SIMULA

6 1 0
                                    



Hinihingal akong umakyat sa hagdanan habang palinga-linga sa paligid. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang hikbi at maingat na humakbang para hindi makalikha ng ingay. Walang tigil ang pagbuhos ng luha at ang malakas na pagtambol ng puso ko dulot ng kaba at takot.



Kahit nanginginig man, nagawa ko pa ring gamitin ang susi para ma-unlock ang padlock at buksan ang pinto. Balak kong magtago sa rooftop dahil ang ibang mga silid ay nakasara at ang lagusan palabas ng paaralan ay nahaharangan ng mga sindikato.



May sumusunod sa akin, sigurado ako doon.



"A–Austin..."



Ilang beses kong nabanggit ang pangalan niya para maibsan ang takot na nararamdaman. Nagtago ako sa mga nagkukumpulang kahon sa gilid para hindi ako makita ng mga humahabol sa akin.



"Austin, t–tulungan mo ako." pumikit ako ng mariin at pinalis ang mga luha na patuloy na lumalandas pababa sa pisngi ko.
Malamig ang simoy ng hangin at tanging ang mga kuliglig ang naririnig sa gitna ng katahimikan. Hindi ko ma-contact ang pamilya ko o si Austin kaya hindi ako makahingi ng tulong.



Nasa Laguna siya ngayon simula pa kahapon kasama ang dalawang member ng student coucil para i-check ang rest house. Ididiriwang namin ang selebrasyon pagkatapos ng graduation kinabukasan. Alas dies na ng gabi kaya nasa kanya-kanya ng mga tahanan ang mga estudyante't guro.



Kukunin ko lang naman ang regalo ko para kay Austin dahil kaarawan niya na bukas. Nasa locker 'yon at didiretso agad ako nang uwi pero nakarinig ako ng usapan na hindi kayang tanggapin ng sistema ko. May narinig akong hindi dapat.



Napaka-delikadong mga tao ang pinagtataguan ko ngayon. Ang kaligtasan ko ay nasa panganib at hindi ko alam kung makaka-labas ako ng buhay pagkatapos. Napakalaking posibilidad na ito na ang huling sandali ko sa mundo.



"H–help, please.."



Napapaos na ang boses ko at nanunuyo ang lalamunan.  Nanlalamig rin ang aking balat at ang bibig ay nangiginig isabay pa ang nangangatog na tuhod at gulo-gulong buhok.



Napigil ko ang aking paghinga nang marinig ang pagpihit ng door knob at ang marahas na pagbukas ng pinto.



"Where is that f*cking student?! My bullet is ready to get that sh*t of her!"



Ang malakas na sigaw ng lalaki ay lumukob sa akin na nakapagdagdag ng takot ko. Tinakpan kong muli ang bibig nang magsalita ang isang kasama niya.



"Makakatakas ka pero hindi mo kami matataguan! Patay ka talaga sa amin," tumawa sila na parang demonyo at napa-igtad ako bigla nang makarinig ng putok ng baril. Mabuti na lang at hindi ako nakasigaw noong una pero nang sabayan iyon ng isa pang lalaki, hindi ko na napigilan ang pagtili ko.



"Ahh!"



Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog isa-isa ang mga kahon dahil sa paggalaw ng siko ko. Napasinghap ako nang bumaling ang kanilang tingin patungo sa direksyon kung saan ako nakaupo at nakayuko.



At dahil doon, unti-unti na akong nawalan ng pag-asa. Nasa bingit na ako ng kamatayan at wala na akong takas pa sa kanila. Isang hakbang ko lang palayo, hindi sila magdadalawang-isip na kalabitin ang gatilyo at brutal akong paslangin.



"Huli ka," ngumisi sila at lumapit habang ang dalawang baril ay nakatutok sa akin. "Sabi ko na nga bang nandito ka lang eh," ang malalalim at mapupula nilang mga mata ang sumalubong sa akin nang sinubukan kong tumayo at pakatitigan sila ng matalim.



Gunita ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon