Chapter 5 - Starstruck

32 3 1
                                    

Chapter 5

Xi's POV

Papunta na ako ngayon sa bahay ni Zach. Kasi naman eh, ano yung pumasok sa ulo ng lalaking yon. Bakit kaya tinawagan niya si Zach? Hmm.

*after a few minutes, dumating na siya sa bahay ni Zach.

"Zach, nasaan ka? Zach huy!" Asan na ba yung babaeng yun?

"Xi.. *sniff* I'm.. here *sniff*" Teka, si Zach yun. I saw her sitting with her legs crossed in the living room. Nakatungo siya habang umiiyak. How did I know? Umaangat-angat kasi yung mga balikat niya.

"Zach, ano ka ba naman? Tumigil ka na. Nandito na ako." Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Pinapatahan pero ayaw talagang tumigil.

"Please, hindi ko kayang makitang ganyan ka best friend." Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya habang kinakantahan siya.

"Zach beb-" Si Maarte.

She looked confused, but a moment later she smiled. Then she mouthed, I'm sorry to me. I just looked at her. Hindi ko alam, but I saw pain in her eyes. I nodded.

Then, she left.

Ember's POV

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I haven't experienced this before. It's all new to me. I feel my heart slowly shatt-

*grrrrrkkk*

Teka, yun na ba yun? Pero parang galing sa- shit! Magluluto nga pala ako. Tanga Ember, tanga! Inuna mo pa ang paglandi. Agh. Pumunta na ako sa kusina at nag simula nang magluto.

"Hey."

Siya. Oo, siya. The first guy who made me feel like this.

"Hoy maarteng babae. Lutang ka ata?" Inakbayan pa niya ko. Haay.

"Ah wala." I smiled. Oo, hindi normal na ngumingiti ako sa kanya. Pero dahil sa nangyari, nawalan na ako ng gana na makipag-away.

"Patikim naman oh! Mukhang masarap eh." Bakit ganun? Parang wala lang nangyari. Sa bagay, dinibdib ko kasi.

"Eto." Binigay ko sa kanya ang kutsara na may sauce ng kare-kare. I waited for his reaction, then he smiled. Shet, ano tong nararamdaman ko? Eh kasi, ang smile niya. Yung pati mati niya, kumikinang? Ahhhh >///////<

"Maarteng babae! Ang sarap! Tara kain tayo." Nagmamadali niyang inayos ang lamesa. Natatawa na lang ako sa itsura niya. Parang bata. Tahimik lang akong kumakain. Habang siya, tanong nito tanong nun. Tango lang ako ng tango. Awkward.

Never Ending ReplayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon