Hindi paman nag ring ang alarm clock ay gising na 'ko. Nagulat si manang nung ako pa ang kumatok sa pinto nya para maghanap ng pagkain. Hahahaha
"O, ba't ang aga nyo maam?" Sabi ni manang.
"Bakit manang? Ayaw nyo? Talaga bang dapat late akong bumangon? Manang naman oo, gutom na ako eh" sabi ko.
Agad agad namang pumunta ng kusina si manang.
Hindi rin nagtagal ay ready na rin ang pagkain. Kaya dumiretso na ako sa dining table at kumain, tapos na rin kasi akong mag shower magbihis.
Dali dali akong kumain at dumiretso na sa school.
Wow naman! 1 hour and 30 mins. before my class ako dumating.
Nasaan naba sina Heidi?Nagpalakad lakad ako around the school, nagbabakasakaling makikita ko sila Heidi, pero wala. Not even their shadows.
Ang boring, bukas hindi na talaga ako magpapaka-Early Bird....
But wait, hmmmm... Should I start pursuing my evil plan for Xylem?
Tama! Good timing, dahil wala pa namang masyadong tao sa school dapat simulan ko na ang plano ko.
HAHAHA!! Humanda talaga siya sa 'kin. Akala niya siguro papalampasin ko yung ginawa niya sa 'kin kahapon. Hindi noh! Si Alice yata 'to.
I went directly to the guidance office, and tamang tama si Mrs.Manulat ang in charge ngayon. Mas madali kong maisasagawa ang plano ko.
"Hi Mrs. Manulat!" I greeted her with all the charm I have.
"Alice? Tama ba itong nakikita ko? 7:45 palang ahhh, ba't ang aga -aga mo yata? Maaga ba pasok mo ngayon?"
"Kasi I really felt good waking up kanina. And I thought na I should start this day right, that's why I decided to discipline myself first. At yun ay ang pumasok nang maaga| :)" I smiled pagkatapos ng sinabi ko
"Wow, good for you. Matutuwa ang mommy mo nyan."
"Ay oo nga pala Mrs. Manulat, pinapahanap ng dean yung records ko dito sa guidance office, may irereview yata siyang information needed for the Univeristy Battles next week."
"Ay oo nga pala, representative ka nga pala ng School. Sandali lang Alice ahh, aayusin ko muna 'to. Sandali lang talaga."
"Do you want me to find it for you?"
Chance ko na to, mahahanap ko din ang full name nang mokong na Xylem na yun.
"Okay lang ba sayo Alice?"
"Of course, san nyo po ba inilagay?"
"Dyan sa cabinet, sa pinakababa. Nandyan ang files ng mga estudyante."
"Okay, i'll find it na."
Nagsimula na ako sa paghahanap.. and of course, hindi ang aking file ang hindi ko, but, none other than, Xylem's file.
Hindi rin nagtagal at nahanap ko rin ito. Buti nalang talaga may picture every file namin sa school, hindi ko pa naman alam ang apilyedo nitong mokong na 'to.
PRINCEVILL SUBDIVISION, BLOCK 2 LOT 1&2, MAKATI CITY.
Ayos! Nakuha ko na ang address ni Xylem.
"Nahanap mo na ba Alice?" sambit ni Mrs. Manulat
"Hindi pa nga po eh, ang dami naman kasi."
"Ako nalang ang maghahanap Alice, akin na."
Ilang segundo lang ay nahanap na ni Mrs. Manulat ang files ko. Agad nya naman itong inabot sa akin.
"Salamat po talaga. Alis na po ako."
"Walang anuman, Alice. Ibalik mo nalanag yan files pagkatapos i-review nang dean nyo."
"Sige po. Salamat po uli."
Agad naman akong umalis at tinawagan si Heide.
"Hello, Heidi? San kana ba?"
"Nandito na ako. School kana?" Sagot ni Heidei
"Oo, nandito ako sa labas nang guidance office. Punta ka dito."
"Okay, okay. I'm coming."
Ilang minuto lang ay nakita ko na si Heidi.
"Heidi, may tanong lang sana ako. Diba may fanclub kayo kay Xylem?"
"Hello, obvious ba? Na witness mo nga kahapon diba?"
"Oo alam ko. Pero bilang die hard fan ni Xylem siguro naman alam mo din yung class scheudle nya?"
"Oo naman ano! Araw araw kaya naming inaabangam si Xylem. Kaya nga alam namin kung saan siya tumatambay sa school eh kasi alam namin kung ano ang vacant nya."
"Pero teka, so alam nyo rin kung saan siya nakatira?"
Ba't hindi ko ba naisipang tanungin nalang si Heidi sa address ni Xylem. Nagpagod pa talaga akong magsinungaling kay Mrs. Manulat.
"Ayy, yan ang hindi namin alam. Late na kasing umuuwi yang si Xylem eh. Kaya wala nang nakakapag stalk sa amin. Wala din naman siyang facebook, instagram, snapchat, twitter. So hindi namin talaga malalaman kung saan siya nakatira."
"Ahh, ganun ba. Kasi ano, alam nyo ba, birthday na ni Xylem bukas."
(Pagsisinungaling 101 starts now) *evil laugh*
"Ano?" Nanlaki ang mga maga ni Heidi.
"Oo! Ano ba naman kayo, kayo tong fan na fan tapos di nyo man lang alam?"
"Paano mo naman nalaman?"
"Xylem and I have common friends you know. Yung cousin ko kasi, same sila nang school ni Xylem last year bago siya nag transfer dito sa school natin."
"Talaga Alice? Naku! Kailangang malaman nang mga kasama ko 'to."
"Naku dapat lang! Tiyaka balita ko, last year daw sinurpise si Xylem nang mga kaklase nya. Kasi raw mahilig talag si Xylem sa mga surprises."
"Talaga. Alam mo rin ba kung anong klaseng surprise ang gusto niya?"
"Oo, may idea ako. Sabi nang cousin ko, gustong gusto raw ni Xylem na kinakantahan siya nang birthday song first thing in the morning. Kasi he finds it sweet daw."
"Talaga?? Naku! Magandang idea yan Alice!"
"Kung ako sa inyo, pumunta kayo dun bukas sa bahay nila. Dapat agahan nyo talaga para maabotan nyo siya na hindi pa gising, para naman sweet talaga diba?"
"Pero paano yan, hindi namin alam kung saan nakatira si Xylem."
"Huwag kang mag alala, alam ko. Sinabi na rin sa aking ng pinsan ko. Nagka group project narin daw kasi siya kasama si Xylem, at dun sa bahay nila mismo ginawa."
Inabot ko agad ang isang perasong papel kay Heidi at doon nakasulat ang address ni Xylem.
"Salamat talaga Alice! Malaking tulong ka talaga sa amin. Sige, alis na ako, kailangan ko pang sabihan ang mga ksamahan ko tungkol dito."
"O sige sige. Bye Heide! Goodluck!"
Halatang napaka excited ni Heidi. Isa lang ang ibig sabihin nito.. Magtatagumpay ang plano ko *evil laigh*
Hahahaha! Tingnan ko lang.. Maghanda ka Xylem.
BINABASA MO ANG
What Keeps Me Waiting
RandomI'm Alice and my life is boring. Nasanay na kasi ako sa buhay ko. Masagana, at tahimik. Wala ako masyadong pinoproblema. Pero nagbago ang lahat simula nang may makilala ako.... At siguro siya na ang matagal ko ng hinihintay, ang babago ng boring kun...