Dahil sa narinig ko na isa itong survival game ay agad na akong tumalikod. Mahal ko pa buhay ko diko kailangan niyan at isa pa mas maayos ang buhay ko dito. Maayos nga ba?
Naglakad ako patungo kila ate Jean para sana kamustahin sila ang kaso ay napahinto ako ng kumulo ang tyan ko sakto na pagtingin ko sa harap ay tindahan na yon ni aling coring na madalas kong kinakainan kapag nagkakaroon ako ng ted money.
Napangiti ako ng makita kong papalabas si aling coring. “Aling co-ring,” pahina ng pahina kong sabi ng makita ko ang naging reaction niya. Nang makita niya ako ay agad na nanglaki ang mata niya at lumabas ang usok na puti sa katawan niya kaya pasimple kong ginamit ang kapangyarihan kong hangin para hawiin ang smoke power niya at bumagsak ang balikat ko ng makitang sarado na agad ang tindahan niya.
Ganon ba sila ka takot saakin? Napatingin ako sa paligid ko at ako nanaman pala ang center of attention kahit pa na naka hood ako ay alam kong kilala nila ang cloak kong sira sira. Nagsiiwasan sila ng mga tingin at bumalik sa paglalakad patungo doon sa tauhan ng Reyna.
Kahit na masakit ay diko nalang sila pinansin.
“Kung sino man ang sasali sa paligsahan ay maaaring magkaroon ng magandang buhay o di kaya ang mapabilang sa high class kung siya ang papalarin.”
Napatigil ako sa paglalakad ng muling magsalita ang lalaki na may black na buhok. Merong parte sa puso ko na gustong muling mapabilang sa high class, bakit?
Kasi gusto mong malaman kung sino ang pumatay sa magulang mo at kung bakit sila pinatay
Napakunot ang noo ko dahil sa nakuha kong sagot sa sarili ko muka nanamanan akong tanga kainis Katanaya naman eh!
Valerie....
Muli akong napatigil sa paghakbang ng mabanggit sa utak ko ang pangalan ng kababata kong si Valerie. Tama sino nga ba si Valerie? Ang alam ko nakilala ko siya sa high class at pusibleng doon siya nakatira at malayang namumuhay doon.
Muli kong naalala ang sinabi saakin nila Mama at Papa tungkol kay Valerie ngunit napangiwi ako ng tumunog ang tyan ko dahil sa gutom
“Maaari ka ring kumita ng malaki sa game yun ay kung mabubuhay ka sa part 1 palang.”
Hindi ko na napigilang tumingin sa dalawang tauhan ng Reyna at nakita kong nakatingin saakin yung may dilaw na buhok kaya napataas ang kilay ko. Lumaban ako sa kaniya ng tingin dahil mukang nakikita niya ako dito sa loob ng hood ko maybe ability niya yon. Mas lalong napakunot ang noo ko ng tumingin din saakin ang may itim na buhok
'Ano sasali kaba? '
Nagulat ako ng marinig muli ang boses ng lalaking iyon sa gilid ng tenga ko, hindi siya katulad nung ginagamit niyang telepathy saaming lahat. Napatingin ako sa gilid ko at wala namang tao doon kasabay niyon ang pagtatayuan ng mga balahibo ko
“So! Sino ang gustong sumali sa inyong mga taga low town?!”
Napaisip ako dahil sa sinabi nitong muli. Napahawak ako sa tyan ko na kumukulo nanaman. Gutom na gutom na ako alam ko, kapag sumali ako magkakaroon ako ng magandang kinabukasan. Kapag sumali ako at nanalo malalaman ko ang sagot sa mga katanungan ko tungkol sa magulang ko at mas lalong maari ko ng makita si Valerie
Napatingin ako sa paligid. Nagbubulungan lang sila tungkol sa anunsyo na yon at ni isa ay walang balak na sumali. Naiintindihan ko sila, isa kaming low class at mahihina ang kapangyarihan. Pero ako galing akong High class, isa akong anak ng purong high class
Muli akong napatingin sa dalawang lalaki na hindi gaanong malayo saakin. Sasali naba ako? Pero ang tanong kakayanin ko ba? Sapat na ba ang pagsasanay ko mag isa?
BINABASA MO ANG
CODE SERIES 1: Hero[COMPLETED]
FantasyCODE SERIES #1 Katanaya Sandoval ang nag iisang tagapagmana ng pamilya Sandoval. Pamilyang kinatatakutan ng marami dahil sila ang kanang kamay ng Reyna. Ngunit ang lahat ay nagbago nang mamatay ang kaniyang magulang at mapadpad sa Low Town kung saan...