Chapter 33 Friends

47 4 0
                                    

Kysha's POV

worst day ever ata to , bukod sa worst day ko nung nakilala ko si troye isa na to sa worst day ko , muntik ng bumalik yung phobia ko tapos yung trauma naman , yun yung mga nangyari sa buhay ko na ayaw na ayaw kong balikan , yung phobia ko sa tuwing nasa kotse feeling ko kapag nasa kotse ako mangyayari nanamaan yun . tapos sobrang bilis ng takbo , ayoko na isipin yun e pero ano pa bang magagawa ko di ko naman kayang kalimutan yun , wala namang delete button sa buhay natin, kung meron lang madami na siguro akong nabura , natatakot ako kapag mabilis yung takbo ng sasakyan naalala ko kasi dati namatay si dad , nung nasa kotse ako ..... mag kasama kami nun . sya yung nag d'drive at ako naman nasa back seat lang , nawala sya dahil sakin .... ako yung pumatay sa kanya .... nag mamadali kasi kami ni dad nun kasi babalik na kami dito sa pilipinas , galing kasi kaming korea nun e , bumalik kami dito para mag bakasyon kaso sobrang excited na kong umuwi nun kaya sabi ko bilisan nya, kinukulit ko sya ang daming beses kong tinanong kung malapit na kami ... lagi naman nyang sinasabi na saglit nalang , nakinig nalang ako . pero na b'bored talaga ko , wala pa kong kalaro nun kasi si dad lang kasama ko. Bata pa ko nun kaya puro laro lang yung nasa isip ko . kaya binuksan ko yung bintana madami kasing lobo na lumilipad e color white kaya gusto kong makita sinasaway naman ako ni dad na wag daw kasi delikado pero nag patuloy lang ako sa pag silip tuwang tuwa pa nga ko sa lobo e , ewan ko ba kung bakit basta parang ang ganda lang nilang tingan . tumitingin kasi sya sakin kung okay ba ko or di ako nasaktan . hanggang sa yun nga ... may isang kotse na bumangga samin . ang bilis nga ng pangyayari e sa tuwing naalala ko yun sumasakit nalang yung ulo ko at pati puso ko sumasakit pa din kahit matagal na yun na g'guilty pa din ako, di ko pa din maiwasang di sisihin yung sarili ko . kasalanan ko naman talaga e , ako naman talaga yung pumatay kay dad , kung di lang sana ako nag pumilit , kung pinakinggan ko lang sana sya edi sana , andito pa sya, edi sana naka attend sya sa graduation namin, edi sana kasama pa din namin sya , edi sana nayayakap ko pa sya , edi sana makakakwentuhan ko pa sya , pero wala na e , wala na sya , at dahil yun sakin , kaya hanggang SANA nalang lahat , hanggang panaginip nalang lahat . ang sama-sama ko , wala kong kwentang anak , siguro kaya di kami pumupunta dati sa family at relatives namin sa father side , kasi galit sila , alam ko naman yun , kasalanan ko naman talaga e , may karapatan silang magalit , kaya pala ayaw sakin ng tita , tito , at lolo . kasi pinatay ko si dad . ang sama sama ko . Sana ako nalang yung nawala , sana ako nalang yung namatay , sana ako nalang yun ... para atleast masaya sila ngayon , edi sana close pa sina mama at kuya sa relatives namin . kung pwede lang sana e ....

ano ba yan tumutulo nanaman tong peste kong luha , everytime naaalala ko yun ang sakit pa din , parang may guilt pa din , parang kahapon lang yun e , sana maibabalik nalang yung panahon nuh ? sana di ko nalang sya pinag madali , sinasabi naman nila na di ko daw yun kasalanan , pero kahit ilang beses pa nila yung sabihin alam kong ako pa din yung may gawa .

"mianhae appa .... mianhae ... " napatakip nalang ako sa mukha ko , ayoko namang umiyak , sabi ko di na ko iiyak e , kaso pag dating kay dad ang weak weak ko . appa, sana dumating yung time na mapatawad mo ko , antayin mo ko ha ? dadating yung time na mag kakasama na ulit tayo ....

[ mianhae- sorry || appa - daddy ]

" kysha , tama na yan " andito na pala si kuya sa kwarto ko sobrang pag ooverthink na siguro at di ko na sya napansing pumasok ng kwarto . tumabi sya sa sakin , hinawakan nya ko balikat ko .

" kuya , ang sama sama ko " lalo kong napaiyak , bat ko kasi yun nagawa , ilang beses na to nangyari pero palagi pa ding nandito si kuya kahit na paulit ulit lang ako .

" shhhh . i told you already , it's not your fault , ano ba yan na papa english tuloy ako " tumawa sya, i know sinabi nya lang yun para tumigil na ko sa pag iyak , paano nalang kaya kung wala dito si kuya ? ano nalang kayang gagawin ko ?

Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon