3

2 1 0
                                    



         Kabanata 3: Curious



"Ate Cynthia? What happened to Snow?"



Natigilan ako nang maabutan ang aso ko na nakadapa sa mat at mahimbing na natutulog. May nakapalibot na bandage sa kaliwang paa niya na nasa unahan at may kaunting putik ang fur niya. Naalarma ako at agad siyang nilapitan, nagtataka kung bakit may sugat siyang natamo.



Katatapos ko lang mag-shoot ng music video para sa bago kong song nai-re-release kasabay ng album. Nag-absent muna ako sa klase at nagpaalam sa mga professor para asikasuhin ang lahat. Magaganap sa Moa Arena ang grand concert ko, dalawang araw na mula ngayon kaya medyo na-pressure rin ako sa araw na ito.



"Miss Ally, dinala ko siya sa park at naglalakad-lakad kami pero n–nabitawan ko ang leash kasi—"



"Ate? Bakit mo naman nabitawan? Paano na lang kung nawala siya?" hindi ko naitago ang inis sa boses ko habang nakakunot-noo siyang binalingan ng tingin. Naalimpungatan si Snow dahil sa ingay kaya binuhat ko siya at ipinatong sa hita ko. Tiningnan ko ang paa niya kasunod ang mukha niya na mahahalatang pagod. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya niyakap ko siya ng mahigpit at ipinatong ang baba sa ulo niya.



"Miss Ally, pasensya na talaga. Tumawag kasi ang event organizer kaya hindi ko na nabantayan si Snow. H–hinanap ko siya pero nakita ko na siyang nakauwi sa mansyon. Nasa garden siya nakahiga at may bandage na sa paa."



"H–how? Did someone brought her to the clinic?" tanong ko. Imposible namang makakayanan ng mga aso na gamutin ang sarili nila kaya syempre may tumulong sa kanya. Hindi ko naman alam kung sino.



"Yes, Miss Ally. May nagdala sa kanya sa clinic according to veterinarian Hacient pero hindi nito binigay ang pangalan niya. Basta po lalaki daw siya,"



Napatulala ako sa kawalan, may namumuhay na utang na loob sa puso. Kung sino man siya, malaki ang pasasalamat ko dahil sa ginawa niya. My baby will be completely gone if it wasn't for him! Sino kaya siya? I should go to his house and give him a reward or a simple token. Ang sama naman siguro kung hahayaan ko na lang ang kabutihang idinulot niya at hindi siya kilalanin.



"Did the person leave his cellphone number? Or maybe the veterinarian describe his features?"



Hindi nakaimik ng ilang segundo si Ate Cynthia dahil nasa taas ng kisame ang tingin niya, nag-iisip. Naghintay naman ako sa kanya pero nadismaya nang umiling siya at sinabing hindi nag-iwan ng number ang nasabing lalaki. Nalaglag ang balikat ko at pinaglaruan ang buntot ni Snow.



"Pero may sinabi ang veterinarian about sa lalaking nagdala kay Snow. Mataas daw siya at may suot na specs tapos ang buhok niya medyo magulo kaya hindi niya masyado nakita ang mukha ng lalaki. Seryoso lang daw ang ekspresyon niya, 'yon lang ang sinabi ni Vet. Hacient," she gave me a small smile.



Bumuntong-hininga ako at ginawaran rin siya ng ngiti para sabihing huwag mag-alala. "Sorry Ate Cynthia, nadala lang siguro ako ng pag-aalala kay Snow. Nagalit pa ako sa'yo," I pouted, the guiltiness is spreading inside me.



"Ay naku, Miss Ally. Okay lang naman."



Phew. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nanghihinayang nga lang ako dahil ni pangalan ng tumulong kay Snow, hindi ko alam. Hindi ko tuloy siya mapasasalamatan.



ALAS kwatro ng hapon nang makita ko ang sarili na nakadukwang sa terasa habang tinatanaw ang mga karatig na bahay. Tinatangay ng habagat na hangin ang aking buhok kaya napapikit ako, sumasagi sa aking mukha ang kulay gintong sinag ng araw. Nakasuot lamang ako ng simpleng kamisola na hapit sa katawan at dolphin shorts habang umiinom ng mango smoothie.

Gunita ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon