Xi's POV
Unang salita na lumabas sa bibig niya nang kumanta siya, alam ko nang siya yun. Her voice serenades me. She's like an angel when she sings.
The way she smiles at the audience, the way she closes her eyes every refrain and when she opens it, I know there's something.
Nakatingin lang siya sakin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan. I can't even take my eyes off her.
"You know her bro?" Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Panira naman ang isang 'to. Patapos na yung kanta ni maarte eh.
"Yes Jaerim, I know her." Syempre. She made me smile for days. Pero wag niyo bigyan ng malisya yun ah. Natatawa lang talaga ako sa kanya. Lalo na kapag naiinis siya. Ang cute niyang tignan. Haha.
"Lapitan mo na kaya. Makatitig ka eh." Eh sa maganda siya eh. Her outfit is very simple pero she really looks hot and gorgeous. Teka! Sinabi ko ba yun?! Erase!
"Next time. Pagod pa yun. Magpapahinga pa siguro." May plano naman talaga akong lapitan siya pero mamaya nalang. Aasarin ko nanaman siya. Haha.
"Okay bahala ka. Sige bro, una na ko. Ingatan mo si Zach ha!" Umalis na si Jaerim. Nakapag-usap na kami. Naintindihan na namin ang isa't-isa. Haay daming problema nung tao.
"Kuyaaaaaa!" O.O Ba't nandito to?!
"Anong ginagawa mo dito?" Underage pa to ah.
"Eh kuya, kanina pa po ako nan dito. Tsaka duh! Member kaya ako. Thanks to Jeremy." Hmm... sabagay.
"Whatever." Spoiled brat talaga to.
"Kuya." Ang sarap tudusin ng isang to! Ang kulit!
"Ano na naman Bliss?!" Nakakairita.
"Wala pang kakanta sa birthday ko. Next week na yun eh." Nagpout pa. Nakakadiri.
"Ba't mo sakin sinasabi yan? Gusto mo akong kumanta sa birthday mo?" Maganda naman kasi yung boses ko. Never under estimate me! Haha. Hangin ohh!
"Kuya naman eh. Ayaw kong umalan sa birthday ko. *pout* at isa pa, wala kapang gift sakin." bahh! Maganda kaya yung boses ko!
"Eh sino ba ang gusto mong kumanta?" Pagbibigyan ko nalang ang isang to. Hindi naman kasi ako mananalo sa kanya. I really love my cousin.
"Yung babae kanina kuya. Her voice is very angelic. Shes very pretty too" Si maarte? Pero totoo yung huling sinabi niya. Hehe dejoke lang.
"Okay. Birthday gift ko na sa'yo yan ah!" She kissed me in my cheeks. Umalis na ang walang hiya kong pinsan na tumatawa pa. Kapal talaga.
Naglalakad ako ngayon para hanapin si Jeremy. Magtatanong ako kung pwede si maarte next week. At ayun siya, busy sa mga costumers. Workaholic talaga.
"Pare, pwede ba si maarte next week? Mga monday siguro." Tumingin lang siya sakin na parang baliw ako.
"Maarte? Sino?" Ah oo nga pala. Hindi niya alam na magkakilala kami.
"Yung kumanta kanina pare." Napa-ah na lang si Jeremy. Tsaka nag-isip.
"Ah si Ember. Yep free siya sa monday. Ang bilis ah. Monday agad." Sa bagay, saturday na ngayon.
"Si Bliss kasi. Nirequest na si maarte daw yung kakanta sa birthday niya. Teka, nasaan na ba si maarte? Para masabihan ko na rin siya."
"Nandito si B-Bliss?" Hmm.. ba't nauutal ang isang to? First time eh! Hindi ko na lang siya tinanong dahil hinahanap ko pa si maarte.
"Pare si maarte, asan?" Tumingin lang siya sakin. Si Jeremy, nakatulala?!
"Hoy! Pare!" Inalog-alog ko yung braso niya at doon lang siya natauhan.
"Andun ata sa backstage si Ember. Napagod eh. Magpapahinga daw siya."
"Sige. Thanks pare!" Umalis na ako para hanapin si maarte. Nasa vip kasi ako kaya kailangan ko pang bumaba para makarating sa stage.
Asan na ba yung maarteng yun?!
"Tigilan mo nga ako!" O.O si maarte yun ah.
"Maarte? Ayos ka la-" Napatigil ako dahil sa nakita ko. Shit! Wala na akong naisip. Bigla na lang kasing nagdilim ang paningin ko.
Ember's POV
Nakakapagod din pa lang kumanta no? Kahit tatlong kanta lang yun ah. Papunta ako ngayon ng backstage para magpahinga. Mabuti na lang binigyan na ako ng mineral water nung staff dito.
Bakit ba kasi siya nandito? Agh. Mabuti na lang hindi ako nagkamali kanina. Uupo na sana ako nang may humigit sa akin.
"Ano ba? Nasasaktan ako." Eh sa diin ng pagkakahawak niya! Anong akala niya sakin?
"Ang sexy mo kanina miss ah. Halika, sama ka sakin." Eww! Mabuti sana kung gwapo ka! Gagong to!
"Tigilan mo nga ako!" Kinakaladkad na niya ako ngayon. Habang hinahaplos-haplos ang likod ko. I tried to push them but they were too strong and im tired dahil kanina pa ako kumakawala sa hawak nila.
"Maarte? Ayos ka la-" Napatingin ako kay Xi nang pumasok siya bigla na lang kasi niyang sinuntok at sinipa yung lalaki. Napaupo na lang ako sa sahig dala na rin siguro ng pagod.
"Maarte, are you okay? Fuck! Don't cry. I'm here." Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na ako. Paano kung hindi dumating si Xi? Baka ano na ang nangyari.
"Xi.. *sobs* tha-thank you." Niyakap lang niya ako. Hindi ko alam pero masaya ako sa bisig niya.
And I felt comfort.
Nagpumilit si Xi na ihatid ako. Baka daw abangan ako nung lalaki sa labas. Nakahawak lang ako sa likod nang motor niya. Ngunit napakapit ako sa bewang niya ng bigla niyang tinapakan ang preno at nagsalita.
"Maarte, pwede ka ba sa monday?" Op, ano kailangan nito?
"Uh maybe. Hindi ko pa alam. Bakit?" Sinungaling.
"Nirequest ka kasi ni Bliss. Ikaw daw kakanta sa birthday niya." Sabi niya na nakangiti. Agh, anubayan?! Umiiwas na nga ako eh. Sino si Bliss? Baka girlfriend niya. Ouch. Bakit naman ako masasaktan?!
"Bakit ano ba ng Bliss na yan? I mean, is that a debut?" Makakapagpractice pa kaya ako? Monday na eh!
"Nope. 16th birthday niya. Mahalaga kasi siya sakin. Kaya gusto ko tuparin yung gusto niya na ikaw ang kumanta sa birthday niya." Mahalaga? So special someone pala.
"Teka, ano--ahm, si sir Jerem-"
"Wag ka nang mag-alala, pinagpaalam na kita sa kanya." Putek, bakit ngiting-ngiti to? I just nodded. At pinaharurot na niya ang motor niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Mahal na mahal ako ni tadhana eh. *insert sarcasm baby*
-------------------------------------------------------------
A/N: Hi guys! Thank you po sa mga nagbabasa. Guys again po, kailangan ko po yung suggestions niyo. So i really really need your comments and votes. First time ko po tong magsulat kaya kailangan ko yung reaction niyo every chaps. Para po ma satisfy kayo next update ko. Thanks po! Harthart!
BINABASA MO ANG
Never Ending Replay
Teen FictionI hate him. No, I love him. What am I thinking? I can't forgive him, I just can't. But maybe, There's still a chance for us. Thoughts clouded the confused girl's mind as she held on to her dear memories but those thoughts flowed as tears from her ey...