Chapter 31 With him or with me ?

37 4 0
                                    

Kysha's POV

"  kuya ano oras uwi mo ? ako hanggang mamaya pa " nandito  ako sa tambayan nila vacant ko e di ko naman makausap si bella halos lagi na silang magkasama ni jacob e ayoko naman silang guluhin kaya pumunta nalang ako dito buti nalang kahit vacant din nung unggoy na yon e wala dito . kasi alam kong pag nandito yun papalayasin lang ako nun kasi kanya daw to blabla . 

"maaga uwi ko bakit? sasabay ka ? " sana sasabay ako e mas maaga sya nevermind nalang makakagulo nanaman ako sa mga gagawin nya 

"eh sana kaso mamaya pa uwi ko e una ka nalang , okay ? " mag kaiba kasi schedule namin ayun tuloy kailangan ko nanaman mamasahe mamaya sa jeep  tsk . 

" onga pala mag pahatid ka nalang sa boyfriend mo total sabay naman kayong matatapos diba ? " nabalitaan na nya pala yung sa class namin hay! boyfriend ? kung alam mo lang nako ! imposible pa sa imposible 

" kuya may sasabihin ako .... " ayoko naman syang lokohin tyaka wala naman yung deal e wala na pero di pa rin naman nawala yung utang na loob ko sa lalaking yun kahit binubully ako , sya pa din naman kasi yung dahilan kung paano namin na papagamot si mama . 

" ano yun ? mag d'date kayo? " ay date agad !? sasabihin ko na nga ng di pa sya mag isip ng kung ano ano baka mamaya matuwa sya masyado tapos wala naman talaga , wala naman pala talagang namamagitan samin ng lalaking yun .

" hindi ah! ganito kasi yung about sa ami-- " di na ko nakatapos may biglang sumulpot e bastusan ganon? nako! pag talaga nawalan ako ng lakas ng loob ipupukpok ko yung kawali sa ulo nya ! 

" chris! pinapatawag ka ni ms. santiago may itatanong daw " e sino ba yun ?  classmate nya ? ayy di ko nanamn tuloy makukuwento mukhang emergency pa pagod na pagod kasi yung classmate ata nya

"ano daw ba yun ? sige susunod na ko  " pagkasabi nya nun umalis na din agad yung classmate nya buti naman ng makwento ko na kay kuya 

"kysh mamaya nalang sa bahay emergency ata to e , isa pa baka di kita makita sa uwian ko kaya sa bahay mo nalang ikwento okay ? ingat ka mamaya ! " tumakbo na agad sya palabas eto naman ako naiwang nakanganga mag isa nalang -_- . ano bang pedeng gawin ang boring naman kasi dito ! 

alam ko na mag plano nalang ako mag-isa e pano naman yung mga pang ticket wala kong pera nuh! yung mga sinweldo ko kay troye binigay ko kay mama lahat e pang dagdag na din yun sa pang bili nya ng gamot , alam ko na! may wifi naman dito tatawagan ko nalang si mama , mabuti pa nga ilang araw ko ng inaantay tawag nya e di pa din sya ulit tumatawag . sakto online naman sya 

" ringing ...."  after ilang ring sinagot din naman nya agad , sobrang saya ko namiss ko kasi talaga si mama e 

" hello mama!! maglagay agad kayo ng video! dali ! " nilagay din naman nya agad yun pagkasabi ko ako din naman nakavideo syempre para kita nya din ako ! 

" oh kamusta na ang baby girl ko ? " napakamot nalang ako sa ulo baby girl daw huhu baka baby damulag ? 

"ma naman e! di na ko baby kahit bunso ako laki ko na oh! " tinapat ko naman yung camera mula sa paa hanggang sa mukha ko para makita nyang magkahawig yung paa at mukha ko este tinapat nya para makita nya talagang di na ako baby 

" oh sige na nga! eh kamusta ka naman ? yung kuya mo andyan ba ? " nakakamiss yung ngiti ni mama parang dati araw araw ko yung nakikita ngayon once in a week nalang at hindi lang yun hindi na sa personal kundi sa internet na . 

" ako ? kung ako tatanungin nyo sobrang okay ako ! wag kayong mag alala si kuya ganon din okay din naman! kaso pinatawag ng prof nya e may tinatanong kaya wala dito " ngumiti naman sya , naiiyak ako seriously sobrang miss ko na si mama di kasi ako sanay e lalo na sa bahay lagi nya kong pinag luluto ng paborito kong macarons! ang sarap nun ! 

Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon