Chapter 2 - The 'Rencontre'

94 5 0
                                    

Xi's POV

Papunta ako ngayon sa bahay nina Zach. She's one of my childhood friends. Tinuturing ko na siya bilang tunay kong kapatid. Minsan napagkakamalan pa kaming lovers. Pero wala kaming nararamdaman sa isa't isa. Alam ko kung sino yung mahal ni Zach.

Nang naglalakad ako, nagiisip ako ng prank na pwede kong gawin sa kanya.

May light bulb agad na pumasok sa isip ko. Haha! Tatawa na naman ako nito hanggang sa walang hanggan!

Iniimagine ko palang yung reaction ni Zach hindi ko na mapigilan yung tawa ko. Ano pa kaya kung live na akong nanunuod ng panget niyang mukha? Haha! Laughtrip!

Bago akong dumiretso sa kanilang bahay, naghanap muna ako ng props para sa prank na gagawin. Haha! *evil laugh*

Nang nakahanap na ako ng props na kinakailangan ko, dumiretso na ako sa kanila. Free naman akong pumasok sa bahay nila, kilala na naman ako ng mga tao dun.

"Yaya Dessa nandyan po ba si Zach?" Wala kasing maingay eh. Nakakapanibago lang.

"Ay sir Xi, hindi pa po siya dumadating eh." Hihintayin ko nalang siya. Kailangan ko kasi ng clown ngayon. Haha. Ang boring sa bahay eh. Only child kasi ako.

"Ah sige po, hihintayin ko nalang siya." Umupo muna ako sa bench na nasa garden nila. Kitang-kita ko kasi dito kapag papadating na siya. Kailangan ko paghandaan ang prank ko.

Nakita ko ang sasakyan ni Zach na dumating na. Pumunta na ako sa harap ng pintuan nila para surpresahin siya. Excited na talaga ako! Nagtago ako sa bush na malapit sa pintuan nila. Kinuha ko sa jar ang props na gagamitin ko.

Tinapon ko sa kanya ang props na kinuha ko sa bakuran namin. Wooo.

"Ay taeng mabaho! Ahhhh! Get it off! Get it off!" Nagulat ako nang mapansin ko na hindi pala si Zach ang babaeng sumisigaw. Alam ko naman na diring diri si Zach sa uod pero, ang arte arte ng isang to. Sobra pang makareact kay Zach. Dahil sa konsensya ko,

"Miss, I thought you're Zach. I didn't mean it. I'm so sorry!" Nakita ko ang black aura na nakapaligid sa kanya. Hindi ko naman alam na hindi pala siya si Zach eh. Magsasalita pa sana ang babae na nasa unahan ko kaso naunahan siya ni Zach.

"What happened? Do you know each other?" Tanong ni Zach.

"No! Hindi kami magkakilala! Ang walang hiyang to! Tinapunan ako ng uod! NA.KA.KA.DI.RI!" Akala niya siguro hindi ko siya naiintindihan?!

"Babo." Bulong ko sa sarili ko. Ang arte ng isang to. Gwapo nga ako pero nahahawakan ko ang uod. Maganda naman siya pero joke lang yun.

[A/N: Half-filipino, half-korean po si Xi :)]

"Hindi ako bingi para hindi marinig yun!" Nagulat ako ng nagsalita siya ng korean.

"Marunong kang magkorean?!" Gulat na gulat na sabi ko.

"Oo! Marunong ako! Anong akala mo sakin?! Tanga?!" Grabe! Pwede lang naman niya sabihin yun ng hindi sumisigaw. Tsk! Dahil ako naman talaga ang gumawa ng gulo, ako nalang ang magsosorry. Mabait ako eh.

"Alright. I'm sorry sa ginawa ko. Now, can you forgive me?" I told her.

"Are you really trying to say sorry? Hindi ko maramdaman na sincere ka eh." Ang arte ah? Nag-sosorry na nga ako, tatarayan pa ako.

 

"Ah ewan ko sa'yo." Tumalikod na ako. Ngayon ko lang binaba ang pride ko. Pero walang kwenta!

Ember's POV

"Alright. I'm sorry sa ginawa ko. Now, can you forgive me?" Nakakainis talaga siya!

"Are you really trying to say sorry? Hindi ko maramdaman na sincere ka eh." Eh hindi naman talaga siya sincere. O sadyang naiinis lang talaga

"Ah ewan ko sa'yo." Wtf? Tinalikuran niya ako?! At ano daw? Sabi niya, ewan? Teka...

Marunong siyang magtagalog?! O.O

_____________________________________________________________________________

A/N

Rencontre is a french word that means encounter...

Thank you readers..

Please comment and vote :)

Never Ending ReplayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon