Chapter 2 unexpected part 2

115 6 0
                                    


"Hoy! bat mo ko niyakap?! sa pag kakatanda ko sabi mo lang hahawakan mo yung kamay ko? manyak!" Sa gwapo kong to napagkamalan akong manyak. Hot lang talaga ko nuh'

"Wag mo kong ma hoy hoy ! Hindi kita type . Isa pa kapatagan naman yang harap mo makapag protesta ka naman dyan tss " di ko na napigilang tumawa , eh di ko naman talaga sya type sya lang tong grabe mag assume.

"oh talaga tol? E kung sapakin kaya kita dyan bwisit! "

"nilalamig lang ako , maghubad ka ng jacket mo o aakbayan kita ? "

"sabi ko nga ok lang he he-he " tsss kung di lang ako giniginaw di ko yan gagawin

wala na kong sinabi basta inakbayan ko na sya. Tyaka totoo naman napaka layo n'ya sa type ko.

...

maaga pa wala pang 12:00 am di ako makatulog .naalala ko may psp pala ko bat ngayon ko lang naalala -_- , agad kong nilabas yun. habang naka akbay ako sa kanya nag p'psp ako , nagising sya eh kaya nakikita nya yung ginagawa ko. Yung laro sa psp ang hirap nung level di ko matapos tapos e nakailang ulit na ko eh badtrip!

"ako na nga! " sabi nya lang .kahit di pa ko pumayag e hinablot na nya .nagulat ako kaya di ako nakapag salita -_- abnormal e . Tyaka for sure babatukan nya lang ako kapag pinilit ko pang kunin.

"Pumayag na ba ko ha manang? " wala ng lingon lingon e di na ko pinansin

"Shit tao ba talaga to?" Yan nalang naibulong ko sa sarili ko pag kapanood ko

"oh! " inabot nya na yung psp ko.

"Sabi na e susuko ka agad. Yabang yabang pa kasi .ako nga di ko agad matapos ,ang isang henyo na tulad ko di agad matapos tapos ikaw matatapos mo agad sa tingin mo? Asa ka pa! " kinuha ko na yung psp ko ako na nga lang tatapos for sure this time kaya ko na to.

Hindi naman sya sumagot napahiya ata hahah aba dapat lang. Maituloy na nga lang tong nilalaro.

"tsamba lang " yan nalang nasagot ko itutuloy ko na sana pero natapos na pala nya kaya pala di sya sumasagot. Nag aalangan na talaga ko babae ba to ? Ang bilis nya lang natapos e.

"oo nalang " inirapan nanaman nya ko. Ano ba meron sa mata nya? Ilang buhangin ba pumasok sa mata nito? Kanina pa paikot ikot e.

...

"inaantok ka na? " tanong nya napatingin kami sa isat-isa di ko inaasahang mag tatama yung tingin namin kaya napaiwas ako ng tingin . Ang bakla pwe!

"bakit ? pag tulog ako anong gagawin mo ? siguro pag nanasaan mo ko? " di ko alam kung paano tumatakbo utak nya di ko din naman sya masisisi dahil sa kagwapuhan ko kaya naninigarado lang ako

"gago! wag ka ngang feeler " aba ibang klase talaga sya! ginago pa ko.

" hindi pa " yan nalang nasagot ko alam kong makikipag talo nanaman tong si manang e

teka diba dalawa yung pinto nitong stock room ? yung una dun sa dinaanan namin tapos dun sa pangalawa yung sa gym. Ngayon ko lang naisip. Hindi kasi ako napapadpad dito di ko trip ang sports. titingnan ko kung bukas yung isang pinto kesa dito ko nagtitiis , pero kahit naman pala nalock kami dito sinwerte ako bukas yung pinto ng gym.di ko hilig basketball. Hindi ko sya trip.

"hoy! " sinigawan ko sya dahilan para ikagulat nya.

"What now?! " nandilat nanaman yung mata nya. Galit na galit talaga to lagi sakin wala pa nga kong ginagawa e

"tara sa gym! Bilisan mo! bahala kang maiwan dyan" kahit di sya sumagot hinila ko na sya

"teka naman! dahan dahan nga ang sakit pa nung sugat ko. " nakalimutan ko yung sugat nya pero wala akong pake sugat naman nya yun. Tyaka katangahan nya kasi e.

Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon