"teka teka anong ingay ba yung naririnig ko sa labas? parang hiyaw ng pusa na pinipigilan"
lumabas ako at tiningnan kong anong meron sa labas ng CR.
ano ba 'tong nakikita ko? lalaking natutulog sa may corner na lihim namang pinagtitilian ng mga babaeng----? teka, kilala ko ang isang ito ahh.
"Heidi!"
"oy friend, quiet ka lang... ssshhhh"
"anong ginagawa niyo?"
"eh kasi naman itong si Xylem eh ang gwapo gwapo friend!"
"gwapo? paano niyo naman nalaman? eh may takip namang libro yang mukha niya?"
"friend naman, hindi mo ba siya kilala?"
"hindi, bakit anong meron sa kanya? anak ba siya ng presidente? kahit sino pa siya wala akong paki-alam at tiyaka napaka walang modo niya nama, dito pa talaga sa may girl's CR siya natutulog. siguro maniac yan!"
"friend, tumahimik ka nga, kaming tatlo ay xylem's fans!" *knikilig*
"aba at kinikilig ka pa ahhh! ano ba yang pinagsasabi niyong fans ha? artista lang ang nagkakaroon ng fan."
"naku hindi ahh, pwede kana kayang tawaging fan kong inaadmire mo talaga ang isang tao ng bonggang bongga!!-------OH MY!"
natigilan silang lahat nang dahan dahang hinila ni Xylem ang libro sa kanyang mukha at tumayo.
"naku ang ingay ingay naman. akala ko pa naman ma sosolo ko tong lugar. tsssss"
"um um, hi Xylem! kami nga pala ang Xylem's fans club. Gusto lang sana naming magpa picture"
naku naman, ang mga babaeng ito talaga, nakakahiya! wala man lang ba silang pride?
"oh sure, lets take a pose"
nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila at pinasali sa picture kaya naman di ko mapigilan ang sarili ko at talagang tinulak ko siya!!
"ano ka sinusuwerte? hindi mo 'ko fan ano! hindi nga kita kilala eh. ang hambog nito, kailangan pa talaga ako hilahin.. tsss. ---- ako na nga lang ang magpipicture sa inyo!" kinuha ko agad ang camera at pinasali ang isa pang bubwit na fan.
"oh ayan na yung picture niyo!!" galit na galit at namumula kong sabi.
papaalis na si Xylem, ang mga babaeng bubwit naman ay super kilig sa picture nila halos di na nga nila mabitaw-bitawan ang camera sa ka titig sa kanilang picture.
pero nagulat ako dahil palapit ng palapit sa akin si xylem.
parang may kung ano akong nararamdamang masama dito, ano kayang balak ng isang 'to.
ooohhh nooo, talagang lumalapit na siya sa akin! aba walang hiya tong lalaking ito ah! inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko? kulang nalang lamunin niya ako eh!
"i know for sure, you'll become my no.1 fan" at umalis nalang bigla...
habang palayo na siya, sumigaw talaga ako sa abot ng aking makakaya....
"NEVER!!!!!!!"
BINABASA MO ANG
What Keeps Me Waiting
RandomI'm Alice and my life is boring. Nasanay na kasi ako sa buhay ko. Masagana, at tahimik. Wala ako masyadong pinoproblema. Pero nagbago ang lahat simula nang may makilala ako.... At siguro siya na ang matagal ko ng hinihintay, ang babago ng boring kun...