****
Abalang abalang Nag aayos si Nikki ng mga gamit nya para sa pag alis nya. "Nikki pupuntahan muna namin ang Lola mo sa Cavite ah dadalawin muna namin ng Daddy mo ikaw na ang bahala dito mag ayos ka." Paalala sa kanya ng mommy nya. "Opo Mommy Ikamusta nyo na lang po ako kay Lola ah." Sagot nito. "Melda melda! Tara na at baka matraffic tayo." Sigaw ng Daddy nya. "Sige mauna nakami sige po mag ingat kayo." Bumeso si Nikki sa Mommy nya bago umalis. naiwan si Nikki mag isa sa bahay nila. Ang kuya nya ay nasa seminar ang Katulong naman nila ay nag day off.
Habang nag aayos si Nikki ng gamit ay may Kumatok sa Pinto nila. "Toktok! Tao po." Pagkatingin nya ay si Isabelle. "Isabelle Naku Pasok pasok." Pinapasok ni Nikki si Isabelle sa bahay nila. "Pasensya na hindi ako nakapag sabi na dadarating ako." Sabi sa kanya ni Isabelle. "Ano ka ba ako dapat ang huminge ng pasensya at ang daming kalat dito sa bahay." Habang nag aayos ng mga gamit. "Ay teka lang Juice Juice pala. saglit lang ikukuha kita." "Hindi na Okay lang Nikki." "Hindi sige na saglit lang.
Kumuha si Nikki ng maiinom ni Isabelle sa Kusina. Si Isabelle naman ay naiwan sa sala napansin ni Isabelle na may nahulog na Notebook sa ilalim ng upuan kaya pinulot nya to. Pagkapulot nya dito ay tinginan nya ang labas ng Notebook. "Ang cute naman nito." sa sobrang Curios ni Isabelle ay binuksan nya ang loob ng Notebook ng mabuksan nya to ay nakita nya ang laman. binasa ni Isabelle ang unang pahina ng Notebook. Nagulat ito sa nabasa kaya mas lalo pa syang na curios ng makita nyang paparating na si Nikki ay nilagay nya to sa loob ng Bag nya.
"Pasensya ka na wala kasi yung kasambahay namin eh nag day off. Juice ka muna." "Ah sorry Nikki nagkaroon kasi ako ng Emergency Call sa Ospital eh I have to go salamat sa na lang sa Juice." nagmadaling lumabas si Isabelle ng bahay nila Nikki at sumakay ng sasakyan si Nikki naman ay nagtaka sa biglang pag alis ni Isabelle. "Anong nangyare dun? Sayang naman tong ginawa kong Cake Tinampla kong Juice ako na nga lang kakain tamang tama nakakagutom pagkatapos mag ayos." Bumalik na si Nikki sa ginagawa ng makaalis si Isabelle.
****
Kinabukasan sa Huling araw na ng Pasok ni Nikki sa Opisina nila dahil nga sa pagpunta nito sa L.A. " Sure ka na ba na aalis kana at iiwan mo na kami ni yen?" Tanong sa kanya ni Bella. "Oo nga Nikki mamimiss ka namin ni Bella." 'Grabe naman kayo para namang mamatay na ko at saka may Skype naman, Facebook anong silbi ng mga yan diba." sagot ni Nikki. "Oo nga pala basta mag ingat ka dun ah." paalala ni Bella. "oo naman mag iingat ako tagal kong hinintay to."
Isabelle POV
May dapat nga ba kong malaman? Dapat na ikagalit hindi ko alam kung anong mangyayare kapag natapos ko tong basahin Nikki.
Nang matapos mabasa ni Isabelle ang Diary hindi nya alam ang dapat nyang maramdaman magagalit magseselos o masasaktan kaya agad nyang tinawagan si Nikki. "hello Nik busy ka ba? Pwde ba tayong magkita?' Tanong nito kay Nikki. "Hindi naman may sasabihin ka ba?" sagot naman ni Nikki. "Ah oo itetext ko na lang sayo kung saaan dun na lang tayo magkita." Ibanaba na ni Isabelle ang Cellphone at narecieve na rin ni Nikki ang text ni Isabelle kaya agad nya tong pinuntahan.
Pagdating nya sa Restaurant ay nakita nya agad si Isabelle. "Isabelle kanina ka pa?" Tanong nito. "Oo pero ok lang yun Upo ka." sagot naman ni Isabelle. Lumapit ang waiter sa kanila para kunin ang oreder nila. "Mamaya na lang ako ikaw Nikki baka gusto mo ng Umorder" Tanong nito kay Nikki. "Mamaya na lang rin." "Sige po." sagot ng waiter.
Hindi na nga nagpaligoy ligoy si Nikki at tinanong nya na si Isabelle. "Isabelle bakit mo pala ko gusto maka usap." Tanong nito kay Isabelle. Kinuha ni Isabelle ang ang Notebook sa bag nya at inilapag sa Mesa. "Dahil dyan." Dahan dahan namang kinuha ni Nikki ang Notebook. "Akin to bakit nasayo to at anong dahil dito." Nagtatakang tanong ni Nikki. "Nakuha ko yan sa Ilalim ng upuan nyo noong bumisita ko kaya nagmamadali akong umalis nabasa ko na yung laman nyan." sagot ni Isabelle. Hindi naman alam ni Nikki ang sasagot. "Pero wala na tapos na to at saka matagal na to wag mo ng isipin to." Hinawakan ni Isabelle ang kamay ni Nikki.

BINABASA MO ANG
Fallen In love
Romancekahit na lumipas ang mahabang panahon hindi mo pa rin kaya pakawalan ang taong sobra kang nafall at na inlove