko siya.

“So? Are you okay? What’s your order?” –tanong ko, mukhang napagod siya ng sobra eh.

“Ahmmm. Hu! Napagod ako dun! Okay lang naman! Sige cinnamon cake na lang tsaka strawberry shake.” –Okay tandaan, ang gusto ng lalaking gusto ko ay cinnamon cake at strawberry shake.

“Okay. Ahmm treat ko nga pala. Upo ka na lang dun sa tabi.” –ako, ako na rin ang nag-bayad at um-order ng kakainin namin, ginaya ko na lang siya kahit ayoko talaga ng cinnamon. Bumalik ako sa upuan dala ang order namin.

 “So? I guess you should open up some thing?” –pag-sisimula niya ng topic.

“Ah yeah. I have a problem, I think I really like someone and so close I think i’m almost obsessed with him. I’m always following him whenever he go and I really like to kill someone whenever I see him happy with that girl. I think i’m getting paranoid.” –para kong si Nicki Minaj sa sobrang tulin ng pag-kakasabi ko eh.

“Uhh c-can I know who is he?” –tanong niya, sabagay kung mag-papatulong ako eh dapat malaman niya.

“Meg, Meg Mendoza, our varsity leader. I’m getting obsessed with him please help me how to control my feelings.”

“Pffft! Haha! Si Meg ba kamo? Ahahaha!” –ano? Natawa ba siya?!

“Why? I think he’s nice and cool.” –relax lang. Pasalamat siya may kelangan ako sa kanya.

“Sabagay, ganto na lang. Wala naman kaseng masama mag-kagusto sa kanya eh. In fact he’s really nice and cool. Just try to be more realistic na wala ka pa naman kasing karapatan sa kany so try to hide it first. :))” aray, ang sakit naman non wala akong karapatan.

“Yeah I know but do you think you can help me? I mean you and Meg are close and I think you can give me some tips to be Meg’s ideal girl.”

“Ahmmm hindi ako sure eh pero ang alam ko, gusto niya eh simple land, walang arte sa katawan, madaling lapitan, palatulong at higit sa lahat, mabait.” –sabi niya.

“Parang ikaw lang ba?” –hindi ko alam pero parang gusto ko ng umiyak. Naiinggit talaga ko sa kanya eh, alam ko kasing siya lang ang babaeng pinag-tuunan ng ganong pansin ni Meg.

“Ha? Ah eh. Wala namang gusto sa’kin si Meg ‘noh. I’m sure magugustuhan ka niya kung makikilala ka pero tip lang ha. Ayaw niya sa babaeng papansin eh.” –papansin? So delete na ang plan A. Bawal palang mag-papansin.

“Ah sige bye Clhoe! Next time na lang thanks sa treat ha!” –eh? ‘yun lang at umalis na siya.

So ano nga bang gagawin ko help please. Gusto ko talaga siya eh.

---------------

Clhoe :))

Her Last 30 Days (short-story) {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon