KATANAYA
“Magsi layo na kayo sa lugar na to!”
Nag kakagulo ang mga magicians dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Laganap ang sunog sa paligid nagkalat ang mga halimaw, nagwawala ang kapaligiran tila parang may sariling utak ang mga ito at namiminsala sa paligid.
“Kunin nyo ang mga bata ilayo nyo sila at dalhin sa ligtas na lugar!” Malakas na sabi ng isang babae na nangunguna sa kanilang lahat
“Ano bang nangyayari?!”
“Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ito na, ito na ang Code na sinasabi niya,” sagot sa kaniya ng babae
“Anong Code?”
“Hindi mo ba naiintindihan?! Namatay sila ng dahil saakin at wala manlang akong nagawa para tulungan sila! Sa harapan ko mismo sila namatay at ito ang kapalit ng pagiging makasarili ko.”
Garalgal na sabi ng babae habang sunod sunod na tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. Walang mapagsidlan ang sakit na nadarama niya. Punong puno ng hinanakit ang kaniyang puso, hinanakit para sa pagiging makasarili niya
“KATANAYA!”
Napalingon sa likod ang babae dahil sa narinig niya ang kaniyang pangalan at halos tumigil ang mundo niya kasabay ng panlalaki ng kaniya'ng mga mata ng makita ang paparating na palaso sa harap niya.
“KATANAYA!”
Hingal na napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang tumululong malalamig na pawis sa noo ko.
Nanaginip nanaman ako at hindi ito basta basta isang panaginip kungdi isang pangitain.
Meron akong kapangyarihang makita ang nakaraan at hinaharap at noong unang beses kong magamit ang kapangyarihan ko na ito ay may nawalang napakahalagang mga tao sa buhay ko. Napahilamos nalang ako sa aking muka at kinalma ang aking sarili.
Nakatira ako sa Enchanted World kung saan lahat ay mayroong kapangyarihan mapa-element ‘man yan o ability. Wala akong maayos na tirahan dahil palaboy lamang ako minsan nakakakain madalas hindi.
Ang Enchanted World ay nahahati sa tatlong uri ng mga magicians habang pinamumunuan naman ito ng isang Reyna na ni isa ay walang nakakakilala at ang tanging kilala ng marami ay ang mga council na iginagalang ng lahat.
High class ang nangunguna sa mga magicians dito sila ang mga magicians na ipinanganak palamang ay suwerte na dahil nabibilang sila sa matataas na pamilya. Kahit na ability lang ang kapangyarihan mo ay walang mang-mamata sayo dahil takot sila na gantihan ng pamilya nito. Which is I find it unfair.
Pangalawa naman ay ang Middle Class, karamihan sa mga magicians na nabibilang dito ay nakaangat sa buhay sa madaling salita ay nagsikap at umagat sa buhay samatalang ako kahit anong pagsisikap ko ay wala dahil nabibilang ako sa low class.
Ang kahit na sinong mabilang sa low class ay binansagan nilang patapon, pulibi at walang mararating sa buhay. Yan ang tingin nila saamin kaya kapag ako ay nagpupunta sa Middle Town tinitignan nila ako ng buong pandidiri at paaalisin sa lugar nila.
That is why life is so unfair. Hindi nila kami binibigyan ng pagkakataon na magbago at umangat sa buhay basta ang tingin nila saamin basura. Napabuntong hininga nalamang ako, naikalma ko narin ang sarili ko hindi ko na muna iisipin ang napanaginipan ko Bumaling sa kabilang gilid kaso-“ARAY!”
Kung hindi nga naman ako makakalimutin! Sa itaas ng puno nga pala ako natulog kagabi kainis!
“A-aray! Ang tanga mo naman Katanaya!”
Panenermon ko sa sarili ko habang hawak ang balakang at tumayo. Pinagpag ko ang damit ko kahit madumi na ito. Oh diba another katangahan nanaman tsk.
BINABASA MO ANG
CODE SERIES 1: Hero[COMPLETED]
FantasyCODE SERIES #1 Katanaya Sandoval ang nag iisang tagapagmana ng pamilya Sandoval. Pamilyang kinatatakutan ng marami dahil sila ang kanang kamay ng Reyna. Ngunit ang lahat ay nagbago nang mamatay ang kaniyang magulang at mapadpad sa Low Town kung saan...