Chapter 41 - Courting

21 0 0
                                    

Kysha's POV

Finally weekend naulit. Ang gulo ng week na to. Di ko pa din magets sa tuwing inaalala ko yung nangyari kahapon. Panaginip lang ba yun? Kasi parang imposible pa din. Hindi matanggap ng utak ko. Seryoso ba to? Baka naman na set-up nanaman kami.

8:30 am

Ang aga pa naman pero bat gising na agad ako? Normally tanghali naman akong gumigising. Kasalanan to ng lalaking yun e. Parang may daga sa dib dib ko sa tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi. Ayoko ng alalahanin kasi baka mabaliw na talaga ko. Normal ba to? Ni hindi pa nga ko nakakapag inat sya na agad tog pumasok sa isip ko. Masyado nya ng sinasakop ang space ko! Wahhh!

" Dahil nahanap ko na yung isang bagay na importante sakin. Isang bagay na hindi pwedeng mapalitan; isang bagay na hindi ko kayang mawala. Kaya itinigil ko na yung takot ko. Kasi andyan ka na. Kasi nahanap na kita."

Paulit ulit na nag e-echo sa isip ko yung mga sinabi nya, yung esaktong words na sinabi nya, pati yung boses nya. Kainis. Kelan pa sya naging ganon ka corny? pero inaamin ko. kinilig din naman ako.

Ano naman kung sinabi nya yun? Wala naman syang sinabi kun'di yun lang. Hindi ko naman din sya manliligaw. Sinabi nya lang yung nararamdaman nya diba? So wala. Ayokong mag palinlang agad. Ayokong umasa. Tsaka nalang kapag napatunayan na nya. Mahirap na ulit masaktan. Ayoko na ulit.

May kumatok ba sa pinto o ako lang tong nag iimagine nanaman?!

Nahihibang na ata ako.

"Kysha!" Totoo pala, biglang bumukas yung pinto. Nag tulog tulogan ako. Alam kong si kuya yun. Ang aga aga ano namang kailangan nya sakin? Omaygad. 'Wag nya sabihing iintrigahin nya agad ako? Okay kysha mag panggap ka lang para hindi ka na nya guluhin. Umikot ako sa may tapat ng binatana para hindi nya makita yung mukha ko. Baka mamaya mahuli nya pa kong nag tutulog tulog-an.

"May bisita ka" bisita?! Anong bisita e ang aga aga pa. Pustahan pinag t'tripan nya lang ako para magising ako. At para maintriga na nya ko.

"Ian! Ayaw pa gumising. Ikaw na kaya gumising? " bigla kong napabangon. What the f kuya?! Hinagis ko agad yung unan sa kanya kaya napatingin sya. He gave me an ANO-BA? Look.

"Shh! Sabihin mo tulog!" binulong ko na mukha namang na gets nya.  Hays salamat. Napaka hawak ako sa dibdib ko. Kinabahan agad ako . Hindi ko kasi alam kung anong mukha ang maihaharap ko. Naguguluhan ako. Parang ang bilis kasi. At hindi lang yun umiyak pa ko sa harap nya! Wahhh! Nakakahiya!

"Tulog daw sya sabi sakin" habang natatawa. Anong daw? What the f! Sinadya nya yun! Tiningnan nya lang ako tapos kinindatan. Kuya!! Pakindat kindat ka pa. Natuwa ka pa talaga! Napaka aga naman nila para mambulabog. Ni hindi pa nga ko naka pagtoothbrush at hilamos. Tapos naka pajama pa ko. Nice.

Tumakbo nalang agad ako sa may pinto at nilock yun. Napasandal nalang ako. Bwisit silang dalawa kahit kailan. Pumunta na agad ako sa C.R. Para makapag ayos nakakahiya naman sa bisita ko daw.
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Yung eyebags ko grabe halos umabot na sa cheekbones ko.

Huminga ko ng malalim bago pa ko lumabas ng kwarto. Ano nalang sasabihin ko?. Paano ang ikikilos ko? Bahala sya. Basta aakto nalang akong parang walang nangyari. Napakadali lang nun yung natural.

Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon