NAALIMPUNGATAN ako ng masakit ang buong katawan ko. Feeling ko sumabak ako sa marubdubang pakikipaglaban sa sakit niyon. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong saakin ang kalangitan, nag aagaw kulay kahel na ang kalangitan-Teka! Kalangitan?!
“A-argh!”
Agad akong napaupo dahil sa gulat pero dahilan iyon para mapadaing ako sa sakit ng katawan ko. Ano bang nangyayari? Dahil sa tanong na yun ay sunod sunod na bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina, oo nga pala nadala ako ng sakit at galit kanina hindi ko nakontrol ang sarili ko at nakagawa ako ng mga hindi tama
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa paligid pero ganon nalang ang gulat ko ng sumalubong saakin ang malaking pinsana ng kagubatan-a-ako ang may gawa nito.
Dahan dahan akong tumayo ay at kitang kita ko ang putol putol ng mga puno kung hindi man putol ay wasak ang mga dahon at sanga o di kaya sunog at lagas lagas na. Parang may labanang naganap sa paligid ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at kitang kita sa liwanag ang pinsalang nagawa ko, uka-uka din ang mga lupa dahil sa paghahagis ko ng kapangyarihan. Unti unti naring tumulo ang luha ko dahil sa nagawa ko. Napatingin ako sa itaas ko at nakita ko ang malawak na kalangitan, kaya pala hindi dapat ganito maraming dahon ang nakakapagtakip sa kalangitan dahil sa naglalakihang puno pero anong ginawa ko? Sinira ko
Napayakap ako sa sarili ko at nag iiyak “K-kasalanan ko to. Hinayaan kong kainin ako ng sakit kanina-nagawa ko pang makasakit ng ibang magicians,” mas lumakas ang hagulgol ko dahil doon.
Dahan dahan akong naglakad papalayo sa lugar na iyon dahil kakainin na ako ng kakahiyan dahil sa ginawa ko. Gubat ang naging tirahan ko noon pa man pero anong ginawa ko? Sinira ko sila
Sa sobrang lalim ng iniisip ko at tulala habang naglalakad ay diko namalayang andito na pala ako sa bayan. Napatingin ako sa paligid pero lalo lang nadagdagan ang hinanakit ko sa puso.
“Halimaw daw si katanaya.”
“Oo nakita ko kung paano niya patayin yung halimaw at sinakal niya rin ang isang Middle Class.”
“Talaga? Balita ko pati si Jean.”
“Oo narinig ko nga na niloko siya ni Jean kaya galit na galit si katanaya.”
Napahigpit nalang ang yakap ko sa sarili ko dahil sa mga bulungan nila saakin. Kung hindi man nagbubulungan ay lumalayo sila na para bang meron akong nakakahawang sakit na walang panlunas. Nilalayuan nila ako na parang may gagawin akong masama sa kanila
Isinoot ko nalang ang hood ng violet cloak ko na butas butas na ang ibaba pero maayos pa naman sa itaas kaya magagamit pa at tahimik na naglakad at tahimik rin na umiyak.
Hindi ko akalain na darating sa punto na lalayuan ako ng mga kapwa ko low class. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito sa bayan pero ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili kong nasaharapan ng bahay nila ate Jean.
Lalo akong napaiyak dahil doon, kahit na nadala ako ng sakit na ginawa niyang panloloko saakin ay hindi ko maitatangi na napamahal na siya saakin para ko naring siyang ate
“K-katanaya?” Napaangat ako ng tingin sa tumawag saakin at nakita ko si ate Jean kaya napaatras ako. Baka galit siya saakin at ipagtabuyan ako o di kaya ipabugbog din niya ako sa kapwa low class dito
Muli akong umatras at tatakbo na sana ng magulat akong sa isang iglap lang ay yakap na ako ni ate Jean ginamit niya ang kapangyarihan niyang speed.
Umiiyak siya “A-ate Jean,” gulat kong tawag sa kaniya at para akong natuod mula sa pagkakayakap niya “P-patawarin mo ako Katanaya! Nadala lang ako ng kahirapan kailangan kong kumita para sa mga anak at kapatid ko alam mo yan!” Umiiyak niya paring sabi saakin
BINABASA MO ANG
CODE SERIES 1: Hero[COMPLETED]
FantasiCODE SERIES #1 Katanaya Sandoval ang nag iisang tagapagmana ng pamilya Sandoval. Pamilyang kinatatakutan ng marami dahil sila ang kanang kamay ng Reyna. Ngunit ang lahat ay nagbago nang mamatay ang kaniyang magulang at mapadpad sa Low Town kung saan...