Chapter 5

7 0 0
                                    

Habang nag tatanghalian sina Bella at Yen ay napansin nila na hindi ginagalaw ni Nikki ang pagkain nya. "Kanina mo pa hindi ginagalaw yang pagkain mo." sita ni bella sa kanya. "Wala kasi akong gana." sagot ni Nikki. "Hoy Nikki tigilan mo nga kami impossibleng mawalan ka ng gana noh Tinola yang kinakain mo never kang tatanggi at saka wag ka na nga mag palusot kilala ka na namin ni Yen alam namin kung natatae ka naiihi ka o nagugutom ka kabisado ka na namin ni Yen sige na magkwento ka." sabi sa kanya ni bella. Tumingin si Nikki kay Bella at Yen. "Kaibigan ko nga kayo Bell, Yen alam nya na." sagot ni Nikki kay Bella. "Anong alam nya na?" Tanong sa kanya ni Yen. "Teka Ibig sabihin mo alam na ni Theo na hanggang ngayon Umaasa ka pa rin sa kanya.?" sagot ni Bella. 

Napailing na lang ng sagot si Nikki sa sinabi ni Bella. "Eh ano naman ngayon Buti nga yun alam nya na eh di wala ka ng dinidibdib dyan ngayon alam nya na Umaasa ka parin sa kanya." sabi ni Bella kay Nikki. "Hindi eh hindi lang yun yung nalaman nya. Nalaman nya na rin na hinabol ko sya sa Airport at saka sa Pag Give up ko sa Oppurtunity na magkatrabaho." "Huwhattt!?" Gulat na sabi ni Yen. "Ang O.A mo Yen ah, Nalaman nya na yung ginawa mong katangahan anong sabi nya.?" Tanong ulit ni Bella kay Nikki. Napainom ng Tubig si Nikki at sinabi na. "Na dapat daw hindi ko ginawa yun, Bakit ginawa ko yun, dapt hindi na daw sya yung ginusto ko." "Sinabi nya yun?" Duda ni Yen. "Hindi pero ayun din naman yung sasabihin nya kung binigyan ko sya ng chance makapag salita eh at mag explain eh." sagot ni Nikki. 

Napakamot naman si Bella sa Ulo. "So hindi mo sya binigyan ng chance magsalita at masabi yung gusto nyang sabihin sayo. Alam mo ang tanga mo eh malay mo yung gusto pa lang sabihin ng tao yung babago na pala sa Buhay mo diba at saka malay mo din sabihin nya sayo na Gusto ka rin nya." sabi sa kanya ni Bella. Hinawakan ni Nikki ang Hawak na tubig. "Hindi ayoko na talaga marinig yung sasabihin nya baka mamaya Umasa, masaktan at mag assume  na naman ako tama na yung isang beses na na Friend zone ako Gusto ko na mag Move on." "Wow ah Move on parang naging kayo." Biro ni Yen kay Nikki. "Osige gusto ko na sya kalimutan simula ngayon hindi na sya papasok sa isip ko at wala na rin akong kilalang Theo Rodriguez." Nagkatinginan na lang si Yen at Bella sa sinabi ni Nikki at sinabing "BITTER!." 

Habang napapasarap ang usapan nila bigla namang nagmamadaling tinawag ni Hazel katrabaho nila Nikki si Nikki. "Nikki May poging lalaki sa baba Hinahanap ka sinisigaw yung pangalan mo eh." Hingal na sabi nito. "Huh sino naman kaya yun? Tara Nikki." Niyaya ni Bella si Nikki na Lumabas para makita kung sino ang lalaki.

Walang kamalay malay si Nikki na si Theo pala ang lalaking iyon. "Nikki Please kausapin mo naman ako Pls. Nikki Gusto ko lang makausap ka!." sigaw ni Theo. pero pilit syang hinaharangan ng mga guard. "Sir Umalis na po kayo wag na po kayong manggulo." "Hindi Po saglit lang Gusto ko lang makausap si Nikki hindi ako mangugulo." Pangungulit ni Theo. 

Nang makalabas na si Nikki ay nakita nya si Theo ang lalaki na naghahanap sa kanya. Nang makita sya ni Theo. "Nikki Please kausapin mo ko Nikki! Pakinggan mo lang yung sasabihin ko." sigaw ni Theo tinanong ng Guard si Nikki kung kilala nya daw ba ang lalaki pero hindi nya to pinansin lumapit si Theo kay Nikki. "Sorry ah Pero hindi kasi kita kilala eh pasensya ka na." ng masabi ni Nikki yun ay agad na tong tumalikod. " Nikki naman Oh pagbigyan mo na ko!." Pilit ni theo. "Sir narinig nyo naman siguro yung sabi ni Ma'am Nikki hindi nya po kayo kilala kaya umalis na po kayo wag na kayo manggulo dito." Pagpapaalis sa kanya ng Guard. "Teka lang Manong Sige Nikki Soriano magpapakilala ko sayo. Ako si Theodor Rodriguez may gusto lang ako sabihin sayo." Sigaw ni Theo. 

Pero Hindi sya Pinansin ni Nikki at Dirediretso tong pumasok sa Loob. "Wow ah Effort ni Theo." Bulong ni Bella. "Bahala ka ikaw din magsisisi sa dulo." Bulong naman ni Yen pero hindi nya parehas tong pinansin. Si Theo naman ay Umalis na ng Hindi pinansin ni Nikki sumakay na to ng Kotse nya. "Grabe pare isang araw lang ang lumipas nag ka Anmesia agad si Nikki." sabi sa kanya ni Eric na kasama nya sa Kotse. " Hindi ako titigil hannga't hindi ko nasasabi kay Nikki Yung gusto kong sabihin." sagot ni Theo kay Eric. Hinawakan na lang ni Eric si Theo sa balikat. "Goodluck Pare." 

Fallen In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon