Dalawang linggo ang liban ko bago ako nakabalik ng klase , kaya kahit na may arm cast pa ay pumasok na ako dahil ayoko ng dagdagan ang absent ko. Kahit sina Mommy at Daddy at hindi ako napigilan
Laptop, cellphone at wallet lang ang dala ko hindi na ako nag abalang magdala ng ballpen at notebook dahil hindi rin ako makakapagsulat dahil sa arm cast ko mabuti na lang mabilis ang typing skills ko kahit left hand lang gagamitin ko pag jot down ng notes
Leila insist she can let me borrow her notes pero ayoko dahil di ako sanay na naghihiram ng notes ng iba kaya sa duration na absent ako ay pinahingi ko siya ng mga syllabus sa mga professor at record ng discussion kaya kahit papano ay hindi ako nahuhuli
Nang pumasok ako sa room ay natahimik ang klase alam ko na dahil una sa lahat ay hindi ako nakauniform pangalawa ay wala akong kahit anong kolorete sa mukha at pangatlo dahil sa cast ko sa braso ano pa ba?
Kahit ayaw ko ng ayos ko ay wala akong magagawa. Dad instructed our maids at pati assistant ko na huwag akong tulungan sa pagbibihis para hindi ako makaalis kaya lang mas matigas ako kahit isang simpleng dress lang at walang make up ay tumuloy ako ng school
Nagtaxi ako papuntang school at pati nga buhok ko ay hindi nakatali magtitiis ako kahit hindi ako sanay basta makapasok lang
Mabilis na nagkumpulan ang mga kaklase ko sa akin ang iba ay inayos pa ang upuan ko at may kumuha ng bag ko
"Uh thanks" naiilang kong saad at naupo na
"Bagay sayo ang ganyang ayos Rai mukha kang anghel" puri niya sa akin
isa siya sa mga kaklase kong masasabi kong nakikipaglapit sa akin"I'm no angel" saad ko at plastik na ngumiti sa kanya we're not that close para tawagin niya akong Rai
Hanggang matapos ang klase ay nakasunod sila sa akin kaya ko na rin mapigilan na mairita
"Guys can you excuse us? I have something to discuss with her about sa project" singit ni Jackson
Yes bago ko pa makalimutan ay may pairing pala na ginawa ang isa sa prof namin reports lang naman about sa mga businesses kaya nga hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi pwedeng individual naman tutal mas madali kapag ganun
Mabilis na nagsialisan ang nakapalibot sa akin dahil na rin sa kaseryosohan niya
"Hindi ba pwedeng makapaghintay yan? Talagang kung kailan ko gustong kumain?" Taas-kilay kong tanong hindi maawat ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya idinadaan ko na lang sa pagtataray sa kanya
Tumawa siya ng pagak
"Di lahat ng gusto mo ay masusunod Miss Pedrigosa we're a team here kaya may karapatan din akong magtakda ng oras kung kailan ko gusto"
Umirap na lang ako
"Okay fine! bilisan mo na nang matapos na yan" mabilis na rin naman kaming matapos nasa lagpas kalahati na nga kaya hindi ko rin gets to kung bakit kailangan niya pa akong makausap eh lahat ng parte ko ay tapos na
"So pwede na ba akong kumain?" Di ko mapigilang sabat dahil gutom na ako. Hindi ako nakakain bago umalis ng bahay
"Sige lang. Dito ko lang 'to tapusin" saad niya habang busy sa pagtipa sa laptop niya
Napabuntong hininga ako nang hindi ako makasubo ng maayos dahil sa arm cast ko natapos ko na ang sandwich ko kaya carbonara sana ang isusunod kong kainin kaya lang dahil nga left hand ang ginagamit ko ay hindi ko maisubo ng maayos
"Ugh I hate it! Kailan ba maaalis ang cast na to" maktol ko at nilayo sa akin ang plato
Kahit gustong-gusto kong kainin ay hindi ko magawa sa bahay na lang siguro. Magpapasubo ako kay Mommy napangisi ako at nag dial sa phone
BINABASA MO ANG
Imperfect Beauties Series 1 :Manipulative
RomanceNobody is perfect Everybody is bound to make mistakes and have flaws You are beautiful despite of imperfections that you have You are beautifully imperfect and you're one of those Imperfect Beauties